Chapter 67

84 1 0
                                    

"You don't have to apologize to me if that's the reason you're looking at me like that, Pristine."

Napalabi ako nang marinig ang malamig na boses ni Sebastian. He knows. Paano ay kahit nang makalabas na si Professor Alonza pagkatapos magbigay ng tatlong pangalan ng mga local business ang bawat grupo ay napatingin pa rin ako sa kaniya. Sandali lang pero nahuli niya 'yon kaagad.

"Sorry," sagot ko pa rin. Lalo at alam naman na niya ang intensyon ng tingin na ibinibigay ko. Napayuko pa ako ng bahagya at ang mga daliri ko ay naglaro sa dulo ng necktie ng uniform ko. Nang marinig ko ang marahas niyang pagbunga ng hangin ay saka muling umangat ang pansin ko sa kaniya.

"Anyare sa inyo?" tanong naman ni Esther, pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Sebastian. Muli akong nagpakawala ng buntong hininga ako at hinawakan siya sa braso.

"Kasalanan ko, nasaktan ko kasi siya kahapon. Hindi ko naman rin sinasadya," sandali kong binalingan ito at bumalik rin kay Esther na salubong ang mga kilay, hindi nauunawaan ang nangyayari.

"Bakit ano ba ang nangyari kagabi? Iyong tungkol sa nangyari sa ang ikinagalit nitong si Sebastian?"

Tumango ako at magsasalita na sana nang maunahan ni Sebastian.

"Pristine," tawag niya, may pagbabawal sa tono ng boses niya. Parang ayaw niyang magsalita pa ako tungkol sa nangyari kagabi pero hindi ko mapigilan. Guilty talaga ako at ayoko naman na hindi rin kami magpasinan ngayon lalo at mag group project kami.

"Galit ka at nakagawa ako ng mali dahil sa sinabi ko kaya normal lang na humingi ako ng tawad. Alam ko rin naman na minsan insensitive ako kaya nga nagso-sorry ako."

"And I said, it's okay. Na hindi mo na kailangan mag-sorry," parang nakukulitan na siya sa itsura ng mukha niya. Tumango na lang rin ako dahil ayoko nang pahabain pa. Ang mahalaga naman alam niya na hindi ko intensyon na saktan ang kalooban niya.

"Thank you you for worrying about me, Sebastian," pagkasabi ko non ay nakita ko naman na napaawang ang mga labi niya at mabilis siyang tumalikod. He also scratched the back of his head.

"Uy, nag-blush ka, Ynares!"  Esther then teased him because his ears are now red. Hinila ko na lang rin si Esther nang balingan siya ni Sebastian at samaan ng tingin. Pagkatapos ay diretso ito na lumabas ng silid namin.

May vacant time kasi kami ng one hour.

Now, I feel good about apologizing to him. I smiled at that and placed my hand over my chest. If possible, I'd like for us to be friends, but that might be difficult given my situation with Sebastian, especially since I know he has feelings for me.

Kailangan ko rin mag-ingat lalo sa mga bibitawan ko na salita sa kaniya, kailangan ko isipin ng ilang beses. Ayoko itong masaktan at ayokong maging unfair kay Elijah sa pagiging malapit ko pa rin dito kay Sebastian.

"Nakakaawa rin talaga siya, eh. Kaso ito ang nakatadhana mangyari, iba ang iyong iniibig kaya magmove on na lang siya," sabi naman ni Esther habang nakatingin pa rin sa pinto.

"Huwag mo na rin siyang inaasar," sambit ko naman sa kaniya na ikinailing niya sa akin.

"Huy, hindi pang-aasar 'yon. Nakita mo nagblush talaga siya! Saka, minsan nga naaawa ako diyan kay Sebastian, sabi ko sa kaniya rin nung nakaraan ay ang bagal-bagal niya kasi. Kung noon pa siya nagtapat 'di sana baka may pag-asa pa siya sa 'yo. Alam mo ba ang ginawa? Sinamaan ako ng tingin, binigyan ako ng one thousand peso, bumili na lang raw ako ng pagkain kaysa dumaldal ng dumaldal."

Sinundan 'yon ni Esther ng pagtawa, pumalakpak pa siya dahil sa tuwa niya. Ako naman ay nag-ayos ng mga gamit. Nahuli ko pa na sumilip si Kio sa pinto at kumaway sa gawi ko.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon