It's still the same week at school. Wala pa rin akong nagiging kaibigan pero nagkaroon naman ng changes on how my classmates and my schoolmates treat me! That's the reason why I was in a great mood, even though I knew Lolo would pay us a visit.Sabado ngayon at narito kami ni papa sa labas sa may maluwang namin na hardin habang nagbe-breakfast. Just this morning, Papa's secretary called and said Lolo would come today. Kung dati ay wala na ako sa mood at kinakabahan na ako ay ngayon hindi naman.
"Parang ang ganda ng gising mo, anak? I noticed you've been smiling since you came out of your room?"
Paano ko ba sasabihin? Or huwag muna? Ayokong mabati na ganito kasaya ang mga nangyayari because I have fear that things would not continue to be good kapag napangungunahan. Ewan ko, ramdam ko lang.
Pero sa naging tanong na 'yon ni papa, napansin ko sa gilid ko ang pagkilos ni Elijah. I looked at him, nang makita ko na napatingin rin siya sa akin ay ngumiti ako. He knows the reason why I've been in a good mood lately. Dahil simula nung nangyari sa cafeteria ay ito at hindi na palaging cold ang ibang mga estudyante ng Pennington sa akin.
"I'll tell you soon, papa," sagot ko na ikinasimangot niya.
Sinubukan pa niya ako na pilitin na sabihin pero umiling lamang ako. Iniba ko rin ang usapan at ako naman ang nagtanong kung sa kaniyang kumpanya. That, I heard earlier that there will be a celebration that would going to happen because of a huge percent increase in sales. Siguro rin kaya pupunta ang lolo ngayon?
He usually comes here when he hears negative things or is mad. Pero ngayon mukhang dahil naman 'yon sa magandang pangyayari.
We continued to eat breakast. At saktong katatapos namin ng papa nang dumating ang Lolo Halyago. I stood up on my seat, ganoon rin si papa at bumati ng mga magandang umaga dito. And as usual, walang kangiti-ngiti ito habang gumanti rin sa amin ng pagbati.
"How's your study, Pristine?" pagkaupo niya ay 'yon kaagad ang kaniyang tinanong sa akin.
Because I am in a great mood, I answer him with a smile.
"Everything is fine and I am doing well po, lolo," sagot ko.
Tumango siya at kinuha ang kadarating lang na kape na itinimpla ng aming kasambahay. And when he turned to look at papa, then to Elijah--na kay Eli nagtagal ang tingin niya ay unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Nakausap ko si Gael, kagabi lang siya nagbanggit sa akin pagkatapos ng pagkikita ninyo dito sa mansion."
Sa narinig ko na 'yon ay nakaramdam ako ng kaba. Nagsumbong kaya ang lalakeng 'yon? A-About what Eli did? Pero ang sabi niya ay wala siyang ibang sasabihin! He looked like he was saying the truth!
"Hindi ko na naharap si Gael nang magpunta rito, Dad. I was in a hurry dahil mayroon kaming pupuntahan ni Hally. Sa susunod ko na lang siya haharapin," sagot ng papa.
He's not smiling because he doesn't like this idea of lolo. Para sa kaniya ay maaga pa kasi upang makakilala ako ng lalakeng pakakasalan ko at pag-usapan ang tungkol doon.
"It's okay, Pierre. Si Pristine naman ang sadya nito at gustong makita. Sa susunod ay magkakaroon naman tayo ng family dinner."
Nakuha ang atensyon ko ng huling mga salita na sinabi ng lolo. Family... dinner? That usually doesn't happen between our families and his colleagues. Kung mag kakamustahan ay hindi pami-pamilya na ganito.
Nang mapatingin ako sa papa ay natigilan naman siya at nagsalubong ng mga kilay niya. He noticed it also.
"Dad, a family dinner only means one thing," he said.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...