PristineI was lying in bed, smiling as I stared at the ceiling. I was reminiscing about what happened earlier in my room, ang naging pag-uusap namin ni Elijah at kung ano ang mga nangyari sa pagitan namin. Hindi nga ako nagkamali noon sa pakiramdam ko, that what he's doing for me isn't just because he is my bodyguard and he's only doing his job.
Hindi lang rin pala niya napagtanto sa sarili niya 'yon.
"It was love at first sight, Pristine..."
"And he even said I love you... twice."
I squealed and buried my face on my pillow. I can't look at him the same way before, kanina ay iba na ang pakiramdam ko and I'm afraid I might not stop myself from showing my feelings for the next days. At si Eli, he's not that scared to be so close to me dahil kahit sa labas kanina ay malapit siya sa akin at nakakapit.
"He even kissed me in his car, nakabukas ang pinto non."
Sigurado naman ako na walang nakakita, pero alam ni Kio ang nangyari dahil nang isarado ko ang pinto ng sasakyan ni Elijah ay ang lawak ng ngiti niya sa akin. Gumalaw-galaw pa ng sabay ang mga kilay na parang sinabing, 'Alam ko kung ano ginawa ninyo'. Inilingan ko na lang siya kanina.
Mabuti na lang talaga at hindi siya tinamaan ng bala, kasi mukhang seryoso si Elijah sa pagbaril sa kaniya, eh. Nakaiwas lang talaga siya.
Bumangon ako at inabot ang cellphone ko na nasa gilid ko lang rin. Ngayon ay inaantay ko na lang silang dalawa. Eli sent me already a message. Kakausapin lang daw nila ang boss nila at pagkatapos ay uuwi na. Panatag naman na ako, siguro dahil na rin sa pag-uusap namin bago siya umalis--at sa pagsasabi niya na mahal niya ako. Sa isip ko ay mas may panghahawakan na kami pareho ngayon, para hindi na lang basta mawala ang presensiya ng isa't-isa.
Alam ko naman na hindi rin basta papayag si Elijah na magkalayo kami. Pero kailangan pa rin namin na mag-ingat. We're not in a secret relationship. Hindi rin ikatutuwa ng lolo kung malalaman niya ito at baka kung ano ang gawin niya kay Eli.
Nawala bigla ang tuwa ko at napalitan ng kaba.
"Don't worry, Pristine. Ang sa ngayon muna ang isipin mo, kung gaano kayo kasaya, huwag muna ang bukas."
Tumayo ako at naglakad palabas. Hindi ko na hinintay pa na may umakyat na kasambahay para tawagin ako upang mag-dinner. Nang mapansin ko kasi ang oras ay alam ko na may aakyat na sa silid ko para tawagin ako. Nang makababa na ako hagdan at tumungo sa dining room ay wala pa ang papa.
"Ma'am Pristine," bati sa akin ng mga kasambahay na nagpapasok ng pagkain.
"Kung ang hinahanap ninyo po ay ang Sir Pierre nasa lanai po ito."
Anong ginagawa pa roon ng papa? Nabanggit ko rin sa kaniya kanina na sabay kaming maghahapunan, eh. O balak niya na doon? Pero ang mga kasamabahay naman ay dito sa dining room nagpapasok ng mga pagkain.
"Doon daw pa nais ng papa kumain?" tanong ko.
"Hindi po, babalik rin daw po dito, Ma'am Pristine. Kasama lang po si Sir Sebastian, mag-uusap lang daw po sandali."
What? Narito si Sebastian?
Tumango ako sa kasambahay kaya pumasok na ito sa loob at nag-asikaso ng mga pagkain. Samantalang ako naman ay naglakad patungo sa Lanai. Sa maghapon na 'to ay hindi ko nakita si Sebastian, wala rin akong narinig sa kaniya, then he's here? Inaalam ba niya kung ano ang nangyari sa university?
"She's okay. So, don't worry. Pabababain ko na rin para masabayan tayo sa pagkain--oh," rinig ko 'yon na sinabi ng papa pero napatigil rin siya dahil napansin na niya ako na palapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...