"Bakit pa kukuha ng kasambahay kung kaibigan naman natin si Vicky?" pang aasar ni Dakota habang pinapanood niya akong mag mop dito sa kwarto namin habang siya naman ay preteng nakaupo sa kama niya.
"Magandang ihemplo talaga sa kanya si Doc, noh?" gatong pa ni Jolene.
"Kaya you should marry him na talaga, Vicky," sabat naman ni Maisey na katulad nung dalawa ay sinusubaybayan ang mga bawat galaw ko.
Napaikot ang mata ko sa kanila dahil araw-araw ko naman na 'tong ginagawa pero hindi parin sila matigil.
Hindi na nga sila nakakahawak ng walis or kung ano mang pang linis dahil ako na ang gumagawa kaya dapat ay magpasalamat sila, pero pang aasar lang ay ibinabayad nila sa akin. Pero hindi rin naman ako nabwebwesit sa kanila dahil may halong kagandahan 'yong mga sinasabi nila.
Kagaya nung mga sinabi nila kanina na magandang ihemplo at dapat ko na raw talagang pakasalan si Matt
Nagpunas ako ng pawis habang nakangiti at lalabas na sana ng kwarto para ibalik na 'tong mop pero tumigil ako dahil nag salita ulit si Jolene.
"Mamayang gabi daw 'yong ball nung isa roon sa mga charity na inii-sponsoran mo sabi ni Tatay, sasama ka raw ba sa kanya?" she asked.
I tilted my head at napatingin sa kisame dahil sobrang daming mga charity ang inii-sponsoran ko kaya hindi ko alam kung saan doon ang tinutukoy niya.
Actually, hindi naman ako ang talagang sponsor nung mga 'yon dahil 'yong mga parents ko talaga, kaya nung namatay sila ay ipinagpatuloy ko nalang 'yong kabutihang loob nila.
Pero hindi talaga ako intresado na pumunta sa mga events na 'yon dahil naboboringan ako at mas gugustuhin ko pang mag sketch dito sa apartment, kaya umiling ako kay Jolene at lumabas na ng kwarto namin.
Pinagpapawisan ako sa dami kong ginawa rito sa apartment dahil parang nag general cleaning ako kaya maliligo nalang muna ako bago ko gawin 'yong mga fashion sketches kong next week pa naman ang deadline.
Pero dahil nga ipinangako ko na sa sarili ko na magiging mabuting mag aaral na ako, gagawin ko na 'yon nang maaga.
Bumalik ako sa kwarto namin to get my towel pero nag vibrate 'yong phone ko kaya iyon muna ang una kong dinampot at nakitang nag text si Charms sa akin kaya napangiti ako, at agad 'yong nakita ni Jolene kaya napangiwi siya.
"Nag text nanaman 'yong bago niyang bff," she said and rolled her eyes, pero hindi ko siya pinansin dahil binabasa ko na 'yong text sa akin ni Charms.
Charms: Will you go to the charity ball of St. Paul's orphanage? I saw your name on the list of guests.
"Jolene, anong pangalan nung charity na sinasabi mo kanina?" I asked, and then lifted my head from looking to my phone to glance at her.
"St. Paul's orphanage raw sabi ni Tatay," she replied.
I nodded at her before getting my attention back to my phone para replyan si Charms pero bago ko pa man maumpisahan ay nag text ulit siya.
Charms: You should go because Matt will.
Naging alerto ako dahil sa nabasa at tumakbo palapit kay Jolene na sobrang nagulat at nanlalaki pa ang mga matang nakatingin sa akin.
"Sabihin mo kay Attorney sasama ako!" I said—almost shouting.
Napatayo silang tatlo dahil doon at pilit na sinisilip 'yong phone ko dahil alam nilang ayun ang rason kung bakit ako nag rereact nang ganito, pero inilayo ko 'yon sa kanila para makapag reply ako nang maayos kay Charms.
To Charms: Yes, I will.
Napaka chill ng reply ko pero sa totoo ay hindi na ako mapakali sa sobrang excitement, at hindi ko alam kung sino ang unang haharapin ko rito sa mga kaibigan kong sunod-sunod ang tanong.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...