Medjo late ako nagising ngayon dahil napagod ako kahapon sa pagtapos nung mga sketches na kailangan kong ipasa, pero naabutan ko parin naman 'yong sunrise at tulog pa ang mga kaibigan ko.
Tuluyan nang nagpakita ang araw kaya papasok na sana ako sa apartment nang makarinig ako ng sasakyan sa baba kaya dumungaw ako para makita kung kanino 'yon.
Napakunot ang noo ko kahit kilala ko naman ang lumabas sa kotseng nakaparada na sa harap ng apartment.
Anong ginagawa ni Attorney dito nang ganitong oras? Sobrang aga pa.
Naramdaman niya ang presensya ko rito sa veranda kaya napatingin siya pataas at ngumiti nang makita ako.
Dali-dali naman akong lumabas ng apartment para pagbuksan siya ng gate dahil naka lock pa 'yon.
"Attorney, ano pong ginagawa niyo rito?" Hindi ko na napigilang magtanong pagkatapos kong magmano sa kanya.
"Bawal na ba akong dumalaw dito, anak?" pabiro niyang tanong, pero mabilis akong umiling at mas binuksan pa ang gate para papasukin siya kaya mahina siyang tumawa.
Nagiging madalas din ang pagdalaw ni Sean at Charms dito, pero nagtataka lang talaga ako dahil ang aga-aga pa. Hindi ba siya busy?
Sabay kaming pumasok sa apartment at mas naging malalim ang guhit sa noo ko dahil imbes na sa sala siya dumiretso ay sa kusina siya nagpunta, pero bumuntot parin ako.
Pinapanood ko siya, hanggang sa ilapag niya sa countertop ang isang paper bag at malaking plastic na hindi ko napansing dala niya kanina.
Binuklat niya 'yon at isa-isang nilabas 'yong mga laman na prutas, gulay, karne, isda, at marami pang iba.
Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. "Tay, may stock pa po kami ng grocery," sabi ko sa kanya dahil sa nakikita ko ay ipinamili niya ulit kami.
"Ipagluluto ko kayo ngayon, kaya dapat ay kumain ka," aniya nang hindi ako tinatapunan ng tingin dahil busy parin siya sa pag aayos nung mga dala niya.
Napanguso nalang ako at maliit na tumango sa kanya para iwas sermon.
Tinulungan ko rin siya sa pag balat at pag hiwa nung mga gulay kahit na sinabi niyang umupo nalang ako.
Pero dahil nga sadyang makulit ako ay nagpatuloy parin ako kahit na hindi ko alam ang ginagawa ko, kaya ang ending ay nagkaroon ako ng mga maliliit na sugat sa kamay.
And again, I didn't tell him para iwas sermon.
Naupo lang ako at tumahimik nung nag umpisa na siyang mag luto dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin doon, kaya ngayon ay pinapanood ko nalang siya.
Kinakausap niya ako at tinatanong ang mga ganap ko these past few days, kaya ikinwento ko sa kanya na tinapos ko na lahat ng mga requirements ko sa school kaya tuwang-tuwa siya.
Nabalot kami ng katahimikan kaya tumikhim ako.
"Tay?" I called him softly.
"Hmmm?" sagot niya at pinantayan ang lambot ng boses ko.
"I-I have a favor to ask." Kinagat ko ang pang ibabang labi at pinaglaruan ang mga daliri kagaya ng lagi kong ginagawa sa tuwing anxious.
"What is it, anak?" tanong niya at sa wakas ay hinarap na ako.
Lumunok ako para ihanda ang sarili.
This was the time I've been waiting for simula nung isinulat ko 'yong bucket list ko.
Lagi akong humahanap ng tyempo para makapag usap kami ni Attorney nang kami lang na dalawa, at ito na 'yon kaya dapat ay wag kong sayangin dahil wala nang susunod.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...