Chapter 12

238 6 0
                                    




The next day, papa talked to me. He apologized for not even saying a word to save me from Lolo Yago. Pero alam ko rin naman na sinubukan niya, umasa lang ako na siguro may boses siya pagdating sa lolo.

But we are both just in Lolo's hands. The leash around our necks was so tight that we couldn't even complain. Bata pa lang ay namulat na ako sa kalupitan ng lolo, I witnessed his evil deeds, I watched how he killed. Malinaw 'yon sa isipan ko hanggang ngayon kaya sa tuwing makikita ko siya at maririnig ko ang boses niya ay natitigilan ako.

Malaki ang takot ko, na nakatatak na rin sa isip kong hindi ko siya dapat suwayin.

"You've lost weight, Pristine."

I looked at my personal seamstress, Lena. Pagkapasok pa lang dito sa silid ko ay 'yon na agad ang sinabi niya.

"Hello, ate."

Muntik ko nang makalimutan na ngayon ang punta niya.

Tipid ako na ngumiti. I gestured for her to sit down. She arrived early because she'll be the one making my gowns. Vera Esperanza was invited to a charity gala. Papa was supposed to attend, but because he will be on a business trip in another country ay ako at ang lolo na ang pupunta.

Marami naman akong mga bagong gowns na maaaring pagpilian, but Lolo Yago wanted a new one. Sumunod na lang ako because explaining my side would only lead to an argument.

Tumayo ako nang ilabas na ni Lena ang mga gamit niya at panukat sa akin. Iniabot rin niya ang notebook kung nasaan ang mga sketch niya na gown. Nang tingnan ko bawat pahina ay nagustuhan ko naman lahat. Nasa anim 'yon.

"These are all beautiful. Ang hirap pumili," sagot ko. Ang mga mata ay nasa papel pa rin.

A gown with a veil caught my attention—a body-hugging black dress that falls below the knee, not too revealing at the chest. It's elegant; as I look at it, I suddenly remember Mama. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at kalungkutan.

I'm sure if she were still alive, this dress would look divine on her.

Ipinakita ko ang napili ko agad kay Ate Lena.

"I like this one..." turo ko at tumango naman siya.

"Ay, tiyak na babagay 'yan sa 'yo! Mostly beauty queens wear that kind of gown. Sigurado akong nasa labas ka pa lang ay agaw mo na ang atensyon ng mga tao roon."

I closed her sketchpad and shook my head.

"Hindi naman po ang atensyon ang punta ko doon, Ate Lena," sagot ko sa kaniya. Tumayo na ako nang makita kong hawak na niya ang panukat.

"Kahit naman, hindi na rin nakakapagtaka kung ikaw ang maging sentro ng atensyon doon. Ikatutuwa na naman 'yon ng lolo mo."

Ikatutuwa...

Nawala ang niti sa mga labi ko habang kinukuhanan ako ng sukat ng ate. As soon as lolo learned that papa cannot attend the charity gala ay kinausap niya ako kaagad. Sinabihan na huwag ko siyang ipahihiya roon at huwag akong magsasalita ng wala niyang pahintulot. Lahat ay dapat siya ang magdedesisyon. Kaya nga ito, tatlong gown ang ipinahanda niya. At kahit pumili ako ng isa ay siya pa rin ang masusunod sa kung ano ang susuutin ko sa huli.

Itinaas ko ang mga kamay ko habang patuloy sa pagsusukat si Ate Lena. At nang mapabuntong hininga siya ay napatingin ako sa kaniya.

"Siguro ay hindi ka na naman nagkakakain? Akala ko ay bantay na ng bodyguard mo ang pagkain mo," sabi pa niya.

Simula kanina paggising ko ay wala si Elijah. Hindi ko rin siya nakita sa hammock sa likod kung saan ko siya pinupuntahan kapag nasa silid ako. At may nakapagsabi sa akin na maaga itong umalis ngunit hindi sinabi kung saan pupunta.

I don't know if he's mad at me, pero tingin ko ay hindi naman. Mas tamang sabihin na dismayado siya sa naging desisyon ko pagkatapos ko umiyak sa kaniya at sabihin na ayoko na magpakasal kay Gael.

"Kumakain ako, ate. It's just that the past few weeks have been tiring for me."

Hindi ako napapagod physically, but mentally I felt drained. I feel so exhausted. Kagabi ay hindi rin ako nakatulog ng maayos. Ilang beses ko na sinubukan. Naglakad-lakad rin ako sa balcony. Pero hindi ako talaga dinalaw ng antok. Laman ng isipan ko ang naganap kahapon pati ang naging pag-uusap namin ni Elijha.

How he is so willing to help that he even mentioned death.

Nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya, how determined he was. Alam ko naman na delikado rin ang trabaho niya bilang bodyguard ko and everyday his life was also at risk, pero iyong manggaling sa kaniya na handa siya na mamatay para mabigyan ako ng kalayaan ay hindi ko ikinatuwa.

Kung hindi ikinatakot ko ng sobra.

What made Elijah say that? And it's as if he has no fear even though I told him my grandfather would kill him.

I didn't offer him money. I didn't promise anything to make him decide to help me escape. Hindi ko nga sinabi na gusto kong itakas niya ako. I only said that I don't want to get married, and my life situation was so hard.

"Okay na."

Napabalik ang tingin ko sa Ate Lena nang magsalita siya. Nawala na naman ako sa realidad sandali. Nakaligpit na siya ng mga gamit niya at naitabi na rin ang sketchpad sa loob ng totebag na dala niya. I quickly changed into a chiffon dress.

"Thank you, ate. Magpapadala ako ng meryenda sa kasambahay. Huwag ka muna umalis," sabi ko dahil binitbit na niya kaagad ang mga gamit niya.

Umiling naman siya, "Naku. Kailangan ko nang bumalik sa shop, Pristine. Ang mga gown kailangan ko na maipakita sa susunod na araw sa lolo mo. Kaya dapat lang bukas ay tapos ko na."

B-Bukas? Ang bilis tapos ilang gown 'yon.

"May isang linggo pa naman, ate."

"Parang hindi mo kilala ang lolo mo, Pristine. Kapag nahuli ang gowns, kahit na sa end namin ang may problema dahil ngayon lang kami nakagawa ng design, tiyak ikaw ang sisisihin ng lolo mo kahit wala kang kasalanan."

Napababa ang tingin ko sa sinagot niya. She's right. Kahit hindi ko kasalanan ay para sa lolo ako ang may mali at kulang.

"Oh, siya. Sa susunod na lang, ha? Mauna na ako."

Naglakad ako at sinamahan siya papunta sa pinto. Pero bago ko pa man 'yon buksan ay nagulat ako nang bumukas na 'yon mismo at makita ko si Elijah.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon