LVIX

10 0 0
                                    

Matamlay na pinagmasdan ni Elliot ang puting lily. Kumuha siya ng isang tangkay. Nakakunot ang noo nang masinghap ang matapang na amoy ng bulaklak. Natigilan siya nang lumitaw ang imaheng matamis na nakangiti na si Rose. Hindi niya pwedeng ikaila bagkus nami-miss niya ang dalaga. Noong makita itong kasama si Ranier sa coffee shop hindi na siya nangahas pang lapitan ito. Marahil senyales iyon na hindi sila para sa isa't isa. Bagama't kinalimutan niya ang kasalanan nito pero wala silang pag-asang magkatuluyan.

Natuod siya sa kinatatayuan habang hawak ang bulaklak. Dumapi ang mailigamgam na hangin sa umagang 'to. Nainis siya ng kaunti sa taas ng humidity ng panahon. Hindi niya gustong lumabas kapag ganito ang klima. Subalit pinilit siya ni Juliette. Naging magkaibigan sila ulit matapos nitong humingi ng paumanhin. Naging maayos rin ang relasyon nito kay Magnus. Balita niya nililigawan ito ni Magnus. Kung saan pa nagkagulan at naging komplikado ang lahat doon pa napagtanto ni Magnus ang totoong nararamdaman nito sa dalaga. Pareho silang nasa crisis ng kaibigan pero naiwan siya sa puwang. Hindi niya alam kung magkikita uli sila ni Rosette. Bawat araw na lumipas, tumitindi ang pangungulila niya.

"Elliot!"tawag sa kanya ni Juliette. Siniko siya nito upang magising sa realidad.

Sinamaan niya ito ng tingin. Tumingala si Juliette. Naglalaro ang ngiti sa mga labi nito.

"Are you done? Ano ba kasi klaseng bulaklak ang ibibigay mo kay Magnus? Birthday lang naman niya, naghihirap ka pa. Siya dapat ang magbibigay ng bulaklak sa'yo!"sumbat niya. Tinangka niyang ibalik ang lily pero inagaw sa kanya ng kaibigan.

"Sorry, ha? Wala kasi ibang pwedeng sumama sa 'kin. Tutal friend naman kita kaya suportahan mo na lang ako,"ingos na parang bata magsalita. Sinuri niya ang bulaklak. "What if I'll give this na lang to him? Palagi kasing roses ang binibigay ko sa kanya."

Sinapo niya ang batok. Naalala niya 'yong mga panahon na mag-a-ask ito ng favor tapos ibagbibili siya ng rosas. Ganoon ka-devoted si Juliette. Hindi pumalyang magbigay ng rosas sa lahat ng importanteng araw ni Magnus. Sa darating na myerkules ay 28th birthday nito kaya heto buwis buhay ang pagiging abala ng dalaga. Ito raw maghahanda ng venue.

"It's up to you. Magmumukhang pure tignan si Magnus sa lily,"natatawa niyang saad.

Humagikhik nito. "At least hindi halatang maraming kasalanan siyang ginawa sa akin,"pakli nito. Inamoy-amoy ang bulaklak ngayon.

Inangat niya ang ulo. Bumubungisngis na ikot sa ibang dereksyon ang sarili. Tyempong sumagi sa mga mata niya ang pigura ni Rosette. Bagamat nakatalikod, alam niya na ito ang babaeng minahal niya. Tumatakbo paalis kasama si Ranier.

"Rose..."anas niya.

Napawi ang ngiti ni Juliette. "Rosette?"usisa nito nang marinig ang sinabi niya.

"W-Wala,"kaila niya. Naikuyom ang mga palad habang sinusundan ang naglalahong imahe ni Rose. Hindi siya mapalagay. Tinadhana na magkita sila ngayon pero hindi natuloy. Binalik niya ang atensyon sa kanyang kaibigan.

"Na-miss mo si Rosette?"tudyo nito. Hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha nito.

Matigas niyang pinilig ang ulo. "Who said that? I'll never miss her,"maagap niyang tanggi. Sa loob-looban niya parang gusto niyang habulin si Rose. Pipigilan at jojowain ulit.

"Oy, deny ka pa yan. Hindi halatang na mi-miss eh,"tukso nito. Sinundot-sundot noto ang tagiliran niya. Kinikiliti siyang nilalayo ang sarili dito.

"Stop it!"saway niya. Nilakihan niya ang hakbang habang tumatakas dito. Nag-iinit na tila apoy ang kanya pisngi. Kung gaano kinakila ng utak niya si Rose lalong kinikilig ang puso niya. Hindi niya mapigilang ngumiti. Tuwing maalala niya ng masiglang ngiti ni Rose hindi niya mapigilang sumikip ang dibdib. Naisip niya tuloy na kidnapin ito.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon