Elijah wasn't joking when he said that he wants more. Hindi ko na alam kung gaano katagal ako na nasa ibabaw niya habang tumutugon sa mga halik niya. I can feel the numbness of my lips already at sa tuwing pasasagapin niya ako ng hangin ay tititigan pa niya ang mga labi ko. Ngingiti at saka muli akong babalikan ng halik."E-Eli..." tinakpan ko na ang mga labi niya dahil nga ayaw niyang tumigil. And now he's looking at me, nakangiti siya dahil kita 'yon sa mga mata niya. Nang hawakan niya ang kamay ko na nakatakip sa kaniya ay namilog ang mga mata ko dahil naramdaman ko na dinilaan niya ang palad ko.
"E-Elijah!" I scolded him. Nang ilayo ko na ang kamay ko, I glared at him , but it seemed to have no effect because he only smiled at me. Mukhang dahil sa magandang mood niya at nasunod ang gusto niya kaya walang epekto ang sama ng tingin ko!
"I told you to stop me."
"And I did!" sagot ko rin agad. He chuckled that made me stunned a bit. Nasa ibabaw niya ako kaya ramdam ko ang pagtawa niyang lalo. Nakatitig lang ako sa kaniya. Eli looked so genuinely happy right now, may kislap rin sa mga mata niya, kaunting luha dahil sa pagtawa.
"I'm sorry. Hindi ko naramdaman."
Hindi makapaniwalang napailing ako sa sagot niya. Hindi daw! Saka imposible naman 'yon. I tried but he was so focus on kissing me, ni hindi na nga niya ako gustong bitawan and even now... I'm still on top of him. Hindi naman ako naiilang dahil siya naman ito pero nakakaramdam ako ng kaunting hiya.
Habang nakatingin ako sa kaniya, naalala ko ang nangyari kanina sa university.
"Kumusta pala? Sabi ni dad nang tanungin ko kung nasaan ka nang nasa ospital ako ay sinabi niya na nasa university ka at inaalam ninyo ang nangyari," sambit ko at itinukod ko ang mga kamay ko sa gilid niya at bumangon.
Eli's mood turned serious after what I said, it's as if he was back from his usual self. He also get up, supporting me. Ako naman ay bumalik sa pwesto ko kanina sa isang hita niya.
"We already caught who did it."
Napakapit ako sa kaniyang braso. S-So, may nakapasok nga sa university at pinagtangkaan ang buhay ko by burning that comfort room? Pero paano nito nalaman na mag-isa na lang ako--o baka naman wala rin itong pakialam kahit na may madamay na iba?
But thank goodness I was the only one who had to go through that horrible situation.
Hindi rin makakaya ng konsensiya ko kung may kasama ako doon. Lalo at hindi naman rin maiisip na basta na lang aksidente ang nangyari if I was there. Kaya nga rin ayaw lumapit ng iba sa akin dahil nga may dala akong panganib.
"Nasa pulis ba, E-Eli? Nalaman ninyo kung bakit ginawa 'yon?" I asked nervously. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga palad ko. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Hindi siya kaagad sumagot at hinaplos niya ang pisngi ko. Nasa mga mata na ulit niya ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. Nang abutin niya ang isang kamay ko at pinagsalikop 'yon sa kaniya ay hinila naman ako ng braso niya palapit pa. I could feel his heavy breathing, parang sa pagtatanong ko ay ibinalik ko ang pagsisisi niya kanina. Ang galit sa sarili na naramdaman.
"Eli, I am fine now," ngiti ko. "Huwag mo na rin sisihin ang sarili mo. Wala naman ibang nangyari sa akin. I wasn't injured or anything. Nahirapan lang ako makahinga dahil sa usok kanina. I don't get burn as well."
"But it added more trauma, Pristine. I'm sorry, hindi ko lang rin matanggap na nangyari 'yon sa 'yo habang nasa paligid lang ako.
Pagkasabi niya non ay hinalikan niya ako sa noo. "Hindi na 'to mangyayari ulit. Hindi na, baby. I won't take my eyes off you, at kahit saan ka pa magpunta ay nasa tabi mo ako."
Kahit hindi niya naman 'to sabihin ay alam ko na hindi siya papayag na may mangyaring masama sa akin. Besides, he's very strict about keeping me safe. I've felt that in almost a year of him guarding me.
"Iyan naman ang ginagawa mo palagi, Elijah. Nagkataon lang talaga ngayon kasi si papa na rin ang nagsabi na safe dito sa Pennington University, the security was tight. Sinabi rin niya 'yon sa 'yo, 'di ba? Saka hindi naman talaga sa lahat ng oras ay kasama kita, na malapit ka lang pero wala naman nagaganap," after I said that, I caressed his face, giving him a reassuring smile.
"What matters is that you arrived and saved me. So, stop being angry with yourself. You saved my life again, Eli."
Tumango siya pero hindi ako kumbinsido dahil nakikita ko pa rin sa mukha niya ang disappointment sa sarili.
"Si Kio? Nasaan pala siya?" nang tanungin ko 'yon ay ang bilis na kumunot ng noo niya.
"Why are you looking for that idiot?"
"Eli..." nakangiti kong suway.
"Syempre naman--" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin. His head went straight to my neck.
"Elijah..." tawag ko sa kaniya at hinimas ang braso niya. I could feel his hug tightened a bit more. And now he's kissing my neck. Hindi naman ako kumawala, pakiramdam ko kasi ay nagpapakalma siya ng sarili.
"Ang seloso mo pala."
"Oo," hindi man lang niya dineny!
I bit my lower lip and raised my hand to the side of his face. His other hand rested on my thighs, while the other was on my waist as I stayed seated on him. Talagang mas humihigpit pa ang yakap niya sa akin. Mukhang mananatili pa kami ng matagal sa ganitong posisyon sa paraan ng higpit ng kapit ng mga kamay niya.
"Malapit ko nang palayasin si Kio dito sa mansion ninyo dahil nasasagad na niya ang pasensiya ko."
There he goes again!
"Elijah, he's my friend, ilang beses ko ba sasabihin 'to sa 'yo? Kaibigan nga si Kio kaya gusto ko rin siya manatili. Nagkakaunawaan rin kami," I said, shaking my head. Mainit talaga ang ulo niya kay Kio, eh! Pero wala siyang magagawa.
"He's a friend..." bulong niya, rinig na rinig ko 'yon dahil malapit sa tainga ko ang mga labi niya. Umaangat. And I gasped when I suddenly felt him bit my ear.
"E-Eli! Bakit mo kinagat ang tainga ko?" lingon ko sa kaniya, namimilog ang mga mata. Umangat rin ang mukha niya sa akin, pero nang makita ko ang ngiti niya ay napatigil ako.
Hala! Nakangiti na siya ulit...
"If Kio is a friend, Pristine Felize, then what am I?"
T-Tinatanong ba niya talaga ako? Hindi ba obvious pagkatapos ng h-halikan sa pagitan namin kanina? O talagang kailangan manggaling sa akin?
"I k-kissed you back already and..." sabi ko. Nabitin dahil ramdam ko ang sobrang pag-iinit ng buong mukha ko.
"Hmm... and?" tanong niya agad.
"A-And... you are my b-boyfriend."
I don't know but telling him this is more embarassing. Kaya pagkasabi ko non ay napayakap ako sa kaniya at ako naman ang sumiksik sa leeg niya. Nagtago. At nang marinig ko naman ang pagtawa niya ay napadaing ako.
"Elijah Clementine!" pagalit kong tawag.
"Yes, baby ko?" malambing naman niyang tanong.
N-Now he's not just my bodyguard, but also my boyfriend.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...