I have no intention of hiding the dream I had. Lalo na kanina, pagpasok ko ng bahay, I realized it wasn't just a simple dream. It triggered my memories—ones I hadn't remembered until now. I know it's a part of me... but was lost, or maybe, intentionally removed.
But with so many things I want to talk about—especially with Elijah, his mom, and this strange dream—here I am, still trapped in his arms, kissing me like it's the first time he's ever tasted my lips. Ito na naman. At alam ko na hindi ito basta mahihinto kahit pa sinabi niya na pigilin ko siya. Hindi naman siya tumitigil!
Ramdam ko na mas lalong humigpit ang yakap niya, and I know he won't let me go or even loosen his grip. He doesn't even want to give me a few seconds to breathe!
"Eli..." I whispered against our kiss. The sound of his breathing, and the soft movement of his lips tasting mine, filled the room. Pati ang pagsinghap ko sa pagsagap ng kaunting hangin ay rinig dahil halos ayaw na niya akong bitawan.
"C-Can we... stop?" tanong ko, halos parang pakiusap. Nakalapat pa rin ang mga labi ko sa kaniya. But he didn't say anything and just claimed my lips again, making me fall silent.
He's really unstoppable once we started to kiss!
Alam ko naman na kapag nasimulan na niya akong halikan, mahirap na siyang patigilin. But it's embarrassing if we stay too long in my room, lalo na't nasa baba lang ang mom niya. Ayoko kung ano ang iisipin nito, lalo pa't pwede naman sana namin ngang pag-usapan ni Eli kanina sa harapan nito ang nangyari sa akin sa labas, dahil nasaksihan rin nito 'yon.
"What is it, baby?" sa wakas ay lumayo ang mukha niya sa akin. Kanina kasi, pasasagapin lang niya ako ng hangin, tapos muling babalikan ang mga labi ko. I could already feel the numbness in my lips. At nang mapababa ang titngin ko sa kaniya ay nakita ko namumula na rin ang mga labi niya.
"Pwede bang s-stop na? Gusto ko na ring makausap ang mommy mo at pormal na makapagpakilala sa kaniya. I mean, hindi mo ba gusto na magkausap kami tungkol sa atin? Hindi kasi sapat para sa akin na alam lang niya na may relasyon tayo. Also, I didn't even know how much she knows me. Marami pa akong tanong sa isip ko, lalo na't parang kilala na niya ako base sa mga sinabi mo kanina when I didn't even know when or how."
Nakatitig lang siya sa akin habang nakaupo pa rin ako sa kandungan niya. Ang mga kamay niya ay nakapulupot pa rin sa baywang ko, at bahagya siyang nakatingala sa akin. My other hand rested on his shoulder, and one of them was slightly gripping his nape.
Pero sa haba ng sinabi ko at sa ilang segundong paghihintay, tahimik pa rin siya. Elijah didn't speak again and he's just staring at me! Hinayaan ko lang siya, pero nang lumipas na ang ilang minuto at parang ang lalim ng iniisip niya habang nakatingin ay nagsalubong nang talaga ang mga kilay ko.
"Eli—"
"God, you are so beautiful, Pristine Felize."
And at his words, my lips parted and my heart suddenly skipped a beat. Para ba siyang nasa sariling mundo habang sinasabi niya 'yon, nakatingin sa akin, and his eyes... they were full of admiration, as if bewitched, like he was completely lost.
I took a deep breath while my hand held the back of his nape, and gently moved my fingers as if massaging him. Then I noticed his jaw clench, and it wasn't even a matter of seconds. Muling tinawid ni Elijah ang pagitan ng mga labi namin at mariin akong hinalikan.
Hindi ito katulad ng halik niya kanina. This time, his kiss was rushed, as if we had limited time together. At nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko ay napasinghap ako at napakapit sa kaniyang buhok. Pareho nang nasa ulo niya ang mga kamay ko lalo na nang hapitin niya ako palapit sa kaniya. His arms were like steel, trapping me, at nang maramdaman kong umangat ang dress ko at pumasok ang mga kamay niya ay ikinagulat ko 'yon kaya napasinghap ako.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...