LX

7 0 0
                                    


Kinamot ni Rosette ang gilid ng sentido gamit ang ballpen. Yumukod siya. Tinutok ang sarili sa pagbabasa ng isang artikolo sa internet. Walang malay na tinapik ang mga daliri sa ibabaw ng makintab niyang mahogany desk.  Binalewala ang nagpatong-patong na mga papel sa harapan na kanina pa naghihintay na pirmahan niya. Sumingkit ang mga mata nang sumagi sa kanya ang isang artikolo.

“Mallary Group Secures 5-Star Status for All Five Hotels: A Record-Breaking Achievement.” Mahina niyang binasa. Ngumiwi siya at inayos ang pagkakaupo. Binaba ang ballpen. Bumuntong hininga. Naiinis na pasabunot na hinila ang nakalugay niyang buhok.

    Five hotels, five stars… Of course, he did it. Typical Elliot... sabi niya sa sarili. Tinutop niya ang bibig kasi hindi niya mapigilang ngumiti. Lalong namasyal ang kanyang isipan, ini-imagine si Elliot na nakaupo sa opisina nito, nakangiti dahil sa good news o baka abala sa mga bagong projects.

Nasa kanyang opisina siya ngayon. Muling nagbalik bilang CEO ng maliit niyang kompanya. Halos isang buwan niyang inabala ang sarili sa trabaho at pagpaplano ng kasal nila ni Ranier sa susunod na buwan ng Disyembre. Kahit panay ang zone out niya hindi siya pinabayaan ng kanyang fiancé. Nakita niya ang pagbabago nito. Naging maalaga, maalahanin at hindi nagkulang sa pag-intindi sa kanya. Alam nito ang sitwasyon niya at handa siyang tulungan para kalimutan si Elliot.

Kung sakali mang magkaroon mag-aasawa ang unang lalaking minahal niya, handa siya maging masaya para dito. Kaso hindi pa siya emotionally and mentally prepared.
Naagaw ang kanyang atensyon ng mahinang katok sa pintuan. Sinara niya ang laptop. Inangat ang ulo bago sumandal sa kanyang swivel chair.

The door swung open and in stepped Cristina, her vice president, with her usual confident stride and a broad smile that could brighten any room. Nakakahawa ang sumasabog nitong aura sa paligid. Napapa-smile siya na hindi nalalaman.

"Good morning,boss,"bati nito. Marahang sinara ang pinto. Abot-tenga ang ngiti na humakbang palapit sa kanya. Tumatabog pa ang kulot nitong buhok. Naka-suot ito ng light-blue na blusa at kulay crema na pencil skirt na pinarisan ng puting stilleto. Mas CEO tignan si Cristina kesa sa kanya dahil ang liwanag ng mukha nito.  Umupo ito sa harap niya habang inaabot ang asul na folder.

"What's up? Ang lapad ng ngiti natin ha? Kunti na lang ay mapupunit na ang mga labi,"pabirong bungad niya. Dinala niya sa biro ang sarili upang hindi mahalatang malungkot siya.

“Of course, we’ve finally secured distribution for our new line of dresses in the provinces. Cebu, Davao, and Baguio have all confirmed their orders, and I’m negotiating with suppliers in Bacolod and Iloilo next,"masiglang imporma nito. Sinabit sa tenga ang ilang hiblang na hulog sa mukha nito. Tinignan siya habang binubuklat ang report nito.

Gumuhit ang abot-tenga niyang ngiti sa mga labi. Proud na proud siya palagi sa kanyang VP sa pagiging dedicated nito sa trabaho. Medyo nalulungkot siya dahil single pa rin ito sa edad na 30.
"Great! Malaking hakbang na ito. Salamat, Cristina sa dedikasyon mo. You deserved a treat!"tugon niya.

Pa-dismissive nitong hinawi ang isang kamay. "Ano ka ba, hindi lang naman ako ng trabaho kundi tayong lahat. Nagpapasalamat ang buong team sa'yo no? Saka ikaw dapat ang i-treat namin,"Sumbat nito na napadekwatrong upo.

"Sinalo mo lahat ng trabaho noong wala ako. Ikaw dapat iyong i-te-treat ko—"
"Naku! H'wag mo nang problemahin yon. Ang totoo niyan may regalo ako sa'yo, "she snapped, then showed the two plane tickets.
"What's that for?"taka niyang usisa.
Maingat nitong nilapag sa ibabaw ng lamesa at giniya papunta sa kanya.

"You deserve a treat, not me,"anito.

"No, I just came here then—"

"Wala namang problema sa amin. Ayaw lang namin makita kang malungkot. Pumunta ka ng Bohol,isama mo si Ranier. Tiyak makakalimutan mo ang lungkot mo,"putol nito sabay kibit ng balikat. "Sayang naman ang pinalunan kong ticket. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganyan. Saka five days 'yan, all expenses are paid."

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon