LXII

11 3 0
                                    


"Tumingala si Rosette sa langit nang sumandal sa wooden bench. Naupo siya upang ibsan ang sumasakit na mga paa. Subalit hindi siya tinatakasan ng frustration at ng takot. Imbes mapagod siya sa buong araw na pag-iikot sa Bohol mas na pagod siya sa pag-alala ng nangyari kagabi. Sinadya marahil ng tandaha na patagpuan sila ni Elliot dito. Bagaman masakit ang kanyang loob dahil hindi pa siya nito mapapatawad ay tila sinusundot ang kanyang puwet na puntahan si Elliot. Subalit hindi niya alam kung saang hotel ito naka-check in.

Hindi niya inalintana ang ihip ng hanging dagat.  She glanced at the sun began its slow descent, casting a soft golden glow over the waters.

Katabi niyang kaupo si Ranier. Ngumiwi siya nang mapansin itong sinisimsim ang isang bote ng coke. First time niyang makitang umiinom ito ng softdrinks. Kadalasan organic juices ang binibili nito. Inoserbahan niya ng sandali ang fiance. Tumitingkad ang kagwapuhan nito—ngayon niya napansin ang matangos na ilong, mapupungay na mga mata, at malambot nitong biluging pisngi, at kapag ngingiti ay mahahawaan siya ng kasiyahan nito.

"Are you still there?" Agaw pansin nito. Pinilig ang ulo para makita siya ng maayos.

Nakalimutan niya. Nagsasalita pala ito sa kanya. Inuulat ang ilang plano nila para sa darating na kasal. Ayaw niya man aminin pero nagi-guilty siya sa pag-alaala kay Elliot sa pagitan nila. Siya mismo ang nagpupumilit na magpakasal dito pero tila siya rin ang unang aatras. Minumulto siya ng kanyang feelings kahit anong limot at tanggi niya ay hindi niya mapigilang bumalik-balik sa masasayang alaala nila ni Elliot.

"Ano ngayong huli mong sinabi?"Kunwari niyang balik tanong. Sumingkit ang mga mata ng binati. Nawawari na nasa milya-milya ulit ang kanyang isip.

"I was talking about if we can put white lilies for the aisle,just like you wanted,"paliwanag ulit nito. "Tsaka, don't worry about the guest list. Ako na'ng bahala sa lahat ng RSVP."

Sa kaibuturan ng kanyang puso ay nalulungkot siya, and she feels sorry if one day she'll break up with him.

She nodded absentmindedly,nilipat ang tingin malayo sa binata at tinuon sa dalampasigan. Kumislot siya nang mamataan ang isang bagay—no, isang tao. Hayun, mag-isang nakaupo sa buhangin si Elliot. Tinatanaw ang papalubog na araw. kahit nakatalikod ito alam niyang si Elliot iyon. Tila tinamaan siya ng malakas na hangin upang kumirot ng husto ang kanyang dibdib.

He was hunched over,staring blankly at the weaves with a beer bottle dangling from his fingertips. Ang kilala niyang matikas ay nilunod ng kalungkutan.

"Rosette? Naririnig mo ba ako?" Hinila siya pabalik ni Ranier.

Kumurap siya, dagling nilayo ang atensyon kay Elliot. Binungad siya ng nakasalpok na kilay ng fiancé. Napansin niyang nakatingin din ito sa tinititigan niya kanina. "O-Oo naman. Pasensiya. May nakita lang kasi ako,"rason niya.

"Masyadong maganda ang paligid kaya nadi-distract ka na. Pati ang juice mo hindi mo na ininom,"hirit nito.

Binaba niya ang tingin sa pineapple juice. Natutunaw na ang yelo. Nakangisi siyang kinuha ang inumin.

"Sorry. Talagang pagod lang ako." Sinimsim niya ang maasim at manamis-namis na juice.

Binalik niya ang tingin kay Elliot pero wala na ito. Paano ba niya makakausap ulit ito?

"Maybe we should head back,"maingat na suhestyon ng binata, napagtanto nito ang lukot niyang mukha.

Tumango siya bago binaba ang baso. Wala sa kalahati ang ininum niya ngunit nakaramdam siya ng pagbaliktad ng kanyang sikmura.

"Are you fine?"nag-aalalang sambit ni Ranier. Nakatayo na sa kanyang harapan.

Mabilis pa sa alas kwatro niyang pinilig ang ulo sabay taas ng isang kamay bago tumayo.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon