XXXVII

6 2 0
                                    

Bumalikwas si Rose. Naramdaman niya ang malambot na unan sa ilalim ng kanyang mukha. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng kagihawaan at ang sarap ng tulog niya. Walang panaginip o bangungot. Tila napaidlip lang siya ng sandali. Dinilat niya ang mga mata. Nag-inat.

Teka, hindi ito ang kwarto niya.

Natauhan siya nang maalala niya ang nangyari kagabi. Nakatulog siya habang naglalaro sila ng chess. Shot! Nasa condo pa rin siya ng boss niya. Nagpanic lahat ng cells niya. Wala pa sa alas kwatro siyang tumambling pababa ng kama nito. Hinanap niya ang sandal pero hindi niya makita. Nangingig ang mga paa niyang naglakad sa buong silid. Yumuyuko siya at nag-iingat na h'wag gumawa ng ingay. Kailangan niyang umalis bago pa siya makita nito.

"What do you think you're doing,Rose?" Sumulpot ang boses na kinatatakutan niyang marinig. Naging bato siya sa kanyang posisyon. At tila robot na inikot ang ulo papunta sa direksyon ng boses. Kinagat niya ang labi na tinignan nito.

"I-I'm..." Hindi niya natapos ang pagsasalita nang dumapo ang paningin niya sa pwesto na binagbabawalan siyang tignan. Pinagbabawalan siya ng utak niya na pagnasaan ang six-pack ab nito. Umuwang ang bibig niya, kulang na lang ay tumulo ang kanyang laway. Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses niyang makitang nakatapis ito pero hindi niya maiwasang pagnasaan ito.

 Sumimangot si Elliot. Natataka sa reaksyon niya. "Okay ka lang?"tanong nito. Tinutuyo ang buhok. Ang cool nito tignan para itong model. 

Why he's so hot?  Bulong niya sa sarili. Parang may init na gumagapang paakyat sa katawan niya.  Titig na titig siya sa abs nito. Natatakam siya. Gusto niyang hawakan iyon at namnamin. 

"Why are you looking at my body like that?"puna ni Elliot. Napalundag siya nang ma-realize niyang nasa harapan na niya 'to. Kunting metro na lang, didikit na ang katawan nila. 

"S-Sorry. Sorry,"tanging nasabi niya. Paulit-ulit siyang yumukod. Hindi niya ito matignan ng deretso. Nahalata nito ang pagnanasa niya. Jusmeyo, ano'ng gagawin niya? Wala siyang kawala sa boss niya. Ang gwapo at mabango nito. Ini-intoxicate siya.

"Type mo ba ang katawan ko, Rose?" Nilagay nito sa balikat ang hand towel. 

Niyanig naman siya sa tanong nito. Kung sasabihin niya ba'ng oo, ano'ng mangyayari sa kanya? Erase,erase. No,no,no! Hindi ka pwedeng magpadala. Dapat siya ang aakitin mo. Hindi ikaw ang naaakit sa kanya.

Tinutop niya ang kanyang mukha. Sinubukang pakalmahin ang sarili. Narinig niyang tumawa ito. Tinggal niya pa-isa-isa ang mga kamay. Namumula ang mukha nito habang tumatawa.

"Silent means yes. Type mo ang abs ko? Kung ganoon, pag-iigian ko pang mag-gym,"mayabang nitong sambit. Umaaksyon ito na parang nagba-body building. Proud na proud sa malulusog nitong biceps.

"Wag po kayong mag-isip ng masama. Oo, maganda ang abs niyo pero hindi ko po kayo pinagnanasahan. Sorry po kung naging bastos ako, private property niyo po ito at wala akong karapatang tignan kayo ng ganito,"nangiyak-ngiyak niyang pagpapaumanhin.

Sumalpok ang kilay nito. "Malaya kang pagnasaan ako, Rose. Be greedy sometimes. Minsan lang ang oppurtunity na 'to."

"Ano? Hindi naman tama 'yon. Kahit sino ba namakakita sa'yo ng ganyan. Okay lang po sa inyo?"

Pinagsasampal niya ang sarili sa kanyang imahenasyon habang sinasabi 'yon.

"Only you I give a permission to see me like this. Wag kang mahiya, saka parte ito ng trabaho mo."

"Secretary lang ako. Hindi personal assistant."

"So, gagawin na kitang personal assistant ko."

Sunod-sunod siyang napamura sa isip niya. Ano ba ang kinain nito? Kung anu-ano na lang ang iniisip. Nasobrahan ba ito ng wine kagabi? O baka naman nanaginip pa rin siya. Natutulog pa lamang siya. Pero kahit ilang beses niyang isara at buksan ang mga mata. Ganoon pa rin, nasa harap niya ang gwapong olympian god na bumaba sa mt. Olympus. 

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon