XXXVI

7 2 0
                                    

Hindi mapakali si Elliot. Alam niyang binibiro niya si Rose matapos itong sabihin na inakit lang daw siya. Umasta pa siyang malamig pero nasasabik siyang makita ito. 

Nakangiti niyang binungad ang dalaga sa kanyang condo. Nauna siyang umuwi para ihanda ang mga sangkap na lulutuin nito.

"Come in!"masaya niyang pahayag. Umatras siya upang paraanin ito. 

Puno ng nerbyos ang mukha ng sekretarya niya nang umuusad ito papasok.  Kinikilig siyang sumunod sa likod nito. Kinontrol muna ang sarili na h'wag itong yakapin. Natatakot siya na bigla itong tumakbo palabas.

"Alright. I already prepared the ingredients you need. Just ask me if there's something's lacking,"aniya sabay sandal sa kitchen counter para matignan ito sa mga mata.

Nilihis nito ang tingin na kinalungkot niya. Inayos niya ang tindig. Kinuha ang remote para palitan ang eksena sa bintana. Pinalitan niya ng cherry blossoms scenery. Bumuntong hininga si Rose. Nilapag nito ang gamit. Hinugasan ang kamay at tahimik na tinignan ang mga ingredient.

Nainis siya sa pagiging tahimik nito. "What do you think? Makakagawa ka na ba ng gusto kong menu ngayon?" Kumibit balikat siya at ginawaran ito ng mapanghamon na tingin.

"Sana hindi po kayo mag-over expectation. Lulutuin ko kong ano ang makakaya ko,"wika nito sa flat na boses pero rining niya ang panginginig nito.

Umarko ang kilay niya. Pakiramdam niya hindi ito komportable na kasama siya. "I believe in you. Sigurado akong masarap ang lulutuin mo,"pampalakas loob niyang pahayag.

Bahagya itong napayuko. Tinakpan ang hiya. But he loves seeing her getting shy and blushing. It makes his heart flatter.

"Ano po ba ang menu,"tanong nito. Sa wakas tinignan siya sa mga mata. Kumikinang ang mala-butones nitong mga mata, nangigil siya bigla. Natutukso siyang pisiling ang pisngi nito.

"Wild mushroom soup,herb-crusted lamb chops with rosemary potatoes and baby carrots, for the salad, caprese salad with burrata. For the dessert, tiramisu with espresso dust. At may pap-partner pa akong wine na cabernet sauvignon,"mahabang lintaniya niya. Hindi niya alam kung naiintindihan siya nito.

Kumunot ang noo ng dalaga. Hindi talaga siya na iintindihan. Kinamot niya ang batok. Lumapit dito siya ng kaunti. "Don't worry, I ordered already the dessert. Tutulungan  na lang kita sa salad,"aniya na hinihila ito pataas. Naging malungkot kasi ito. Pinahirapan pa n'ya.

"Fine!"pakli nito. Kinuha ang karne at hindi na ulit umimik. "Pero teka, kumakain kayo ng lamb?"

Nalito siya sa tanong nito. "My mother always cooked herb-crusted lamb. Nababanguhan kasi siya sa rosemary. So, I seemed to like it too."

"Sa totoo lang, hindi ako marunong magluto nito. Pwede palitan?"reklamo nito. Nasa mukha na ang pagiging seryoso at dedikasyon sa trabaho.

Lumabi siya. Napaisip. Tila nagugustuhan niyang tuksuin ito kaso wag na baka takbuhan siya. "Do what you want as long it's not seafoods."

"Can I make filet mignon with red wine reduction?"tanong nito.

Napabilib siya. Walang problema kay Rose kahit mahihirap na menu ang lulutuin. Kahit hindi siya fan ng baka, para kay Rose. Kakainin niya.

"Fine,"aniya. "Ikaw na ang bahala."

 Iniwan niya muna ito para i-check ang office work habang nagluluto ito.

Pagkalipas ng ilang oras, nasinghot niya ang mabango at katakam-takam na amoy ng niluluto ni Rose. Inabala niya ang sarili sa mga papeles. Subalit oras na para tumigil. His stomach rumbled in response. With a hint of curiosity and a touch of hunger, he made his way to the kitchen.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon