XLVIII

4 2 0
                                    

Hindi pa rin uma-absorb sa utak ni Rosette ang nangyari sa kanila ni Elliot noong nakaraang gabi. Dala ng matinding pagnanasa niya, naibigay niya ang sarili kahit hindi siya sigurado kung sila nga hanggang sa huli. Bahala na. Minsan lang siya magmahal kaya lubos-lubusin na niya.

"Dumating ka na pala,Miss Rosette,"bungad sa kanya ni Tia–tinatali nito ang buhok habang papalabas ng bahay.

Kakarating niya mula sa Palawan ngayong tanghali. Matapos ang tatlong araw na pagsasalo nila ni Elliot, natapos ang kanyang pantasya. Naging precious memories na lamang ang mga iyon. Ang kauna-unahang business trip na hindi siya napagod dahil sa trabaho kundi sa walang hintong pag-iikot. Buong Palawan inikot nila, mga bagay na hindi niya nanarasan noon ay doon niya nanarasan–nag-kayak, nag–snorkeling, mag-island hopping lulan ng helicopter at kumain ng native delicacies.

"Yeah, kakapagod nga eh,"she remarked. Hinawi ang nakalugay niyang buhok.

Hinila niya ang luggage para pumasok subalit inirapan siya nito, inikot ang tingin sa kanya saka tinaas ang kilay."Blooming kaya yata ngayon,Miss ha? Amoy in love eh,"tudyo nito. Kinikilig pa siyang sinisiko.

Nanginig ang puso niya. Sumagi bigla si Elliot sa kanyang alaala nang marinig ang in love. Sariwa pa sa imahinasyon niya ang marahan nitong pimimisil sa bawat parte ng katawan niya at ang malambot nitong mga labi na tila nauuhaw sa kanyang halik. Kinagat niya ang labi. Bigla siyang natu-turn on. Nakakagimbal. Ayaw niyang makita si Elliot ngayon. Baka makagawa pa siya ng krimen.

Pilit niyang pinilig ang ulo. Hindi niya dapat ipahahalata na in love siya. "Oy, hindi. Baka may problema ka lang sa mata. Sige, magpapahinga muna ako,"kaila niya. Iniwan niyang nakangiwi si Tia. Pakaswal na pumasok ng bahay.

Sinusuklay niya ang buhok nang tumunog ang cellphone niya. Sinabayan pa niya ng kanta ang ringtone. Umalis siya sa harap ng salamin para damputin iyon sa kanyang kama.

"Ranier?"usal niya nang makita ang pangalan nito sa screen. Ano kaya ang problema ng hudyo? Matagal-tagal siyang hindi nito pinansin.

Ginawq niyang  loud speaker para ituloy ang ang pagbi-braide ng buhok. "What is Ranier?"

"Are you doing some prank,Rosette Valentino?" May umaalab na apoy sa boses nito. Nagtataka siya. Bigla itong nagagalit na hindi niya alam ang rason.

"What do you mean?"namamaos niyang tanong.

Bumuga ng hangin ang kausap sa kabilang linya. "Wag mo akong g*g*hin. I saw you together with Elliot,and holy sh*t..."napahinto ito. "Aiisssh! You're kissing him b*tch!"

Nangangatal siyang tinutop ang bibig. Umiinit ang mga matang tinignan ang cellphone. Is she really dead? Paano nito nalaman? May nagspi-spiya ba sa kanya? Katapusan na niya talaga! Bumayo ng malakas ang kanyang dibdib. Hindi siya niniwala. Hindi ito totoo.

"Where the hell are you,Rosette? Don't fool me around like a jerk! You *ssh*le, umuwi ka na dito at tatapusin na natin ang engagement. How dare you seduce Elliot and use me?!"

Kinakapos na siya ng hininga. Hinawakan niya ang sumisikip na dibdib. Mariing kinakagat ang mga labi habang dumadaloy sa pisngi niya ang maiinit na likido mula sa kanyang mga mata. Tila tinangay siya ng malaking ipo-ipo. Wala siyang kawala kundi harapin ito. Umatras siya at pasalapak na napaupo sa malamig na semento. She can't speak. Naging blanko ang kanyang isipan. Hindi alam kung paano ipaliliwanag.

Patuloy sa pagmumura si Ranier sa kabilang linya. Natutunaw siya sa kanyang posisyon. Hindi mawawakasan ang paghagulgul.

Habol ang hininga niyang napadilat ang mga mata. Bumangon siya. Pawisan ang noo at malagkit ang kanyang katawan. Tinignan noya ang sarili. Suot niya parin ang damit mula sa airport kanina. Ano? Nakatulog siya. Ang huling alaala niya'y nakaupo siya sa sahig. Umiiyak matapos siyang murahin ni Ranier dahil nalaman nito ang totoo. Tinutop niya ang sarili pero ginulo siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot iyon at tinignan muna ang screen. Si Elliot! Bakit kaya? Pinatay niya ang tawag nito saka natatarantang tinignan ang log calls. Didiskubrehin niya kung tumawag ba si Ranier sa kanya. Nabigo siya nang hindi makita ang pangalan nito. Aba, pawang panaginip lamang iyon.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon