XLII

6 0 0
                                    

"Ate?"nagtatakang tanong ni Rosario kay Rose. Nasa cafe siya nito kasi boring tumambay ng bahay ngayon.

Sinadya niyang um-absent dahil ngayon ang meeting ni Ranier kay Elliot. Para iwasan ang trahedya, magpaka-ninja muna siya.

Nahuli siyang nakatulala ni Rosario. Hindi niya napuna na mahaba na pala ang linya ng umu-order. Shet! Sarap niyang ihampas sa pader. Nasa kay Elliot ang utak niya at hindi rin mawala ang tawag nitong darling.

Para siyang natutunaw!

"Sorry, sorry. Saan na ba tayo?"nataranta siyang natauhan. Hinarap niya ang mga costumer at pacute na ngumiti. Puro mga estudyante ang mga suki ni Rosario. Nakagagaan ng loob kapag makakita siya ng mga kabataan. Tila bumalik siya sa pagiging teenager.

"Ate,sino ba ang nagpapalutang ng isip mo?"tanong sa kanya ni Rosario pagkatapos ng rush hour. Yumukod ito sa counter upang mapakinggan siya ng mabuti.

"Wala. Marami lang talaga akong iniisip,"kaila niya. Pinunasan ang pawis sa noo sa nagtimpla ng  kape.

"Dahil ba 'yan secret mission mo?"usisa nito. Hindi na kombinsida sa pagsisinungaling niya.

Binigay niya ang cafe macchiato kay Rosario. "Hindi. I'm just thinking about my company. May kaunting problema lang,"rason niya. Ilang white lies na ba ang binigkas niya? Kulang na lang ay bigyan siya ng award.

Kumunot ang noo nito. Hindi pa rin kumbinsido. "Just tell me who bother you, I'll surely send him to hell,"seryoso nitong pahayag. Nakaguhit sa mukha ang kaseryosuhang pumatay.

Tinaas niya ang kamay,"don't speak like that. Hindi ka killer,Rosario at isa pa walang gumugulo sa akin."

"Why don't you quit that undercover thing and turn back to your normal life. Maayos na ang kompanya ni Dad at saka umuusad na rin ang sampung branch ng Secret Garden Cafe. Ano pa ba gusto mo?"sabi nito sa matigas na tono. Inayos ang tindig at ininom ang kape.

Sumalpok ang kilay niya. May punto rin ito, pwede na niyang tapusin ang pagsisinungaling at babalik sa dati at saka may 2 linggo na lamang siya. Nakuha na niya si Elliot. Pwede na niyang tapusin ang kanyang misyon.

Subalit nakatali siya sa boss niya. Minamahal niya ito at takot siyang mawala ito. Hindi niya alam ang gagawin niya. Imbes na saktan ito, dapat niyang ipagtapat agad ang totoo. Bago mangyari 'yon, si Juliette muna ang unang gagawa non. 

"No, this is not easy,"impit niyang tutol. Saka inabala ang paglinis ng coffee maker.

"Ang importante hindi mo sasaktan ang sarili sa misyon na 'yan. May masamang hinala ako. Ano ba kasi ang pinaplano mo kay Elliot–"

"Rosario naman, sabi ko huwag natin pag-usapan ito sa public."

"Pero nag-aalala na ako!"

"Makakaya ko naman ito."

"Look, nangangayayat ka na saka ang laki na ng eye bags mo. Ito ba ang CEO ng Crimson Clothing lines?"pahayag nito na tila umuusok na ang ilong. Kilala niya ito kapag galit, magbibitaw yan ng maraming salita then, tatahimik ng buong araw. 

Nilapitan niya ito. Natatakot siyang baka may makarinig sa kanila. "Please, nakikiusap ako. Be careful with your tongue,"babala niya.

Lumayo ito sa kanya. Binaba ang tasa na may kalahating laman. Nawalan na ng gana na simsimin ang kape. "Ngayon kasalanan ko na?"pagmamaktol nito.

"Don't worry, magiging normal na ang lahat within three weeks,"paninigurado niya. Sa pagkakataong ito, bahagya itong naniwala. 

Binuka ang bibig para magsalita nang bilang tumunog ang maliit na mga kampana sa pintuan ng cafe. Magkasabay silang lumingon ni Rosario. Tumalon ang puso niya nang makilala ang dalawang mala-artista at matitikas sa suot na corporate na mga lalaki.

Nakangiti si Ranier habang ginigiya niya papasok si Elliot. Namamanghang itong iniikot ang paniningin sa buong cafe. Hindi pa pumitik ang isang segundo nang mabilis siyang kumubli sa ilalim ng counter. Kinilibit niya ang paa ni Rosario.

"Help me. How... how can I escape,"nauutal niyang bulong. Nahihilo siya nang kumabog ng mabilis ang kanyang puso. Sana wag siyang hihimatayin dito. Iisipin niya ngayon kung paano siya makakatakas.

"Dumaan ka sa back door, bilisan mo,"tugon nito saka binigyan siya ng scarp. Binalot niya sa kanyang ulo. Yumuko at patalon-talon na pumunta sa kusina.

"It's been a long time,Rosario." Iyon ang huling narinig niya na bati ni Ranier kay Rosario bago tuluyang nilisan ang cafe. 

Mali ang ideya na pumunta siya sa cafe. Nakalimutan niya na dadaan pala si Ranier doon sa tuwing may meeting ito kay Elliot. Ang tanga niya. Nadala siya ng sobra sa feelings niya kay Elliot.

Napabuntong hininga siya nang marating ang waiting shed ng bus stop. Ilang minuto rin siyang naghintay ng bus. Eksaktong tumunog ang cellphone niya ng paakyat siya sa hunting bus. Nasa screen ang pangalan ni Elliot.

Nag-alinlangan muna siya. Pinalipas ang tatlong tunog bago sinagot.

"Yes, what can I do–"

"I really miss you, darling. Where are you now? Can I see you?"putol nito sa malanding boses.

Nanlamig ang batok niya. Nakaramdam siya ng pagkailang. Ito ang unang tawag nito na hindi tungkol sa business ang pag-uusapan. Bagong-bago ito sa kanya. Nahihilo siya nang humalo ang kilig at kaba sa kanyang dibdib. Pero infairness, gusto niya ang tono ng pananalita nito lalo na ang tawagan siya nitong darling. Tila isang kanta na pabalik-balik sa kanyang isipan.

"N-Nasa bahay po Bakit may nangyari ba?"nauutal niyang tugon. Pumwesto siya sa gilid ng palmeras. Diniin ang cellphone sa kanyang tainga para marinig ng mabuti ang boses nito sa kabila ng maiingay ng sasakyan  na dumadaan.

"Girlfriend kita,Rose kaya required ka na makipagkita sa akin,"sighal nito. Kung gaano kalambing nito kanina ganoon din ka suplado kapag mawawalan ng pasensiya.

"Girlfriend? Eh, hindi niyo pa nga ako nililigawan,"bwelta niya. Napakagat labi siya sa dulo ng kanyang salita.

Malakas itong bumuga sa hangin. "Nililigawan kita ngayon, Rose at darling na ang itatawag ko sa'yo. Saka wag mong kailimutan na tawagin akong honey,"nanunudyo nitong saad.

"Ano? Sumusobra naman yata ito?!"napa-panic niyang wika. Lumilinga-linga siya at kinagat ang kuku. Tila maglalaho siya sa inaasal nito.

"Diba sabi mo, I should be greedy. Ito na ginagawa ko na,"sabi nito. Pinaaala ang huli niyang sinabi. Bakit niya kasi nasabi ang be greedy na 'yan. Hindi talaga siya nag-iisip.

"Saan ka po ngayon?"tanong niya kahit alam na nasa cafe ito ni Rosario.

"I'm at the secret garden cafe,"inform nito. Humina sa dulo ang boses nito. "Come here, let's date!"

"Paano tayo mag-da-date kung kasama mo si Sir Ranier,"walang preno niyang bulalas. Napatutup siya nang ma-realize kung ano ang sinabi.

"Paano mo nalaman na kasama ko si Ranier,"gulat nitong tanong. Nasa dulo ang pagdududa.

"Ah... eh... nahulaan ko lang. Kasi diba may meeting kayo e... naisipan kong magkasama pa rin kayo,"palusot niya. Nanliit siya sa kinatatayuan niya.

Naumid si Elliot. Naramdaman niya ang tensyon sa bawat pag-hinga nito. "



Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon