LVI

14 1 0
                                    

Humugot ng malalim na hininga si Rose nang bumaba siya sa sasakyan ni Ranier. Nag-alok itong ihatid siya kahit ilang beses niyang inayawan. Hindi inaakala na magbabago ito o marahil naawa lang sa kanya. Iyong inisip niya na baka magalit ito–nakakagulat kasi pinatawad siya agad nito.

Huminto muna siya sa harap ng bahay. Binalewala ang nakakasilaw na sikat ng araw sa umagang ito. Tatlong buwan siyang nawala. Tatlong buwang tinamasa ang pantasiya  na nakahandang masira. Tatlong buwang pagtatraidor. At dalawang linggong naging maligaya sa piling ni Elliot. Tila isang panaginip na mawawala at kakalimutan matapos niyang magising sa realidad. Babalik sa dati ang buhay niya. Nakakabagot at puro trabaho lang.

"Salamat,Ranier,"anas niya. Tumingala siya para pagmasdan ang gwapo nitong mukha. Ilang taon na silang magkasama pero ngayon niya lamang napansin na matikas at matipuno nito kahit simpleng t-shirt at maong lang ang suot. Mistulang isang modelo ang tindig nito–nakahawi ang kulay kastanya ng buhok, matulis ang ilong, mapupungay ang mga mata at namumula ang mga labi. Kung hindi lang ito naging malamig sa kanya tiyak mahuhulog din siya rito. 

"Wala 'yon,Rosette. Akin na ang bag mo,"tugon nito sabay kuha ng bag na tangan niya.

"Okay lang. Mayroon pa akong luggage sa compartment,"tanggi niya. Babawiin niya sana ang bag pero ayaw nitong ibigay.

"I will get later. Pumasok ka na muna sa bahay,"pilit nito.

Wala naman siyang magawa kundi ng sundin ito. Kung sakaling magbabago ito, kung maging caring man sa hinaharap. Bibigyan niya ito ng chance. Sisikapin niyang kalimutan si Elliot, tutal hindi siya naging tapat dito. At hindi niya deserve ang pag-ibig nito. 

Yumuko siya. Dahan-dahang humakbang papasok ng kanyang simple at modestang bahay. Binungad siya ng mayordoma nila. 

"Miss Rosette? Totoo nga nagbalik kayo!"namamanghang saad nito. 

"Tapos na ang tatlong buwan ko sa Bukidnon. Teka, where is dad?" Nilibot niya ang tingin sa paligid. Gaya ng dati–nakakabagot ang bahay niya. Monotonous na mga gawain. Walang katapusang paglilinis, paglalampaso, at aayos ng lahat ng sira sa mansyon. May pinapintahan namang isang parte ng bahay.

"Nasa opisina po ngayon si Sir Gabriele. Ipapahatid ko agad na umuwi na kayo,"imporma nito. Umalis agad sa harap niya nang mapansin na pumasok si Ranier na bibit ang luggage at bag niya. Maagap na inagay ng mayordoma sa kamay nito at tinulungan pa ng mas batang kasambahay.

Nakaramdam siya ng gutom kasi hindi siya kumain nang umalis sila ng Manila kaninang alas kwarto ng madaling araw. Hinimas niya ang tyan. 

"Wanna eat breakfast?"alok niya sa binata.

Ngumiwi ito sabay taas ng mga balikat. "Sure. Ikaw pa."

Nakangiti silang tinungo ang dining room. Mabuti maalahanin ang kanilang mga kasambahay. Pinaghandaan silang ng agahan. Naglaway siya ng makita ang tocino, bacon, sunny-side up na itlog, sausage at marami pang iba. Umuusok pa ang kanin. Walang tumpik-tumpik siyang umupo sa dati niyang pwesto. Sumunod naman si Ranier at umupo sa tabi niya. 

"Enjoy the meal,"bulong nito nang umakma siyang kunin ang isang bandihadon kanin. 

"Thank you,"tugon niya na hindi nag-abalang tignan ito at tinuon ang sarili sa pagsandok ng tatlong kutsarang kanin. Nanlaki ang mga mata niya nang nilagyan siya ng tocino nito. Unang beses nangyari simula ng engagement. At ito rin ang first time na nakisabay na kumain na hindi sumusunod sa utos ng mga magulang. 

Bakit ngayon lang nito pinakita ang pagiging caring. Sana noon pa, e di sana siya nakaproblema.

"Sigurado ka ba naitutuloy mo ang kasal?"tanong nito kapagkuwan. Tumigil ito sa pagnguya para tignan siya. 

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon