"Hindi ako makakapasok sa first subject, Pristine. Masama ang pakiramdam ko, eh."
It was a message from Esther. Maaga akong nagising, alas-singko y medya pa lang at 'yon ang una kong nabasa nang tingnan ko ang mga mensahe sa cellphone ko. It was followed by my father's message, saying he had already landed in the country. Papa is coming home today. Ni hindi ko na siya nakumusta dahil sa mga nangyari sa nakalipas na araw. I was so focused on the issue between me and Elijah that I feel guilty for not even calling my papa once.
"Who's with you, Esther? Kumain ka na at uminom ng gamot."
Pagka-type ko ng reply na 'yon ay tumihaya pa ako ng higa. Hindi muna ako bumangon dahil maaga pa naman. Alas-diyes ang pasok namin ngayon at kung ganito na may sakit si Esther, pupuntahan na muna namin siya ni Kio bago dumiretso sa school.
"Ako lang... ako lang naman mag-isa sa apartment ko. Mamaya siguro. Matutulog muna ako. Pakisabi na lang sa mga professors natin, ha?"
Voice message na ang sunod na natanggap ko. And I am worried now after hearing her voice. Paos ang boses niya, halos hindi rin makadiretso sa pagsasalita. Kung mag-isa siya at may sakit ay maaaring hindi na siya makakakilos para kumain.
Bumangon ako at ibinaba ang cellphone ko sa bedside table. Hindi na ako sumagot pa kay Esther dahil kapag sinabi ko na bibisitahin ko siya at magdadala ng pagkain at gamot ay sigurado ako na hindi 'yon papayag. Alam ko naman kung saan siya nakatira kaya hindi ko na kailangan tanungin ang address niya.
"I should call Kio," bumaling ako sa oras at alas-sais na ng umaga mahigit. Ang bilis. Tumayo ako at tutunguhin ko na sana ang banyo nang may mapansin ang mga mata ko. Sa may dulo ng aking kama.
My eyebrows furrowed when I saw that it was a bouquet red of roses. Lumapit ako at kinuha 'yon, nang amuyin ko ay napangiti ako sa bango. Pinakatitigan ko ang mga bulaklak. Ngayon na lang ulit ako nakatanggap nito.
"Kanino 'to galing? Pumasok ba dito si Kio?"
My bedroom door wasn't locked. Ang pinakapinto lamang palagi. If Kio was the one who came in, then maybe this bouquet was from my father. No one else gives me flowers except my papa, especially now that he's on his way back. Naalala ko na kapag nga pala pauwi na siya galing ng ibang bansa ay binibigyan niya ako ng bulaklak.
But why didn't he just give this to me personally?
"He wants to surprise me, I guess?"
Nakangiti na kinuha ko na lang muli ang aking cellphone. Nagpasalamat ako kay papa sa ipinadala niyang mga bulaklak. I asked him too kung nasaan na siya because by now, for sure he's on the way home. Pero baka rin natutulog siya sa byahe kaya hindi pa muling sumasagot sa mensahe ko kanina.
After messaging my father, I placed the flowers back on my bed and went to the bathroom. Gumayak na rin ako dahil nga balak ko na bisitahin si Esther bago kami tumuloy ni Kio sa university.
"Bibili pa ako ng mga pagkain. Prutas and medicines."
Nagmadali na rin ako dahil napakabilis lumipas ng oras. Ayoko naman na pagkabigay ko ng mga 'yon kay Esther ay aalis na ako. I still want to make sure that she's safe alone, kung makita ko na hindi ay pababalikin ko roon si Kio para mabantayan siya at--
Napatigil ako sa isipin dahil maiiwan ako na mag-isa kay Elijah.
I managed to avoid having another conversation with Elijah last night after what happened in the hallway. He didn't push it either and just stayed outside the mansion. I was actually worried that he might leave again—after I confidently told Kio that the door was wide open if Elijah ever thought of leaving for the third time. Ugh.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...