Chapter 38

4 1 0
                                    

Pagod na pagod ang katawan ko kahit na magdamag akong tulog sa hospital. Pero imbes na matulog at magpahinga ay mas pinili kong tumulala habang kandong si Seren dito sa couch.

Alas diyes na ng umaga at kanina pa umalis si Matt. Tinanong niya pa ako nang ilang beses kung hindi ba ako nasaktan at nag offer kung gusto ko bang magpahinga sa bahay niya, pero umiling lang ako at nginitian siya kahit na gustong-gusto kong ubusin 'tong araw na 'to kasama siya.

Napabalikwas ako mula sa pagtulala sa kawalan nang gumalaw si Seren at mas nagsumiksik sa akin.

Hinaplos ko ang ulo niya at habang ginagawa ko iyon ay naninikip ang didbib ko dahil hindi niya ako maiintindihan.

She will never understand why I will leave this world kahit na ilang beses kong ipaintindi sa kanya.

Natatakot ako na baka isipin niyang bigla nalang akong nawala at iniabanduna siya, which I will never do because if only I have a choice... hinding-hindi ko iiwanan ang kahit na sino man sa kanila.

I never even thought of leaving, but death was already on its way to me at sa oras na dumating na iyon ay wala kaming magagawa.

Umiling ako nang maraming beses dahil natutulala nanaman ako at sigurado akong kapag hinayaan ko ang sarili kong ganun ay kahit magdamag pa akong tumulala rito.

Tumayo na ako mula sa couch at maingat na inilapag si Seren doon dahil natutulog pa siya, at tsaka napag pasyahang maligo nalang muna.

Nararamdaman ko na kasi ang lagkit ng katawan ko mula roon sa mga natuyong pawis nung nahimatay ako sa loob ng kotse ko.

Tahimik akong pumasok ng banyo at mabilis lang na naligo dahil kahit na iyonn lang ay parang napagod agad ako.

Pagkalabas ko ay nag pupunas parin ako ng basang buhok nang tawagin ako ni Dakota na may ginagawa sa study table niya.

"Girl, tapos ko na i-sketch 'yong mga wedding gown mo. Tatlo ang design na ginawa ko, pili ka nalang," she said and handed me her sketchbook.

Narinig nung dalawa ang sinabi niya kaya nagmadali silang lumapit at sumiksik sa akin para makita iyong mga designs ni Dakota.

"Diba, gusto mo traditional Filipino wedding? Oh, ayan Filipiniana gown lahat."

Tumayo na rin siya para makipagsiksikan sa amin at makita iyong mga designs niya.

Filipiniana nga lang iyon at lahat ay maganda, pero may isang pumukaw ng atensyon ko kaya itinuro ko iyon.

"Maganda 'to," I told her.

Sasang-ayon na sana siya, but we heard Jolene's scoff kaya napalingon kami sa kanya.

"Ang panget parang pang patay," pag kontra niya at inagaw sa akin iyong sketchbook na agad kong nabitawan dahil sa biglaang panghihina ng kamay habang umaalingawngaw sa utak ko iyong sinabi niya.

Pang patay...

Kaya ba nakuha ng gown na 'yon ang atensyon ko because it was meant for me dahil pang patay?

"Ikaw talaga ang diktador mo talaga. Hayaan mo kaya si Vicky mamili." Inagaw pabalik ni Dakota yung sketch book at inirapan si Jolene.

Inilagay niya sa mga kamay ko 'yon pero hindi ko mahawakan nang maayos kaya nahulog sa sahig.

Pinulot 'yon ni Maisey at ibinigay ulit sa akin kaya hinawakan ko na nang maayos.

"Are you okay? Pansin ko na kanina ka pa wala sa sarili," she asked with concern.

Wala agad nakapag salita sa tanong niya dahil iyong dalawa ay nakatitig sa akin para hintayin ang pag sagot ko at alam kong kanina pa nila gustong itanong iyon sa akin pero si Maisey lang ang nagkaroon ng lakas ng loob.

Body ClockWhere stories live. Discover now