LIII

5 1 0
                                    

Nakatayo si Elliot sa harap ng malaking bintang salamin ng kanyang opisina kung saan natatanaw ang kabuan ng cityscape. Masaya siyang nag-iisip kung ano ang ireregalo kay Rose. Kanina lang ay kinukulit siya nitong pagbilhan siya ng cookies. Bagama't ayaw niya'y napilitan siya para hindi ito masaktan. Dinukot niya ang cellphone. Dinidistorbo siya sa vibration nito. Sumalpok ang kilay niya ng makita ang pangalan ni Ranier sa screen. Pabigla-bigla naman itong magpa-me-meeting.

"What is it now?"sagot niya.

"It's something urgent. Can I come to yoyr office?"nagmamadali nitong pahayag.

Tumiim bagang siya. "Late na para mag-meeting. We can do it tomorrow,"tinatamad niyang banggit.

"Tungkol ito sa secretary mo,"anito.

Natigilan siya. Ano na naman ba ang gusto nito kay Rose? Ngunit bigla siyang makaramdam ng pagkabahala. Parang may nangyayaring kakaiba na dapat niyang matuklasan.

"Fine. See you then,"nauubusang enerhiya niyang turan. Kinuha sa tainga ang cellphone at tinapos ang tawag saka sinilid ulit sa bulsa. Tinignan niya ang pinto. Mayamaya darating din si Rose, bumili ito saglit sa labas.

Nanigas ang kanyang balikat nang maramdaman na may umuudyok sa kanyang lumabas sa pintuan at tumungo sa entrance hall ng gusali.

Bumuga siya ng hangin bago magpadala sa tentasyon. Mabibigat ang mga yapak niyang tinungo ang elevator. Nanginginig na pinindot ang first floow button. Tumingala siya sa salamin sa itaas. Nalilito siya sa kabang nararamdaman.

Alingaw-ngaw ng galit at sigawan na boses ang nadatnan niya matapos lumabas ng elevator.

Napako siya sa kinatatayuan nang marinig si Euphemia na sinisigaw ang pangalan na Rosette Valentino sa pagmumukha ni Rose. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang mga papel, mga litrato at ang kahon ng nabasag na mga cookies sa paanan ng dalaga. He couldn’t believe what he was seeing—the woman he thought he knew so well, the woman he had started to fall for, standing before him with her face pale and tear-streaked.

"Elliot..."bulong nito sa nanlalaking mga mata.

"Is it true?"tanong niya sa paos na boses na tila sinasakal siya sa bawat salitang bibitawan. "Are you really Rosette Valentino?"

Pumitlag ito. Hindi makakilos sa gilid ng dalawang babaeng may matigas na mukha at tila mga executioner na binabatayan ang ang priso ng mga 'to.

"I-I can explain..."nauutal nitong saad pero hindi matapos-tapos ang pangungusap.

"Ano pa ba ang ipapaliwanag mo–"

"Please, is it not what you think—"

"Not what I think?"pinakawalan niya ang mapait na tawa. He felt a surge of disbelief, of betrayal so intense it made his chest ache. "Ano pa ba ang dapat kong isipin,Rose? Narinig ko ang lahat! I can't believe you. After all of this, you are just deceiving me!"

Umalingnawgaw ang boses niya sa buong pasilyo.

Kumikinang ng luha ang namimilog na mga mata ni Rose. "Please makinig ka, hindi ko ito sinasadya—"

"Shut up!"pigil ang galit niyang bulyaw. Nilapitan niya ito, tinitignan ng mataman habang umaatras ito palayo. The sight of it—her fear, her helplessness—only fueled his anger. Paano nito nagawang sirain ang binigay niyang tiwala? Oh, God, he'd trusted her more than anyone else. At ngayon, para siyang tanga.

Nakatiim bagang niyang nilapit ang bibig sa tainga nito. “Did you really think you could deceive me forever? Was this all just some game to you? Seducing me, pretending to care, when the whole time you were—”

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon