Chapter 48

266 5 1
                                    


Pristine

"Sigurado ka, ha? Hindi ka magsisisi kapag umalis ulit iyang si Elijah."

I lost count of how many times Kio has been asking me the same question. Pagkatapos ko kasi na sabihin sa kaniya na sumunod siya sa akin ay iyan kaagad ang tinanong niya, at kahit nang sabihin ko sa kaniya na maghintay sandali dahil magpapalit ako ng damit ay naririnig ko na siya kanina na itinanong 'yon sa akin.

"If he leaves again, then the door is wide open for him."

Napangisi siya sa isinagot ko at napakamot sa batok because he's just getting the same answer from me.

I was sitting on the sofa while holding the book that Esther lend me. Ipinagpapatuloy ko na muli ang pagbabasa para kahit papaano ay mailayo ko ang atensyon sa kadarating lang na si Elijah. Magsisinungaling lamang ako kapag sinabi ko na talagang wala akong pakialam rito. Actually, his presence bothers me. The moment I saw him standing in the living room, looking at me as if he'd been longing to see me, I wanted to run to him and hug him. Pero kung ginawa ko 'yon ay mas mapapatunayan lang non kung gaano ko kadali na makuha.

He kissed me, not just a simple kiss. At pagkatapos non ay hindi nagpakita ng tatlong araw tapos tatanggapin ko pa ng mahigpit na yakap? Kahit sino siguro ang makakarinig kung ikukwento ito ay baka sabihan ako na tanga.

At nang nasa loob ako kanina ng walk-in closet ko ay ilang beses na sumagi sa isipan ko na kausapin ito at alamin ang dahilan ng pag-alis. But, a part of me also wanted to do what Kio said, na huwag akong maging marupok at hayaan ko muna si Elijah. Now, that's what I've decided to do--pipilitin ko na hindi lang ilang araw kung hindi hanggang sa makita ko at maramdaman ko kay Elijah na talagang hindi na ako kaiwan-iwan na lang ng biglaan.

"Mukhang matigas ka na nga na hindi muna siya pansinin. Eh, paano naman kung magpumilit?" lumapit si Kio at humalukipkip pa sa harapan ko. The question didn't even make me look at him. I flip the page of the book I was reading and gave him an answer.

"He won't. Kapag sinabi ko na ayoko na makipag-usap, hindi kailanman nagpumilit si Elijah."

He's always listening to me. At ang itsura niya kanina nang makita ako at sabihin ko kay Kio na wala itong ibang papapasukin sa silid ko ay alam ko na hindi siya gagawa ng mas ikagagalit ko pa sa kaniya.

Pero naroon ang gulat sa mukha niya kanina dahil sa sinabi ko na 'yon--na nagpapahiwatig na ayoko siyang makita o ayoko na puntahan niya ako. Nakakainis lang rin kasi bakit siya magugulat kung tatlong araw siyang nawala? Walang kahit isang mensahe o tawag pagkatapos niya akong halikan at sabihan na hindi dapat 'yon nangyari? It's also as if, he knows I wouldn't get mad. Sinong babae ang hindi magagalit?

Akala rin siguro niya ay umiiyak pa rin ako habang naghihintay sa pagbabalik niya.

Then, if my assumptions are right, he's completely mistaken. Oo at gusto ko siya, pero alam ko pa rin naman ang halaga ko at ang mga dapat kong gawin pagkatapos niyang umalis ng ganoon na lang.

He did it twice already. First, when he disappeared for an entire day, and then again when I confessed my feelings for him. When we kissed, and he told me that it should never have happened.

Napakadali sa kaniya na hindi magparamdam.

"Ngayon, ano ang plano mo? Dalawa pa rin kami na magbabantay sa 'yo?"

"You are enough for me right now."

I heard Kio groaned that's why I looked at him. May pangamba rin sa mukha niya at napabuntong hininga siya. Alam ko na ang ganiyang ekspresyon ng mukha niya isabay pa ang hindi mapakali na mga kamay niya.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon