"What do you want me to do, princess?"Habang nakayakap ako kay Elijah ay natigilan ako dahil sa tinanong niya. He said that in a low and dangerous tone. Saka ko lang na-realize ang magiging outcome ng mga sinabi ko at kung tutulungan niya ako.
Lumayo ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya. Elijah is still holding me firmly around my waist. Seryoso na nakababa ang tingin niya sa akin. His face has no emotion and his jaw is clenching.
"Do you want me to take you away from here?"
Hindi ako kaagad nakasagot. At habang nakatingin ako sa kaniya ay naalala ko kung ano ang ginawa ng lolo sa mga taong tumalikod sa kaniya at tinraydor siya. How he killed them mercilessly... a-at kung paano 'yon nasaksihan ng mga mata ko na naging dahilan ng matinding takot ko sa kaniya.
"Princess," Elijah called me. Ang haplos niya sa pisngi ko ang nakapagpabalik sa akin sa realidad mula sa trauma ng nakaraan.
"No... N-No..."
Pinalis ko ang mga luha na tumulo sa aking mukha habang umiiling sa kaniya.
"E-Eli... I-I'm sorry. Hindi ko gusto na idamay ka. I-I was just saying what's on my mind. Naglalabas lang ako ng sama ng loob."
Alam ko na kahit sabihin ko kay Elijah ng ilang ulit na ayokong magpakasal ay wala naman rin mangyayari. Walang magbabago. Hindi sa tinitingnan ko lang siya bilang bodyguard ko at walang magagawa pero kung tulungan man niya ako na makatakas... pareho kaming malalagot sa lolo.
Sigurado na kahit saan kami magpunta, k-kahit saan niya ako itago ay mahahanap at mahahanap kami ng Lolo Yago.
A-At ayoko na malagay sa panganib ang buhay ni Elijah dahil lang sa akin. Kahit na sino pa man, ayoko na may madamay. Lalo na siya, siya lang ang nakakasama ko at nakakausap. Sa kaniya ko lang kaya na maging totoo. Na ipakita ang kahinaan ko at nasasabi ko lahat ng hinanakit ko.
"I-I will talk to papa, again. Mag-uusap kami, susubukan ko rin pilitin si lolo na bigyan pa ako ng panahon dahil halos dalawang buwan na lang ay kaarawan ko na. Kung makikiusap ako ng ilang ulit a-ay baka... baka pagbigyan niya ako."
Nakita ko ang paglayo niya ng tingin ngunit sandali lang. Hindi niya gusto ang mga salitang binitawan ko.
"A-At habang kinikilala ko ng maigi si Gael ay baka may makita nga akong kabutihan niya na sinasabi ng lolo."
Halos ayokong bitawan ang mga salita dahil sa pakiramdam ko ay mali ang mga 'yon.
"B-baka magustuhan ko rin siya.. at ma-matutong... matutong mahalin kalaunan."
I looked away after I said that. Pero napaawang ang mga labi ko dahil sa maingat na hawak ni Elijah sa baba ko upang iharap muli sa kaniya.
"Is that really what you want?" he asked without emotion.
Siya lang ang nagtatanong ng ganito sa akin.
Kay Elijah ko lang nararanasan ito, na m-mahalaga ang kung ano ang gusto ko.
"You told me you don't want to get married, Pristine," sunod-sunod ang kaniyang mga salita na napatitig ako sa kaniya.
He was frustrated.
"T-That's the best thing to do, Eli."
Dahil pagkatapos ko na sabihin kanina na ayoko pakasalanan si Gael, dahil na rin sa matinding emosyon ay saka ko lang napagtanto ang panganib na maaaring mangyari sa akin at sa kaniya kung tutulungan niya ako.
"The best?" He scoffed.
"Susubukan mong mahalin ang lalakeng 'yon? That man who disrespected you?" bawat salita ay gumagalaw ang panga niya dahil sa galit.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...