XL

14 2 0
                                    

Hindi makalimutan ni Rose ang nasaksihan kahapon. It was her first time seeing him acting like a child. Maghahabulan ba naman sa kalsada. Kahit hindi niya alam ang dahilan, basta natatawa siya kapag maalal iyon.

"Rose, ito ang mga dokumento na kailangan mong i-review,"sabi ng marketing manager at walang modong binagsak ang tatlong folder sa kanyang lamesa.

Muntikan siyang mapa-igtad. Nasa opisina siya sa ngayon at bali-balita na may masama raw siyang binabalak kay Elliot. Nangyari lang yon noong naging referee siyang ng boxing ni Elliot at Magnus. Lumala pa ng may isang nakahanap ng tip na kumakain sila ng lunch sa marangyang restaurant. Siya ang laman ng tsismis at masama na rin ang tingin sa kanya ng lahat.

Oh, God! Help her.
"Pero.. hindi po ito kasali sa trabaho ko,"reklamo niya.
Sumama ang mukha ng aroganteng matabang lalaki. "Tutal palagi naman kayong magkasama ni Sir. Ikaw na bahalang pumasa sa kanya niya,"uto nito. Pinipwersa talaga siya.
Sa gilid ng kanyang isipan , nagigil siya at gusto niya itong tirisan. Nagsisimula nang maging arogante ang mga co-employee niya. Hindi niya naman inaano. Simula nang dumating siya rito, ni isa walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Tinitignan lang siya ng mula itaas hanggang ibaba tapos balewalain na. Mabuti na lang, hindi niya naging empleyado ang mga ito sa kanyang companya. Tiyak, pinam-fired niya lahat.
"Rereklamo ka pa? Kung makadikit kay Bossing mistula ka niyang girlfriend. Balak mo yatang agawin siya kay Miss Juliette ha. Iba na talaga ang mga gold digger ngayon!"walang preno nitong salita. Dinidiin talaga bawat bigkas.
Hinawakan niya ng mahigpitbang fountain pen. They are misjudging her. At sa mukha to, sasabihan pang gold digger.
Nawala ang timpi niya. Tumayo siya at dinuro ang hintuturo rito,"Hoy! Saan mo naman na pulot yan? Sempre, secretaryako ni Sir Elliot at trabaho kong sundan siya at hindi ako g9ld digger. Mas marami pa akong pera sayo!"

Nawawalan na siya ng poise. Hindi siya pwedeng ma-stress sa walang kwentang usapan na ito.
Nanunudyong tumawa ito. Talagang sinusubukan ang pasensya niya.

"Feelingera-"
"Sino'ng feelingera?" Hindi natapos ang pagsasalita nito nang sumulpot ang boses ni Elliot mula sa kanyang likuran.

Mistulang naging bato si Marketing Manager. Ayan, mabilis bumalik ng karma. Nawalan ito ng dila, hindi makarason sa harap ng boss nila.

"Sinabihan niya akong feelingera dahil sunod ng sunod po ako sa inyo,"nagtatampo niyang saad.
Naging maputla ang mukha nito. Lalong naging bato dahil sa nakakasulasok na tingin ni Elliot dito.

"H-Hindi po yon totoo,"nanginginig nitong rason saka nilipat ang tingin sa kanya. "Miss Mendoza, wala akong ginagawang masama sa'yo. Please refrain from accusing me."
Tinirik ko ang aking mga mata. Grabe, siya pa ang binabaliktad ngayon.
"Sige po Sir, babalik na ako sa trabaho,"magmamadali nitong excuse.
"Ano ba ang pakay mo rito? Kung guguluhin mo ulit si Rose. I-de-demote kita!"kakila-kilabot nitong babala.
Naranta ang lalaki at mabilis na kinuha ang tatlong folder na initsa kanina sa kanyang lamesa. Wala itong lingon na tumakbo palayo sa kanila. Nakatitig sabay iling ang mga empleyado na nakasaksi sa pangyayari.

Lihim siyang tumatawa. May hustisya kaagad sa mga taong inaapi.
Nakapamulsa na tumingin si Elliot sa kanya. Binabasa nito ang mukha niya. "Tell me later, what he has done to you. I'll surely demote him,"anito.

Ha? Bigla siyang nakosensiya. Sa simpleng bagay, sisirain niya ang buhay ng iba. Hindi naman siya ganoon kasama.

"Kalimutan na po natin 'yon. Hindi ko naman dinidibdib ang sinabi niya,"pagtatangi niya.

Lalong sumingkit ang mga mata nito. "I don't tolerate bullying here. If-"
"Utang na loob, Elliot. Kalimutan n'yo na,"putol niya sa pagsusumamong boses.

Mabuti na dala ito. "Palalampasin ko sa ngayon. Pasalamat siya busy ako. Johannes will arrive within 20 minutes so you should prepare us café americano." Tinignan muna nito ang relo bago bumalik sa opisina.
Kinamot niya ang ulo gamit ang ballpen. Tumayo siya para tumungo sa kitchenette upang ipaghanda ng kape.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon