XXXIV

12 2 0
                                    


Malapad ang ngiti ni Elliot nang hininto niya ang sasakyan sa gilid ng magandang tanawin ng Tagatay.

Kanina pa lumubog ang araw. Tanging ang navy blue na langit na may iilang bituin na kumikinang ang naiwan. Malamig at presko ang simoy ng hangin na dinadala ang naglalahong amoy ng pine trees at nabasang lupa mula sa pag-ulan kanina.

Nakapikit na sumandal si Rose. Nagpaunat-unlat. Ilang saglit biglang lumaki ang mga mata nito nang makita ang napakagandang tanawin ng Taal Volcano.

"Wow! Ang ganda!"bulalas nito. Napasandal agad sa bintana matapos nitong buksan.

Tumango siya, habang ninanakawan ito ng tingin, her face softly illuminated by the glow of the dashboard lights. Her excitement was infectious, and despite his usual composed demeanor, he found himself smiling again. "I'm glad you like it."

"Grabe parang painting. Sayang nga kasi gabi na. Kung ununa sana muna natin ito kanina,"sabi nito na napapawi ang boses sa huling salita.

Kinamot niya ang gilid ng ulo. Kasalanan niya,actually. Nilibot muna nila ang syudad, kahit late na silang dumating dito. Inuna nila ang coffee farm, kumain ng local delicacies, at makipagkwentuhan sa mga locals. Hindi lang kasi pagpapasyal ang sadya niya rito. Pumunta siya sa isang hotel nila. Tyempong nakita niya si Rose kaya sinama niya.

Dumaan muna sila ng Taal bago bumalik sa Manila. Kahit gagabihin sila, uuwi pa rin siya.

"Pero salamat sa another experience,"dugtong nang hindi siya sinagot.

Nagmasid siya sa labas. "Ano? You don't want to see the volcano clearly? Pwede kang lumabas, hihintayin kita dito."

Ilang sandali siya nitong tinignan. "Gusto ko ng kasama."

Bumuga siya ng hangin. Tahimik na pumayag saka kasabay na lumabas. Nilabas nito ang cellphone. Masayang kinunan ng litrato ang view. Samantala siya, kinukunan niya ito ng litrato ng palihim.

Binaba niya kaagad ang cellphone nang lumingon ito sa kanya. Ngumiti siya na parang walang krimen na ginawa. Tinugunan din siya ng matamis na ngiti. Nigilan nito ang nakalugay na buhok nang biglang humihip ang malakas na hangin.

Nagningning sa kanyang mga mata ang anyo ni Rose. Ayaw niyang kumurap, baka kasi biglang mawala.

Tinabihan niya ito. Binuka niya ang bibig para magsalita pero may ilang butil ng tubig na bumabagsak. Kasabay non ang pag-ihip ng hangin.

"Siguro,dapat na tayong bumalik sa sasakyan,"paalala niya sa kanyang sekretarya.

Lumalaki ang butil ng ulan. Lumakas din ang hangin. Mayamaya, naging mabigat at naglaho ang paligid sa pagtulo ng malakas na ulan.

Hinila niya pabalik ng sasakyan si Rose. Habol ang hininga niyang napaupo sa driver seat. Pinaandar niya ang wiper ng windshield dahil natatakpan na ng malalaking butil ng tubig. Nag-alala tuloy siya kung makakauwi pa sila.

"Umuulan." Narinig niyang bulong nito pero binalewala niya.

"It's time to head back,"aniya na pinaadar ang sasakyan. Napatapik niya ang daliri sa hawak na stirring wheel.

"Teka po,"tutol nito. Hindi nito sinuot ang seat belt. Hinintay siguro siya ang magpapasuot dito.

Abala siyang kinikilig na iniisip ang pag-seat belt nito kaninan nang biglang binuksan nito ang pintuan.

Nanlaki ang mga mata niya. Pipigilan niya sana pero huli na. Um-echo ang tawa nito nang makalabas. Pinatay niya ang engine. Tinutok ang atensyon sa misteryosang dilag.

"Rose!"tawag niya na nanatiling nakaupo sa driver's seat. "What are you doing? You'll get soaked!"

"I love the rain!" she called back, twirling in the downpour, her arms spread wide. Her clothes clung to her, her hair quickly dampening, but she was radiant, her joy so pure that he couldn't help but watch her in awe.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon