Unti-unting minulat ni Rosette ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang mainit na liwanag ng umaga na humalo sa simoy ng hangin. Nagising siya sa tahimik na silid ni Elliot na tanging kaluskos ng mga dahon mula sa labas ang naririnig niya. Bumalikwas siya sa direksyon ng binata. Ngumiti siya nang abutin ang kamay at sinimulang paglandasin ang mga daliri sa pisngi at panga nito. Kumabog ang dibdib niya habang minamasdan ang mahimbing nitong pagtulog.
His features, normally so guarded and intense, were softened in sleep-dark lashes casting faint shadows on his cheeks, lips slightly parted as he breathed evenly. Tila marupok itong tignan at kailangan pag-ingatan.
Tinakpan niya ng maigi ang sarili. Wala siyang saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa buong katawan. Naalala niya ulit ang kaganapan kagabi-the heated argument on the beach, the lingering tension between them, and the inevitable pull that had drawn them together once more. Sariwa pa sa kanyang isipan kung paano siya nito tinitigan, ang pagiging uhaw nito, ang hindi masabi-sabing pagkasabik nito at kung paano niya nilunod ang sarili sa nagbabadyang apoy nito.
Kontento siyang tinatamasa ang kanyang imahenasyon pero sinasampal siya ng realidad. Nakosensiya siya sa kanyang padalos-dalos na desisyon. Nabalisa siya sa maari maging reaksyon ni Ranier kapag magpapakita siya sa ganitong oras. Paano ba niya ipaliliwanag? Ang babaeng itinakdang pakakasalan nito ay kinuha at in-enjoy na ng ibang lalaki.
Binaba niya ang tingin sa half-naked nitong katawan, napansin niya ang ilang marka ng kanyang kuku sa maputi nitong katawan. Hindi nga sila lumampas sa linya pero winasak naman nila.
"Elliot, how do you always manage to do this to me?"bulong niya. Nagwawala ang puso niya habang pinapatuloy ang paghaplos ng pisngi nito.
Nag-alinlangan muna siya, nilayo ang kamay, inangat ng bahagya ang katawan bago dinampi ang malambot na halik sa noo nito. It was a gesture she'd done countless times in her dreams, but doing it now-while he was really here, beside her-felt like the most daring thing she'd ever done.
"Thank you for last night,"tipid niya sabi sa mahinang boses. Nanginginig ang kany boses mula sa magkahalo-halong emosyon na mahirap pakawalan.
Kinagat niya ang labi. Pinikit ang mga mata para humigot ng maraming lakas ng loob. Nang binuksan niya muli ay napagdesisyonan niyang takasan ito bago uli makabalik sa hwesyo ay maaway siya. Tinanggal niya ang kumot at dali-daling binaba.
Malamig ang silid pero hindi niya inanda habang kinuha ang mga damit na nagkalat sa sahig. Hinay-hinay na sinuot iyon. Bago siya tuluyang makaalis ay sinulyapan niya muna ang binata. Ngumiti siya at hinawakan ang door knob.
Ayon sa kanyang peripheral vision, nakita niyang lumipat ito ng posisyon. Saglit ay natuod siya sa kinatatayuan. Nangamba siya. Subalit hindi ito nagising. He just merely sighed and turned onto his side, his face buried in the pillow where she'd lain a moment before.
Sumisikip ang dibdib niya at parang mapa-pass out siya na wala sa oras. Ito ang pagkakataon na kailangan niyang lumisab bago pa magising ang binata, bago pa nila haharapin ang consequences sa ginawa nila. Masakit man, nakakapanghinayang na hindi niya ito makakasama ng matagal. Hindi niya rin matitiyak kung naalala nito ang nagyari kagabi. Paano kung ipagtataboy siya nito?
"I'm sorry, Elliot. But I need to do this,"aniya kahit alam niya na hindi nito naririnig.
Tinuloy niya ang pagpihit ng pinto. Iniwan niya na parang walang nangyari sa kanila. Nalaman din niyang nasa ramdom hotel sila nag-check hindi ito malayo mula sa hotel nila. Kailangan niya muna ayusan ang sarili upang hindi malaman ni Rainer ang ginawa niya kagabi. Inihanda rin ang tainga sa maaaring katanungan nito.
Ngumiti siya bago umalis.
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomansaOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...