"I really miss you,darling,"bulong ni Elliot sa tainga ni Rose. Niyakap niya ito mula sa likod sanhi ng pagkislot nito. Hindi na niya kanyang magtimpi. Matagal niyang ninais na magkaroon sila ng pagkakataong mag-isa.
Ito ang mahirap sa secret relationship. Kahit na tumabling-tambing pa sila, hindi nila pwedeng ipahalata sa iba. Sa sobrang busy niya sa trabaho,hindi niya nagawang soluhin ito.
"Elliot,"ingos nito. Pilit kumakalas pero lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap. Nasa kitchenette sila. Sinarado niya ang pinto. Walang makakita sa kanila. Unless kung may magbubukas.
"Hindi mo ba ako na miss?"mapaglaro niyang saad na sa ngayon ay kinakagat na ang tainga nito.
"Hindi natin 'yan pwedeng gawin dito. Baka may makakita sa 'tin,"natataranta nitong tugon. Hinahawi ang mukha niya gamit ang kaliwang kamay nito.
Nakakaloko siyang ngumisi at binaba sa leeg nito ang kanyang mukha. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,"aniya sa smoky tone saka dinampi ang labi niya sa leeg nito.
Umungol ng malakas si Rose. Pumipiglas ng malakas pero ayaw niyang mapaawat. Sinimsim niya ng maagi ang leeg nito. He'll make sure to leave a mark on her neck. Isang senyo na sa kanya lang ang dalaga.
Ilang minuto niyang ginawa 'yon. Buong akala niya hindi magrereklamo si Rose subalit bigla nitong kinuro ang braso niya. Kumislot siya sa hapdi. Bumalik siya sa hwisyo saka nilayuan ito.
"Magtimpi ka nga. Para ka namang manyak niya,"sumbat nito. Matalim ang tingin nito pero hindi nito makukubli ang nyerbos at ang kasiyahang natamo sa pagmamarka niya ng leeg nito.
"Sa'yo lang naman ako manyak. You're so irrestible,darling. I want to devour you,"malandi niyang pahayag. Napatilap pa siya sabay kindat.
Lalong tumindi ang pagkaba nito. Alam niyang gusto rin nitong makipaglambingan sa kanya ngayon pero natatakot lang ito. Lumapit siya para halikan ito pero mabilis nitong hinarang ang tasa ng kape.
"Inumin mo muna bago lumamig." Lumayo ito sa kanya pagtakapos ilagay sa palad niya ang lumalamig na kape.
"I don't want this. I want you,"pagmamaktol niya.
Sumimangot ito. "Kontrolin mo naman ang sarili mo. Nasa opisina tayo ngayon!"kinakapos hininga nitong sigaw.
Nilagay niya sa lababo ang tasa. Tinignan niya sa mata ang dalaga habang dahan-dahang lumalapit dito. At hinapit niya ang beywang nito. Nakauwang ang bibig nito na nilagay ang dalawang kamay sa dibdib niya.
"Isang kiss lang pwede?"sabi niya na napa-puppy eyes pa.
"Basta bilisan mo–"
Hindi siya nagsayang ng oras at sinakop agad ang mga labi nito. He like the taste of her mouth. Kakainom lang pala nito ng kape. Parang uminom na rin siya ng kape. Mas masarap pa doon. Ilang minuto sila naghahalikan nang maramdaman nilang may pumipihit ng door knob. Nakalimutan niyang i-lock 'yon. Pareho silang nanlaki ang mga mata at mabilis pa sa kidlat na tinulak siya ni Rose. Natatawa siyang sumadal sa lababo. Pinagmasdan niya lamang itong tumakbo palabas. Nagtatakang pumasok ang janitor matapos tampasan ng nagpa–panic na babae. Binati niya ng ngiti saka umalis na rin.
Sumandal siya sa swivel chair matapos tuldukan ang nagtataasang papeles sa kanyang desk. Nagbuntong hininga siya. Tumayo at nagpainat-inat. Pinagmasdan niya ang malawak na syudad sa hapong ito. Kumikinang ang mga salamin sa kabilang building dahil sa mala-ginto na araw. Ang kanyang makintab at modernong opisina ay tahimik maliban sa mahinang tunog ng elegante niyang wall clock.
Sinulyapan niya ang phone na nakapatong sa tabi ng mga papeles. Kinuha niya at binuksan, kumunot ang noo niya nang makitang maraming serye ng miss call–lima galing sa Mama niya, apat naman sa kanyang Ama, at pito galing kay Juliette. His jaw tightened at the sight of her namen. Inaalala niya na ito ang tamang araw para ipapa-cancel ang kanilang engagement.
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomanceOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...