Epilogue I

18 2 0
                                    

Bumuntong hininga si Rosette habang tinitignan ang sariling repliksyon sa salamin. Tila isang panaginip na nakasuot siya ng wedding gown sa mismong araw ng kasal niya sa taong hindi niya inaasahang ma-in love, niliko at minahal ulit. Namasa ang mga mata niya. Ngumti at pinigilan ang sariling humikbi. Sayang ang make-up niya saka ayaw niyang magalit si Bibi. Mananagot talaga siya sa baklang friend.

"Ready ka na,Rosette?" Tanong ni Bibi, napa-beautiful eyes pa nang sinuri ng maigi ang kanyang mukha.

Tumango siya. Nabara ang lalamunan sa magkahalo-halong emosyon.

Umismid ang kaibigan nang mapansin nito ang namamasa niyang mga mata. "Hey! Bawal ang umiyak ngayon. Please lang, don't ruin my masterpiece."

"Argh! Sorry. Sorry, I'll try not to cry."Maingat niyang pinunasan ang tubig sa gilid ng mga mata.

Winakli ni Bibi ang kamay niya. "Don't touch it!"Saway nito.

Ngumiti siya, hindi inaanda ang malakas na pintig ng puso. Ilang sandali, pumasok si Rosario. Tumayo siya para salubungin ito ng yakap.

"Congratulations and best wishes,Ate!"bati nito.

"Sabihin mo na nanaginip lang ako,"biro niya.

"Bakit? Ayos lang ba sa'yo na hindi totoo si Elliot? Go! Sunggaban mo na agad!"anito.

Natatawa siyang kumalas dito. Mayamaya, dumating ang ama niya.

"Pa!"she cried out. Pigil ang luha niyang niyakap ang ama. Nanatili sila ng forty-seconds, hinahagod nito ang likod niya. Pareho silang emosyonado.

"'Nak,special day mo ngayon. Bawal ang umiyak,"pang-uuyam nito matapos nilang humiwalay. Akma niyang punasan ang mga mata nang inirapan siya ng matalim ni Bibi.

Napabungisngis siya. "Salamat sa inyo. Iyong akala kong tatalikuran niyo ako dahil nagsinungaling ako noon pero kayo pa mismo ang unang tumanggap sa akin. Hindi ko makukuha ang kaligayan na ito kung wala kayo. Ako na ang pinakaswerteng anak at kapatid sa buong mundo,"mahaba niyang lahat.

"Kailanma'y hindi ka naging suwail,Rosette. Hindi ka nagkulang, sinakripisyo mo ang sarili para sa kapakanan ng kompanya ko. Mas maswerte kami,"tugon ng Papa niya. Hindi niya mapigilan ang sariling makipag-group ngayon.

Pagkatapos ng dramahaj nilang magpamilya'y natagpuan niya ang sarili sa loob ng wedding car. Magkahalong kaba at saya ang tinitibok ng puso niya ngayon. Pakiramdaman niya, natutulog pa rin sila. Everything's seems like a fairytale.

Sinalubong siya ng malumanay na luglug ng Violin—they playing her favorite song Euphoria by Jungkook. Naging paborito kanila nila ni Elliot. Kapit-kapit ang bisig ng kanyang ama, dahan-dahan siyang umusad sa aisle. Sinikap na panatilihin ang ngiti sa labi.

Her gown flowed elegantly behind her,delicate lace framing her shoulders as she gripped her white lily flowers bouquet with trembling fingers.

Pigil hininga siya sa kaganapan ng buhay niya. Pinoproseso niya ang pangagari nang mamataan ang lalaking pakakasalan niya.

Imbes na iiyak siya ay napatawa na lamang.

Nakatayo si Elliot sa harap ng altar, matipuno at gwapong tignan na puting tailored suit nito na siya mismo ang pumili. Tinutok niya ang mga mata sa future husband niya at hindi siya makapaniwala na nakikita itong umiiyak.

Impit na dumaloy ang mga luha nito, pinilit na ngimiti pero tanging katiting na ngiti lang ang nagawa. She can't believe he's crying more than her.

Narinig niya ang masayang pagbubulungan ng mga panahuin habang pinapatuloy ang paglalakad. Sumaludo sa kanya ang ama ni Elliot. Ningitian naman siya ng ina nito. Kumindat si Juliette. Malapad na nakangisi si Magnus—na-a-amuse kay Elliot sa pagiging iyakin nito.

Sa bawat hakbang niya'y dinadala siya palapit dito—palapit sa lalaking naging mundo niya ngayon, bawat lakad ay pakiramdaman niya unti-unting nawawala ang bigat ng nakaraan. Bawat pagsisinungaling, bawat patak ng luha,bawat kirot ng damdamin—naglaho na parang bula.

Finally, nasa harapan na siya ni Elliot. Luhaan itong inabot siya, kinuha ang kamay niya para ilagay sa braso nito. Ramdam niya ang init at panginginig ng palad nito.

"Langya,Rosette. 'Kaw pa may ganang tumawa sa akin,"bulong nito habang pinupunasan ang mga luha.

Abot tenga siyang ngumiti. "Inunahan mo kasi ako kaya imbes na iiyak ako tinawa ko na lang para makita nilang opposite attracts tayo,"biro niya.

Kumunot ang noo nito. "I couldn’t help it. Hindi pa rin ako makapaniwala na naging akin ka,"tugon nito.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon