Ikinabigla ko 'yon. I tried to remember the first time he came to the mansion, but my memory is blurry. But, I know they witnessed how my grandfather mistreated me back then, kung paano ako pagbuhatan ng kamay but I can't recall what kind of expression he has on his face while he was watching me. Dahil nung mga oras rin na 'yon ay hilam na sa luha ang mga mata ko.Pero... nung nasa backgarden ako, while I was crying, n-natatandaan ko nga na may narinig akong kaluskos non at may braso ng lalake ako na natanaw, So, that's him?
"You were the one who was watching me... a-at the back garden?"
Nang tumango siya ay natakpan ko ang mukha ko ng mga palad ko. So he followed me!
"My feelings for you grew when you started talking to me and teaching me many things. At that time, I thought it was just a normal feeling because I didn't fully understand what love was--kung ano ang pakiramdam non. I also never thought I would fall someday. At wala pa akong nagustuhan na kahit sino..." ibinitin niya ang mga salita at mataman na tumingin sa akin.
"You are the first woman I laid my eyes on, the first woman I have loved."
My lips trembled, and I swallowed hard at the intensity of his gaze. Wala na akong masabi, siya na lang ang nagsasalita. At nasisiguro ko na sa oras na subukan ko ay mauutal ako.
I didn't know that talking about our feelings would leave my mind blank like this!
Pero bukod doon ay parang gusto ko na lang rin makinig kay Elijah. Kung paano niya sa akin sabihin kung kailan at paano niya ako minahal.
"Sa pagbabalik ko nang gabing 'yon ay sinadya ko na dumiretso sa gala. I was going to apoligize for not showing up the whole day, pati ang hindi ko rin pagmensahe dahil alam kong ipag-aalala mo 'yon ng sobra."
"H-Hindi mo naman kasalanan, Eli. You were shot... and it's life threatening!" sa wakas ay natagpuan ko na rin ang sariling boses. At ngumiti lang siya! Talagang nakuha pa niyang ngumiti.
"It was, but then because of so much happiness na mananatili pa rin ako na bodyguard mo, na makakasama pa rin kita ay hindi ko na rin ininda pa ang sugat ko."
Napatanga ako sa isinagot niya, napailing.
W-What? Eh kung namatay siya?! Makakasama pa ba niya ko non?!
"Eli..." I groaned. Hindi sumang-ayon sa sinabi niya.
"I was actually more nervous at that time because I thought you might be angry with me for not showing up, for not messaging you. That was what I feared the most, Pristine. You know I don't want you to be mad at me. But then, even before I explain everything, saka mo ako ginulat..."
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko dahil ang tinutukoy niya sa huling mga salita ay ang biglaang pagtatapat ko ng nararamdaman. That's because I thought he will be removed as my bodyguard! That I was also willing to runaway with him! Gosh. Nakakahiya pag naaalala.
Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. And I couldn't cover my face anymore because Elijah was holding my hands tightly.
"I didn't expect what happened next. It wasn't my intention to make you think negatively about our situation by leading you to believe that I wouldn't be your bodyguard anymore... I'm sorry for that, baby," pagkasabi niya non ay yumuko siya at pinatakan ng halik ang mga kamay ko
"Yun kasi ang naisip ko dahil na rin alam ko nga ang policy ninyo... n-na bawal kayong magkagusto sa mga kliyente ninyo. Nakausap ko rin si Kio tungkol doon at sinabi niya na nakakatakot daw ang pinaka-boss ninyo, eh. I-I was worried, I couldn't stop thinking about it. I thought you're not gonna come back that's why I was so emotional that night while talking to you."
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...