Hindi niya alam kung paano sila humantong ni Rose ng ganito. Matapos niyang sunugin ang kusina at makasama itong kumain ng noodles bilang hapunan sa gilid ng dalampasigan. Hindi nila mapigilan ang sarili na maghalikan hanggang sa loob ng private beach house niya. Walang ibang tao rito. Tanging silang dalawa lang.
Isang malaking tukso na ibibigay nila ang sarili sa isa't isa. Hindi niya alam kung tama itong pinangagawa nito. Pero sa sobrang sarap. Mas masarap pa sa noodles na kinain niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na halikan ito.
Buhat-buhat niya si Rose na parang bride niya. Kumapit ito sa leeg niya at tila nauuhaw na sinisipsip ang dila niya. Siya na ata ang nagsilbing tubig nito. Tumaas ang temperatura ng kanyang katawan. Naaakit siya. Nalalasing. Ayaw nang tigilan pa.
Umungol ang dalaga nang bahagya niyang kinagat ang ibabang labi nito. Nasa sala na sila, nakapatay ang ilaw at opps– sakto sa gagawin nila.
Ano ka ba Elliot? Nasisirain ka na ng bait? Hindi. Pati si Rose nawawala rin sa sarili. Marahan niyang binaba ito. Sinandal sa cabinet. Humigpit ang kapit sa kanya ng dalaga. Sa sobrang diin ng paghalik nito'y kinapos siya ng hangin. Pakset! Nababaliw siya. Dinikit niya ng hulos ang katawan nito sa kanya. Lalong umapoy ang kanyang katawan habang pinipisil ang beywang nito hanggang sa bumaba ang kamay niya sa bandang pwede nito.
"Ugh! Elliot, teka!"reklamo nito matapos hiniwalay ang labi sa kanya. Hindi nagustuhan ang pagmamasahe niya sa pwet nito.
"You make me aroused. It's your fault,baby. Panindigan mo,"bulong niya sa smokey na boses. Nasa 100 degrees boiling point na siya. Hindi siya pwedeng umatras.
"Ikaw naman ang may pasimuno nito,"bwelta nito at binalik ang sarili sa panghahalik sa kanya. Nalasing siya sa pabango nitong humahalo sa simoy ng malamig na hangin na galing sa dalampasigan. Hinatak niya si Rose papunta sa kabilang bahagi ng sala. Sumandal ito sa lamesa, sa bilis at marahas nilang pagkilos ay hindi nila namamalayan na nahuhulog na pala ang ilang palamuti.
Nakakalat sa sahig ang mga trinket, maliliit na estatwa at ilang upuan.
Hindi siya makahinga habang sinisiil ang paghalik dito. Dinala niya ang dalaga malapit sa bookselves. Napalakas ang ungol nito ng pinasadahan niya ng mga daliri ang tyan nito hanggang sa humantong sa dibdib nito. Kinabahan siyang limasin 'yon. Pero nasasabik siya sa malambot na umbok nito. Kahit may bra itong suot, naramdaman niya kung gaano ito kalambot.
Sumidhi ang pagkasabik niya. Lalong kumikirot ang puso niya at yong ano niya sa ibabang bahagi. Sinasampal naman siya ng maraming tanong. Tama ba itong ginagawa niya? Itutuloy ba niya. Hay, nakakaadik. Kung papayagan siya ni Rose, hindi siya magdadalawang isip na ipagpatuloy.
Napagod siya sa labi nito kaya nilipat niya ang labi sa gilid ng leeg nito. Pareho silang akyat-baba ang paghinga at pawisan. Kumuha lang siya ng hangin at sinimulan ang paghalik sa leeg nito. Mayamaya inaabot niya ang hook ng bra nito. Nangigil ito kaya naman hindi mapigilang tapikin ang ilang libro sa gilid ng bookselves. Huminto siya sa ingay na nilikha non.
"Huwag kang tumigil, Elliot,"anas nito. Nawawalan ng hangin sa sumisidhing damdamin. Hinaplos ng mainit nitong hininga ang kanyang pisngi. Binaba niya ang kamay. Yumuko. Nag-alinlangan siya. Lalayo sana siya pero kumapit ito sa beywang niya.
"Rose..." Hindi niya natapos ng hinalikan siya nito sa leeg. Dapat niyang awatan ang sarili. Hindi niya dinala si Rose dito para pagnasaan ang katawan nito.
Tumigil siya saglit. His body was tense, his muscle coiled like a wire streched to its breaking point. Pinikit niya ang mga mata, nilalabanan ang rumaragasang pagnanasa na handa siyang tangayin. His hands,large and calloused, fell to her waist, his thumbs drawing small circles pover the soft fabric of her blouse.
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomanceOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...