Chapter 57 - SECRET MEETING

7 2 0
                                    

JULIA AMARIS ' POV

Palabas kami ngayon ng school at papunta sa Hospital kung nasaan si Jin. Hindi ko alam kung bakit pati si kuya ay pupunta doon ngayon kasama pa si JD.

Pero bago pa ang lahat. Mayroon talaga akong kanina pa pinag-iisipan.

Gusto ko na sana sabihin kay Ninay lahat-lahat pero hindi ako makahanap ng right timing. Kung bakit kasi hindi kami tinatantanan nito ni Juan at iba pang asungot. Kanina pa sila buntot ng buntot. Kesyo, guards ko daw sila.

Wala naman ibang nakakaalam ng tungkol sa nangyari sa akin pero kalat sa school yung nangyare, hindi lang nila alam na ako 'yon.

Lahat ng kaklase ko ay frustrated pa rin sa nangyari sa akin. Jusko, apat na araw na halos ang nakalipas pero hanggang ngayon mainit parin sila.

Actually, mainit din ang ulo ko dahil buong weekend ay nasa bahay ako at hindi manlang hinayaan maggala. Napaka-OA nilang lahat!

Anyway, ayun nga. Iniisip ko kung sasabihin ko na ba kay Ninay ang lahat ng tinatago ko sa kanya kesa sa iba pa niya malaman. Nako-konsensya narin kasi ako. Gustong-gusto niya akong puntahan kahapon at nung saturday pero dahil lumipat na nga kami ng bahay kila Xian, eh, hindi tuloy siya makapunta.

Mabuti at kinampihan ako ni JD. Siya nag kumbinsi kay Ninay na huwag na tumuloy pero nakokonsensya na ako kaya mabuti pa nga sabihin ko na.

"Si Kuya Xian ang weird weird today." Bigla ay rinig kong sabi ni Juan.

Nasa likod namin sila.

Isa pa yan sa pinoproblema ko. Sinabihan ko na siyang hindi dapat kami magpahalata pero napakapangit ng acting niya!

Sabing galit - galit dapat kami pero kung makadikit dinaig pa double sided tape!

"True. Sobrang weird ni Xian today.." Sabi bigla ni Ninay tuloy ay naituon ko sa kanya ang tingin ko. Nang magtama ang tingin namin ay nakangisi na siya sa akin. "Pati ikaw." Dagdag niya.

Kung nasa dilim kami ngayon, malamang nasipa ko na mukha niya sa sobrang nakakatakot ng ekspresyon niya.

Para tuloy akong napaisip kung gusto ko talaga sabihin sa kanya.

"B-Bakit?" Kabado kong tanong.

"Ang weird ng mga tinginan niya ni Xian. Kunwari pa kayo magkaaway, eh, halata namang nagpapanggap lang kayo." Dire-diretso niyang sabi at halos mapigil ko ang aking paghinga sa sobrang intense ng mga tingin niya.

Ayos lang naman na malaman niya pero huwag naman dito sa gitna ng hallway. Andito pa mga kaklase namin at iba pang students. Sa sobrang lakas ng boses niya at OA ng mga reactions niya, for sure pag nalaman niya ang secret namin ni Xian malamang sisigaw siya.

Napailing ako sa naisip ko.

NO-NO-NO-NO-NO

"Look." Panimula ko habang hawak siya magkabilang balikat.

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana ng bigla nalang kami palibutan ng mga hunghang naming kaklase.

Kaasar talaga.

"Ano yan ha?"

"Spill.... Spill...."

"Bat nagsosolo kayo, share share!"

"Chickaaa minuteeee!!"

Napapikit nalang ako sa inis sa kanila. Para silang mga uhaw sa impormasyon. Kanina pa sila ganyan. Hindi ko alam bat parang super attentive nila ngayon. Kada kikilos ako ay tinitingnan nila ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hydrangea Love  (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon