LII

11 1 0
                                    

Hindi pa rin maka-get over si Rose sa nasaksihan noong nakaraang araw. Dala na rin siguro ng selos kaya nagkakaganito siya. Pinaliwanag naman ni Elliot ang lahat kaso ang kinababahala niya kung paano sabihin ang totoo rito. Isa pa sa lumiligaplig sa kanya ang pabago-bago ni Juliette. Gusto niyang konprontahin ito. 

Naghingi siya ng day-off ngayong araw para makipagkita rito. Tinawagan niya si Juliette pero sinabi nito na busy pa sa mga shooting. Fashion week daw kasi ngayon. Kaya heto, naisipan niyang puntahan ito kung saan nagtatrabaho.

Suot ang simpleng minimalist dress na niregalo sa kanya ni Elliot, pumasok siya sa studio ng kompanyang tinatrabahuan nito.

"Juliette!"umalingangaw ang boses niya sa magulong studio, tumutawid sa gitna ng ingay ng mga stylist at assistant na abala sa paghahanda ng mga bagay sa darating na fashion week.

Bumagtas siya sa gitna ng rack ng magagandang damit. Bawat hakbang niya ay may kasamang poot.

Juliette turned around slowly, her elegant face framed by soft waves of chestnut hair. She looked just as poised and composed as always. Ibang-iba sa kumukulo niyang emosyon.

Nakasuot ito ng pristine white blouse at fitted black slacks, parang successful fashion designer itong tignan. Dati itong modelo pero pangarap talaga ang trabaho ngayon. Malayo-layo si Juliette sa kanya, pagdating sa ganda, wala siya sa kalingkingan pero bakit pa sinisira nito ang buhay niya.

Tila kinapos siya ng hininga sa magulong studio. Humugot siya ng malalim na hininga. Pinatahan sarili bago lumapit sa target.

"Rosette?"Sumalpok ang kilay nito sa kaunting sorpresa. Nanliit pa ang mga mata. "What brings you here?"

"Nandito ako para tanungin ka–bakit mo hinalikan si Elliot. Diba alam mo na boyfriend ko siya. Ano ba'ng iniisip mo?" Nahihirapan niyang turan, hindi inanda ang ibang ususera sa paligid. Ang sa kanya lang ay makonpronta ito.

May iba na tinignan sila. Baka napansin ajg tensyon sa pagitan nila. Tinaas ni Juliette ang kamay at seninyasan nitong okay lang siya. "Give us a moment,"she murmered. Sumunod naman ang mga ito. Iniwan silang dalawa sa bakanteng lugar. Saka binalik sa kanya ang atensyon.

"Ano ang iniisip ko?"natatawa nitong sabi. "I don't owe you any explanation, Rose ah, well... I say, Rosette."

"Talagang may ipapaliwanag ka sa akin!"sigaw niya. Nangangatal na kinuyom ang mga palad. "Diba magkaibigan kayo ni Elliot? Saka magkaibigan din tayo–tinutulungan mo pa nga ako saka in-encourage mo pa nga akong sabihin ko ang totoo sa kanya, sinabi mo nga na ikaw magtatapat non. Akala ko ba masaya ka sa 'min?"

Umukit ang mapait nitong tawa sa labi. "Masaya? Sa tingin mo masaya ako?" Mapakla itong tumawa, napahangad pa sa kisame. "I’m sorry, Rosette, but why should someone like you, a fraud, get to enjoy happiness while I—” She swallowed hard, her voice rising, “—while I suffer the unwanted love of Magnus?”

Heto na naman si Juliette. Inakala niya na magmo-move on na ito. Hindi pala totoo ang pinakita nito noon.

"I loved Magnus,I chased him for years, threw myself into trying to win his heart. And what did I get? Nothing! Just pain and rejection. But look at you.” Kumikinang ang mga mata nito na tila ningas ng apoy.  Huminto para gawaran siya ng mga matang balot ng hinanakit. Ito ang unang beses niyang ganito siya tignan ni Juliette. Buong akala niya na kaibigan niya rin ito.

"You, who didn’t even deserve it, who lied to Elliot—my best friend. And now he’s in love with you,"patuloy nito. Nilalaban ang mga luha.

Nanuyo ang kanyang lalamunan. Sumikip ang kanyang dibdib. Sana hindi totoo 'tong naririnig niya. "Akala ko ba... magmo-move ka na. Sinabi mong okay na ang lahat sa atin diba? For pete's sake, Juliette, what's gotten into you?" Naguguluhan niyang pagsusumamo.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon