Nang mamatay ang tawag ay nag-iisang linya pa rin ang mga kilay ko sa pagtataka. My eyebrows were still furrowed in confusion. Sebastian never talked to me before, and now, he's calling me—a video call, to be exact."Baka napindot lang? Kaso bakit ang tagal?" I asked myself.
Schoolmate ko rin dati si Sebastian, from Elementary to Senior highschool pero magkaiba kami ng section at block. Ngayon lang kami naging magkaklase. Kaso kahit magkakilala na kami ng matagal ay hindi naman niya ako kinakausap kahit minsan--kanina lang.
Tapos dalawang salita na, 'Enough, Pristine.'
Napanguso ako at rereplyan ko na lang sana ang message ni Esther tungkol sa mga libro na inaalok niya sa akin na baka gusto kong basahin ay bigla naman nanguna ang pangalan ni Sebastian. Napataas talaga ang kilay ko nang i-message niya ako.
"Why are you not answering my call, Pristine?"
That doesn't sound nice. Pero hindi naman talaga nice si Sebastian. He's too full of himself. Arrogant. Parang katulad ni Gael, pero ang kaibahan lang ay may respeto pa rin kahit paano si Sebastian.
"I was busy."
Iyon ang inireply ko.
At akala ko ay sasagutin niya 'yon pero ito at tumatawag na siya. Video call. I hesitated to answer, pero nang magtagal ang pagr-ring ay sinagot ko na rin.
"Why? Busy ako ngayon."
"Busy with your new friend? She will just use you for money, Pristine."
Pinalisikan ko siya ng mga mata sa sinabi niya. Ngayon niya lang ako kinausap ng ganito tapos hindi magagandang mga salita pa ang sasabihin niya.
"I don't think it's any of your business, Ynares," sagot ko sa kaniya.
He smirked and shook his head at me. Sa pwesto niya ay nakahiga siya sa kaniyang kama. What's wrong with him? Mukhang nang--aasar ang tingin niya. Natutuwa ba siya sa isipin na oo may kumausap sa akin at nakipagkaibigan dahil sa pera?
"Kung wala ka naman sasabihin na mahalaga ay ibababa ko na--"
"I am suspicious about your new friend. Talagang tanggap mo kahit pera lang ang habol sa 'yo?"
Mas sumama ang tingin ko sa kaniya sa mga sinabi niya. Since when he cared for me? Sa alaala ko ay isa siya sa hindi ako kinakausap at pinapansin sa school.
"Are you that desperate to have a friend, Pristine? Hindi ka ba mabubuhay ng walang kaibigan?"
I was hurt by his words. Ngayon ang magandang mood ko ay nasira na.
"Yes. I am that desperate," sagot ko sa kaniya.
"Pristine--"
"Kahit ipaliwanag ko sa 'yo ay hindi mo 'yon maiintindihan because you grew up being with a lot of friends around you, supporting you. Ako ay ngayon lang, at nag-iisa lang, Sebastian. Can't you see how happy I am? Narinig mo rin kung paano ko kausapin ang mga kaklase natin kanina, that I am trying to explain na hindi ako katulad ng lolo but you told me it's enough like you are siding them eh ni hindi pa nga ako nakakapagsimula halos."
Nakita ko na napasapo siya sa kaniyang noo at napailing.
"That's not what I mean when I said that."
"Then, what? Saka bakit mo ba ako kinakausap?"
"It's because I am warning you about your new friend--"
"Mabait si Esther! Saka, ano ba ang pakialam mo?" naiinis nang sabi ko. Ang sama-sama na ng tingin ko sa kaniya.
But the arrogant Sebastian just smirked and shook his head while looking at me.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...