Chapter 7

285 9 0
                                    




Pagkarating namin sa university ay kinausap ko muli si Elijah tungkol sa suhuestyon ng papa kanina na umuwi na muna siya sa mansion. It's only a thiry-minute drive at mabo-bored lang siya sa labas habang nasa loob ng sasakyan. But he still insisted to stay.

Wala na rin akong nagawa dahil halos sampung minuto ko rin siyang pinipilit. Now that I am inside of our classroom, luckily, ako ulit ang unang estudyante. Kaya naman inilabas ko muna ang cellphone ko at kinulit ulit si Elijah na umuwi muna.

"No, princess."

Napanguso ako dahil iisa lang ang sagot niya sa haba ng mga paliwanag ko. He has my schedule, he's aware how long he will stay outside. Saka, it's not safe, eh. Ano 'yon? Buong maghapon nasa loob lang siya ng kotse?

Sumuko na lang rin ako. Nagtype ako ulit ng mensahe at sinabi ko na may one hour pa ako na walang klase after lunch break. Inilagay ko doon na sabay kami na kumain.

Usually, I eat alone at the cafeteria. May spot ako doon, sa tabi ng bintana na hindi inuupuan ng mga schoolmates ko. It was labeled as the 'princess's seat' na walang kahit sino ang nagtataka, at kapag mayroon man tulad ng nasaksihan ko last week, binabawal agad ng mga estudyante at sinasabi na pagmamay-ari ko 'yon.

I never said that it was mine all along.

Kahit sa library ay ganoon. May pwesto, a whole table actually. There was no one using it except me. Nang tanungin ko naman ang student assistant na duty ay nakita ko ang takot dito habang sinasabi na walang nauupo dahil pinagbawalan ko raw.

Before I told her that it's fine, at wala akong sinasabi na ganoon ay mabilis na itong tumalikod at umalis.

Napabuntong hininga na lang ako non.

"Okay. What food do you want? Bibili ako."

Napangiti ako sa sagot ni Elijah. Pero hindi na ako nakapag-reply doon nang marinig ko ang ingay ng yabag ng mga kaklase na papasok na. I turn off my phone and put it inside of my bag. Mabilis rin ako na lumingon sa labas ng bintana habang nakatingin sa mga estudyante na nagmamadali dahil mahuhuli na sa first subject nila.

Why am I pretending like I didn't notice mu classmates willl arrive?

Should I try again? Like... greeting them good morning?

I swallow hard and place my hands in my lap. Pagkalingon ko sa mga kaklase ko na kapapasok lang, a group of girls to be exact, I tried to greet them. Napansin ako ng isa na nakatingin sa kanila. And the way her eyes turned away so quickly made me press my lips together. Naitikom ko na lang ang bibig ko at napatango sa sarili ko.

Maybe I should stop trying.

Unti-unti nang dumating ang mga kaklase ko hanggang sa mapuno na ang buong room. The professor then arrived at 6:55 am. She started setting up her projector for the morning discussion after checking our attendance.

"By the way, class. Tomorrow is the opening assembly. Attendance is a must, okay? Nasabi na ba ng ibang professors ninyo ang oras?"

All of my classmates, including me, answered no. Pero alam ko naman na umaga 'yon palagi nagaganap. At lahat ng mga kurso ay uma-attend doon.

"Ako pa lang ata ang unang nagbanggit tungkol dito. Bukas, 8:00 am sa gymnasium. You don't need to bring anything. Pwede ninyo na iwan ang mga gamit dito sa classroom at pumunta sa gym but don't forget to bring important things."

Sumagot muli kami sabay-sabay ng, 'Yes, ma'am.' Nang magsimula na mag-discuss si Prof. Llanes ay binuksan ko ang aking bag. I took out my ballpen and notebook and began noting down the important parts of today's topic as it started to flash on the screen.

"Okay, short quiz tayo kung may naalala kayo sa discussion today."

Umangal ang mga ka-klase ko doon, they're not expecting a surprise quiz--who would? It's a surprise. Naglabas na lang ako ng 1/4 sheet of yellow paper after I heard Ma'am Llanes' instructions. But before she proceed with her questions, someone knocked on the door. Lahat kami ay napatingin doon.

Binuksan naman ni Prof. Llanes ang pinto, and when I saw who was outside, my jaw dropped.

Elijah!

Sa pwesto ko agad dumiretso ang tingin niya at hindi man lang bumati sa prof ko! W-Wait, bakit pala nandito siya?

"Mr. Marasigan, si Pristine ba?" nakangiting tanong ni Ma'am Llanes. And Elijah only answered with a nod.

Napalunok ako at hindi na naghintay na tawagin pa ako ng professor namin dahil tumayo na ako kaagad. I walked and used the back door. My classmates' eyes weren't looking at me, but I knew their ears were very attentive.

Gosh. I don't like this kind of situation. Baka ngayon ang nasa isip nila ay naabala ang klase namin ng dahil sa akin.

"Okay, class. May time pa kayo ngayon para magbasa at review while we are waiting for Pristine."

Pero nang marinig ko naman ang positive response ng mga kaklase ko bago ako makalabas ng classroom ay kahit papaano napanatag ang loob ko.

"Eli," as soon as I stepped out of the room, Elijah was already standing near at the back door. Magkaharap na kaagad kami pero hinila ko pa siya at lumayo kami kung saan walang mga estudyante na makakakita.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko dahil hindi naman siya basta-basta pumupunta sa klase ko. Only if it's emergency. Saka ngayon lang ito nangyari kaya nabigla rin talaga ako.

"I don't have much time, Eli. May quiz kami," sabi ko pa. Mabilis naman rin siya na sumagot.

"You didn't reply, princess."

At napatitig na lang ako sa kaniya sa narinig ko.

"I-Iyon lang?"

He nodded that made me closed my eyes firmly. Napahawak rin ako sa noo ko.

"My classmates entered the classroom kaya itinago ko na ang cellphone ko. I also tried to get a chance to greet them, pero hindi ko naman nagawa. Nawala na rin sa isip ko magreply dahil dumating na lahat ng mga kaklase ko at ang prof," napabuntong hininga ako.

Did I make him worry?

"I'm sorry for leaving your last message unanswered."

Elijah nodded again and patted my head.

"What food do you want, then? I'll buy."

Pag-ulit niya sa tanong niya kanina na hindi ko nareplyan. Napangiti na lang ako at napailing. Sinabi ko sa kaniya ang mga pagkain. At pagkatapos non ay nagpaalam na rin ako dahil nga may short quiz kami.

Nang makabalik ako sa loob ng classroom ay nagbigay pa ng limang minuto si Ma'am Llanes para magreview kami ng mga kaklase ko. Pero ako? Sa limang minuto na 'yon ay si Elijah pa rin ang nasa isipan ko. Lalo nang sandali ko na tingnan ang cellphone ko at mabasa ang mensahe niya.

"Call me if you feel alone. I don't mind being a seat-in, princess."

I bit my lower lip, trying my best not to smile. Talaga lang, Eli?

But is he worrying about me that much? He even came here to check on me.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon