Gabi na ako nakauwi sa apartment dahil maliban sa pag ssketch ay kinumbinsi ko pa si Bryle na si Matt nga iyong mapapangasawa ko—'yong tinutukoy niyang hot vet.
Hindi siya naniniwala sa akin noong una at sinabi pang baka jino-joke time ko siya, kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko si Matt, at nung sumagot siya at naconfirm na nitong si Bryle na nagsasabi ako ng totoo ay shookt na shookt siya.
Ichinika niya pa agad kay Lance, kaya ang ending ay invited na silang dalawa sa wedding namin.
Kauuwi ko lang dito sa apartment pero hindi ako hinayaang magpahinga ni Dakota or kahit umupo man lang dahil agad niyang inilabas iyong measuring tape niya.
Mukhang hinintay niya talaga akong makauwi dahil noong pagkarating ko ay agad ko siyang naabutan sa pinto, kaya hinayaan ko nalang siyang kunin ang measurements ko dahil para sa akin din lang naman 'to, at alam kong excited lang siya kagaya ko.
I mean, sino ba namang hindi maeexcite, diba?
Nagbihis muna ako into a sport bra and tight biker's short para maging accurate 'yong makukuha niyang measurements sa akin at tumayo nang straight sa harapan niya.
"Wag kang malikot," pagbabanta niya sa akin bago nag umpisa.
Tumango ako sa kanya and bit my lower lip because I was really trying my best not to burst out in laughter even though nakikiliti ako, pero hindi ko rin napigilan ang sarili noong sa may bandang kili-kili niya na ako sinusukatan, kaya itinulak ko muna siya palayo para makatawa ako.
"Wait, time first!" I extended both of my arms in front to stop her from coming closer.
"Ang kulit naman ng babaeng 'to!" she complained—scratching her head in annoyance and stomped her foot once to the ground.
Mas tumawa ako nang malakas dahil sa ginawa niya pero huminto rin agad nung sinamaan niya ako ng tingin at pinilit ang sariling mag seryoso dahil baka mabadtrip siya at hindi na ituloy 'to.
"Taas kamay," she seriously uttered, so I quickly obeyed.
Itinaas ko ang mga kamay ko sa hangin at hinayaan siyang ipalibot 'yong measuring tape sa may dibdib ko.
"Wow, lumaki dede mo ha," she commented and chuckled as she wrote down the size of my chest area.
"Nadiscover ko kasi secret mo." I jokingly rolled my eyes at her with a wicked smile on my lips.
Pinagtaasan niya ako ng kilay dahil agad niyang nagets 'yong sinabi ko.
"Gaga, genes lang 'to. 'Yong sayo dahil sa kamay ni Doc." Tumawa siya at hinampas sa akin 'yong measuring tape.
Napasinghap ako sa sinabi niya at tinakpan ang dibdib ko. "Hoy, bastos 'to!" sigaw ko na mas nagpatawa lang sa kanya.
"Ewan ko sayo, Vicky." Tumatawa parin siyang umiling sa akin at nag umpisa na ulit sa pagsukat.
Tumahimik nalang ako after nun at hinayaan siya sa trabaho niya, hanggang sa marinig ko ulit siyang mag salita nung sa may hita ko na siya nag susukat.
"Saan ka ba nagsusu-suot at ang dami mo ulit pasa? Nadapa ka ba, natisod, natumba, nabangga or kung ano man na normal na sa pang araw-araw mo?" she asked one after another habang nakatitig sa kanan kong hita, kung saan meron di kukulang na tatlong pasa.
Napapilig yung ulo sa gilid habang tinititigan din ang mga iyon kasi hindi ko alam kung saan ko sila nakuha dahil hindi naman ako nadapa, natisod, or kung ano man sa mga nabanggit niya na pwedeng maging rason kung bakit may mga pasa ako.
"Ito pa, oh," Dakota pointed and lifted my arm to show me another bruise.
Nangunot na ang noo ko dahil sa dami kong pasa, pero sa huli ay nagkibit balikat nalang ako dahil madalas itong mangyari. Minsan kasi ay hindi ko alam o namamalayan na kung saan-saan na ako nabubunggo dahil sa sobrang clumsy ko. Kaya siguro ay nakasagi ako ng kung anong bagay this past days at hindi ko lang maalala.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...