XXXIII

5 3 0
                                    

Masisingahap na naman ni Rose ang polluted na hangin ng Manila. Parang kailan lang siya pumunta sa Bagiuo pero gusto niyang bumalik ulit doon. Back to reality... kailangan niyang ipagpatuloy ang misyon.

Sinimulan niya ang linggo na lubog sa trabaho. Naging tambak ang trabaho ni Elliot kasi pumunta sila ng Bagiuo. Exaggerated kasi ang ama nitong si Edmund Mallary. Noong isang araw sinugod nito si Elliot sa opisina. Parang nagka-world war three lang sa init ng kanilang argumento.

Minsan naawa rin siya sa boss niya. Ipit na ipit ito sa bagay na ayon sa mga magulang nito. Nawawalan ito ng tunay na kasiyahan para sa kasiyahan ng iba. Napatiim bagang siya, hindi niya masikmura ang ginagawa niyang panloloko sa ngayon. Kung malalaman man nito sa hinaharap. Pipiliin niyang magpakulong. She don't deserve to be his friend. Lalo nang hindi niya deserve na mahalin siya nito.

Sino ba siya? Siya si Rosette Valentino, ang hampas lupa na sasaktan si Elliot Mallary para sa pera.

Nagtitimpla siya ng kape nang maramdaman ang hangin na dumaan sa kanya. Nakita niya sa gilid ng mga mata si Elliot. Nakasandal sa pintuan. Humahalukipkip habang tahimik siyang inooserbahan.

Hinarap niya pagkatapos niyang magtimpla ng kape. Umukit ang matamis at banayad na ngiti sa mga labi nito. Masama ang mood nito ng tatlong araw. Maliban sa araw na ito, kasing liwanag ng sikat ng araw ang gwapo nitong mukha.

Inabot niya ang kape. "May ipaglilikod po ba ako?"tanong niya sa maingat na tono.

"Gusto ko lang ng kasama,"tugon nito. Lumapit sa kanya para kunin ang hawak niyang tasa.

Nilagay niya ang dalawang kamay sa likod. Ilang sandali silang tahimik. Tumikhim siya. "May nangyari po ba?"usisa niya na kinahinto nito sa pagsimsim ng kape.

"Bakit medyo mapait 'tong kape?"reklamo nito. Unang beses nitong sinabi matapos ang dalawang buwan. Ngayon niya lamang nalaman na katapusan na pala ng september. Isang buwan ang natitira sa kanya, pero wala pang progresso.

"Nakalimutan kong dagdagan ng isang kutseratang asukal,"rason niya. Hindi niya matignan ito sa mga mata.

"Never mind. Sometimes, we need to be bitter. Tsaka nga pala, did you already made an appointment to Mr. Gonzales?" Binaba nito ang tasa sa lamesa.

Sumalik ang kaba sa pusa niya. Si Ranier na naman. Paano niya ba matatakasan ito. Kunwari napaisip siya. Kinuha niya ang ilang hibla ng buhok saka marahan iyonh hinihipo. Titig na titig naman si Elliot sa kanya. Nawawalan ito ng pasensiya sa paghintay ng sagot niya.

"Did you hear me? Nilagay mo na ba sa schedule ko ang 3pm meeting namin ni Ranier?"ulit nito.

Napalundag siya. "Pasensiya na po..."aniya na napahawak sa braso nito. "Opo, Sir. Ginawa ko na po." Nahihiya siyang kinuha ang kamay.

Kuryusong lumapit ang boss niya. "What's gotten into you, Rose?"bulong nito sa smoky voice.

Nanginig ang puso niya pa-sexy aura nito. Hindi siya makaisip ng deretso. "No,no,no. Wala po. Nasisilawan lang ako sa kagwapuhan niyo,"natataranta niyang saad. Kinabahan siya matapos niyang ma-realize na nadulas ang dila niya. Hindi niya sinasadyang pagsabihan ito ng gwapo.

Tumaas ang isang kilay nito. Naintriga sa sinabi niya. Kaya dumikit sa kanya. "I am really that handsome. Saan parte ng mukha ko ang nagagwapuhan mo?"tukso nito.

Bigla siyang naging pepe. Nawalan siya ng lakas para ilabas ang kanyang angelic voice. Hala, sumakay naman ito. Akala siguro nagbibiro siya. "I like your rosy lips, Elliot." Yumuko siya. Nahihilo siya sa sobrang ilang.

"Pffft!"tumawa ng malakas si Elliot. Napahawak pa sa t'yan nito. Ilang minuto itong tumatawa bago nito kinabig paangat ang kanyang panga. Napanganga siya. Tila nilalagnat siya sa sobrang init ng katawan niya. Samantalang pulang-pula ang mukha ng binata.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon