XLV

8 2 0
                                    

Ito ang pinakamasarap na tulog ni Elliot sa tanang buhay niya. Nagising siya na katabi si Rose. Ngumiti siya nang makita ang mala-anghel nitong mukha na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Pumayag din ito matapos ang mahabang litaniya niya para makumbinsi itong matulog sa kama. He killed two birds in one stone. Nakumbinsi din niyang matulog ito sa tabi niya.

So he's the luckiest guy. He consider it  as advance gift to his birthday. Naisipan niyang ipakilala itong girlfriend sa nalalapit niyang kaarawan. Kung alam lang nito kung gaano karami ang plano niya sa hinaharap. Hindi lang kasi girlfriend ang balak niya. Pakakasalan niya ang dalaga at dadalhin sa pinapangarap niyang mansyon. Isa rin sa dahilan kaya nagtitipid siya ng pera ngayon. Subalit may naisip siyang gagawin mamaya pagkatapos ng inspection. Mag-a-island hopping sila sakay ang helicopter.

Kumislot siya nang umungol si Rose. Pero hindi ito nagising. Inabot niya ang ilang himbla ng buhok nito at sinumulan sa paghalik. Nakakadik ang bango nito. Nati-tempt siyang halikan ito. Nadala siya sa damdamin niya. Nalaman niyang nagtatangka siyang halikan ito sa mga labi. Tyempong napadilit si Rose. Pareho silang nagulat. Isang iglap. Tinulak siya palayo nito.

"Ano'ng ginagawa niyo?"natataranta nitong tanog, mahigpit ang yakap sa kumot.

Natatawa na lang siya sa ginagawa niya. "Hindi naman kita inaano,"aniya.

"Alam kong nagsisinungaling ka. May masama kang binabalak sa akin,"pagdududa nito. Bumaba ito na hawak pa rin ang kumot. Kinikilig siya sa ka-cute-an nito.

"Hindi naman siguro bawal halikan ang girlfriend no?"biro niya saka sumandal sa headboard. "Thanks to you, I sleep well last night."

Namula ang pisngi nito. Hindi mahanap ang sasahin. "Ang wais mo. Naka-score ka sa akin. Next time hinding-hindi na ako papayag sumabay sa'yo matulog!"nangigigil nito saad. Huminto upang tignan kung may suot ba itong damit.

Natawa siya ng husto. "Don't worry. Wala pang nangyari sa 'tin. Hindi kita gagalawin kasi nasa level pa ako ng panliligaw sa'yo."

"Kung ganoon kapag tayo na gagalawin mo ako?"inosente nitong tanong.

Hindi mapalis ang ngiti niya. Hindi nito alam kung gaano siya naaliw sa stupidity ng tanong nito.

"Kung papayag ka?"sinakyan niya ang tanong nito.

Niyakap nito ang sarili. "Elliot naman, wag mong sabihin yan. Gawain ng mag-asawa lang yon."

"Doon din naman tayo hahantong diba?"

Natigilan ito. Hindi makakurap sa narinig. Akala nito siguro hindi siya seryosong makipagrelasyon dito.

"Tumigil ka. Wala pa tayo sa puntong 'yan." Nilagay nito ang kumot sa kama. Inirapan siya bago ito tumungo sa banyo. Nanginginig siya at natatawang bumalik sa pagkahiga. Gusto niyang halikan ito.

*******

"Wow! Tignan mo ang view. Ang ganda!"narinig niyang saad ni Rose kaya nabalik siya sa hwisyo. Abala kasi siya sa pag-iisip kung ano ang sasabihin mamaya at excited na rin siya makita ang site ng bagong resort nila. 

Nasa pier. Nalalakad patungo sa kanyang yate. Pinagmasdan niya ang tinitignan ni Rose. Nakulong ang tingin nito sa malawak na bughaw na karagatan na kumikinang sa malambot na liwanang ng gintong araw sa umagang ito. Nakakalat na rin ang maliliit na fishing boat sa lahat ng sulok ng dagat. 

"Breathtaking,isn't it?"sabi niya sa mainit at malabot na tono.

"Parang...panaginip,"usal nito,saka inayos ang tindig at binalik ang pagiging professional. Medyo na iinis siya kasi formal pa rin ang suot nitong damit, wala naman sila sa opisina. 

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon