Chapter 76

105 1 0
                                    

Pristine
Kanina pa ako gising. Alas sais ng umaga ay napadilat na ako at ipinaalala sa akin kung ano ang mga nangyari kagabi. At pagbangon ko ay inilibot ko talaga ang paningin ko sa buong lugar--sa silid kung saan muna ako mananatili dito sa bahay ni Elijah.

"Sa bahay ni... Elijah," pagsasaboses ko dahil kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na ang buong lugar na ito, ang napakalaking mansion na ito ay sa kaniya!

I'm not looking down on him as if he's poor. I'm just curious about how much bodyguards earn to afford a lifestyle like this. L-like this is too much. Pakiramdam ko ay mas mayaman pa siya sa pamilya namin.

"Pristine, baka may iba pa siyang trabaho! O-Or he has business?"

But it's been almost a year, and whenever I see him, he's watching over me. He's always attentive. Ni hindi nga siya gumagamit ng phone kapag magkasama kaming dalawa eh and! He doesn't leave our house to make me think that he has other things he's busy with.

"Should I ask Eli?"

Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at naikuskos ko 'yon dahil pakiramdam ko ay nananaginip pa ata ako. Pero habang ginagawa 'yon ay napatigil rin ako at naalala kung paano kumilos at magsalita si Elijah. Unang beses nang maging bodyguard ko siya ay nagtaka na nga ako dahil englishero siya, may alam rin siya sa table manners, at marami rin siyang alam sa iba't-ibang mga bagay.

The way he moved and talked, his authority was always there, like he was used to being like that. He could be a bit bossy at times pero hindi naman sumosobra.

Ngayon ay ito at binabalikan ko ang mga unang beses nang maging bodyguard ko siya. I can't believe this... pero noon kasi ay medyo kabado pa ako sa kaniya at kahit nang tumagal ay hindi ko na naisip na magtanong tungkol sa personal niyang buhay dahil kabado ako. I remembered when I tried to ask to Kio, pero ito rin ay walang nasabi.

But, thinking about it, Elijah really has that aura of a wealthy person. It was so different, he was from my other bodyguards as if he commanded respect without even trying. Iyon talaga ang napansin ko. And It was the kind of presence that made people pay attention and follow his lead. It felt like he was someone who had dealt with powerful situations before, and it felt more like a natural instinct for him.

Napabuntong hininga ako at bumaba na lang ng kama. Nang humarap ako sa salamin dito sa silid ay napatingin ako sa damit na suot ko. It was actually Eli's clothes. Cycling na abot hanggang tuhod ang suot ko sa ilalim, ang pang-itaas ay itim na tshirt niya. Wala daw siyang ibang kulay na dami at puro black kaya ito ang naibigay sa akin.

"It's in his personality though," ngiting iling ko.

At habang nakatingin ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko, ay nakaramdam naman ako ng lungkot nang maalala ang papa. Hindi ko dala ang cellphone ko para matanong si Kio kung kumusta na ang aking ama. At kung ano ang ginagawa nito ngayon.

"This is the first time that we argue like this, umabot sa punto na ginusto kong umalis--maglayas."

Sumobra ba ako sa mga nasabi ko? I was so emotional yesterday; I can't even remember what words I said or what I mentioned about what my grandfather did to me. But papa's hurt face that flashed in my mind right now makes me realize that what I said was enough to hurt him deeply.

I took another deep breath and left the room. Nasa ikalawang palapag itong silid kung saan muna ako mamamalagi, ang kay Elijah ay nasa pinakataas-sa third floor. I wonder if he's awake already? Sa mansion kasi ay bago pa ako magising ay gising na siya.

"Good morning, senyorita."

"Ay!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla naman na magulat sa pagbati sa akin ni Kaji. Nahiya rin ako sa suot ko. D-Dapat ata hindi na muna ako lumabas ng silid ko.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon