LVII

6 0 0
                                    

Walang ganang nakaupo si Elliot sa nakatagong boothng VIP nightclub na kinaroroonan niya. Hindi niya ramdam ang malakas na ingay ng mga tutog at ang kumukutitap na mga neon lights na kinukulayan ng asul at lila ang kanyang itsura. Nakapaligid sa kanya ang nakakabinging tawanan, kalansing ng mga baso at mga nagsasayawan. Nasa malayo ang kanyang tingin at wala sa sarili.

Pabalik-balik na tila sirang plaka ang pangalan ni Rosette Valentino sa kanyang isipan. Sinubukan, bawat gabi na ilibing ang kanilang mga alaala sa isa't isa. Subalit hindi niya matiis na hindi maalala ang mga mapupungay nitong mga mata, ang mga ngiting pinaiikot ang mundo niya. No matter how much he drank or distracted himself, she lingered in his thoughts like a ghost he couldn't exorcise.

"F*ck!"pagmumura niya sa ilalim ng kanyang hininga habang humihigpit ang hawak sa baso ng black label na inumin. Namumuti ang kamao niya sa palibot ng baso. Marahang tumunog ang yelo nang tinungga niya 'yon. Humagod ang nakakasunog na anghang ng alak sa kanyang lalamunan. Kumunot siya ng noo sa hapdi nito. Kahit sandali'y naging distraction niya 'yon.

Sumikip ang dibdib niya nang dumako ang isipan niya sa nangyaring usapan sa pagitan niya at ng kanyang ina nitong umaga. Malinaw pa sa memorya niya ang mahigpit nitong ekspresyon, ang pagkadismaya at ang hapyaw na kalungkutan.

"Elliot, tignan mo kung ano ang nangyari sa'yo? Inaakala mo ba na aayun lahat sa gusto mo?"singhal ni Margaery, umuusok ang ilong habang nakatayo sa kanyang harapan.

Hindi siya umimik. Nangalumbaba siya sa kanyang mesa. Umagang-umaga ginugulo na siya sa opisina.

"All because of that woman. You've disgrace our name, our family,"patuloy nito saka huminto para humugot ng hangin. "Saka tignan mo, she's also a liar!"

Nakarating agad ang balitang 'yon sa kanyang ina sa araw ng mismong natuklasan niya ang sekreto ni Rose. 

Ano ba ang masasabi niya? Sasabihin niya ba na mahal pa rin niya si Rosette? Na handa siyang patawarin ito kahit na ginamit lamang siya at sinira ang tiwala niya? Nanatili siyang nakaupo. Hindi na ata gusto humiwalay ng pwet niya sa swivel chair. He just listened to her tirade. Sumikip ang dibdib niya sa alaala ng galit at pagsisisi na nagbakbakan sa kanyang loob. 

"Palaging matigas ang ulo mo, Elliot,"sabi ulit nito, na biglang may lungkot sa tinig. "If you only you'de listened... if only you hadn't gone against our wishers, none of this would've happended. Pero ka nakinig. At tiganan mo, you've lost everything."

Mariin niyang naikuyom ang mga palad habang nakatitig sa sahig. Mistulang sinipa siya ng kabayo sa tindi ng mga salitang namutawi sa bibig nito. Nawala niya nga ang lahat. Lalo na ang natatangi niyang tiwala sa isang tao. Nawala niya si Rose. Pero ang pakiramdam niya, hindi na mahalagang mawala niya ang lahat. Nasa puso't isipan niya ang dalaga... at susubukan niyang maibabalik ito.

Snapping back to the present, padaskol niyang nilapag ang baso sa lamesa sanhi ng paglukso ng likido sa loob nito. "Damn it, Rose! Paano ba kita makakalimutab? Bakit hindi ka kaagad naging totoo sa akin?"

Sumandal siya sa sa plush leather na upuan, pinikit ang mga matang hinahawi ang buhok. Pumipitik ang kanyang ulo mula sa alak at walang humpay na bagyo sa kanyang gunita. Gusto niyang kamuhian ito. Sinubukan niya subalit kahit anong pilid niya, pinaalala lang sa kanya ang mga kasinungalingan nito, hindi niya kayang burahin ang lumalakas niyang feelings. Kahait alam niya na nababagay kay Rose na masaktan sa ginawa nito.

Ang problema paano ba niya maayos ito? How could he reconcile with her, knowing that she'd only entered his life under false pretenses? At ang lahat ng bagay na kanilang pinagsaluhan ay isang parte lamang ng panloloko nito.

"Maghunos dili ka,Elliot,"anas niya sa sarili sabay pilig ng ulo. Kinuha niya ang botelya ng Black Label at sinalinan ang kanyang baso.

Nagulo ang kanyang atensyon nang maramadaman ang anino ng isang balingkinitan na babae. Nakatayo ito sa gilid niya,nakasuot ng makintab at verdeng damit na halos luluwa ang dibdib. Nakaguhit sa pula-pulang labi nito ang malanding ngiti. She leaned in close, her perfume sickly sweet, almost overpowering the scent of whiskey. "Hey, handsome. Mind if I join you?"alok nito.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon