Huminga ako ng malalim at pinalis ang luha na nahulog sa magkabilang pisngi ko at nang muling may nalaglag na luha ay napatingin ako sa iniaabot ni Kio sa akin. Tissue. Ngumiti ako at kinuha 'yon."Thank you."
"Mukhang mahilig kayo sa mga bata, ma'am."
"I just remember a memory of my mother helping a kid in the street. At mukhang mapapadalas na gawin ko ito. I feels good to help. Lalo na ang makita ang ngiti at marinig ang pasasalamat nila."
I looked at him in the mirror. Tumango si Kio at nang mapansin ko ang pagkislap ng mga mata at makita ang ibang emosyon doon ay napatagal ang tingin ko sa salamin.
"You don't want to answer questions about Eli, but maybe you could answer questions if it's about yourself."
Pagkarating namin sa university at nang pagbuksan niya ako ng pinto ay sinabi ko 'yon sa kaniya. Nakita ko sa mukha niya na nabigla siya and he looked like he didn't expect what I said.
"Okay lang, ma'am. Wala naman masyadong interesting sa buhay ko," sagot niya.
"What's your full name?"
Mukhang hindi niya inaasahan na magtatanong na ako kaagad.
"Jin Arkie Alesandrino, ma'am."
Tumango ako pero nagsalubong rin agad ang mga kilay ko nang sandali na tumingin ako sa kaniy dahil hindi ko narinig doon ang, 'Kio'.
"Nasaan doon ang pangalan mo?"
Napangiti naman siya at kumamot sa batok. "Nickname ko lang talaga 'yon, Ma'am. May kakambal kasi ako Jio ang pangalan eh dahil sabi ko nung mga bata kami gusto ko magkatunog kaya siya mismo ang nagbansag sa akin ng Kio. Ayun dun na nagsimula."
Weird.
"So, may kakambal ka pala. Identical?"
"Hindi, ma'am."
"Where is he now?"
Matagal siya na hindi sumagot na ikinpinagtaka ko at nang tumingin siya sa langit ay humingi ako agad ng paumanhin.
"I'm sorry. I shouldn't have ask about your twin. Siguradong masakit ang mawalan ng kakam--"
"Ay, hindi, ma'am. Buhay pa 'yon. Palagi lang rin hinahabol ni kamatayan sa trabaho. Nasa Sicily siya part rin ng isang special organization. Madalang umuwi dito sa Pilipinas pero goods naman kami."
Napaawang ang mga labi ko at napatango. Marami na rin siya na naisagot. Buti na lang rin siya iyong tipo ng tao na kapag tinanong mo may follow up na kuwento.
"I'm sorry. Akala ko wala na. Tumingala ka kasi, eh."
Natawa naman siya. "Hindi siya pwedeng mamatay dahil ako ang papatay sa kaniya."
W-What?
"Joke! Ang seryoso mo naman, Ma'am Pristine!"
Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Habang naglalakad kami ay pansin ko ang tingin ng mga estudyante sa amin. Siguro dahil kay Kio, palagi kasi si Elijah ang kasama ko at ngayon ay bagong bodyguard ang nagbabantay sa akin.
"May mga questions ka pa, ma'am?"
Nag-isip ako. Malapit na rin naman ako sa classroom.
"Maybe, later? Mag-iisip ako."
"Baka naman umabot ng one hundred?"
Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa loob ng bag ko. Kinuha ko 'yon habang naglalakad. Nang tingnan ko kung sino ang nagmensahe ay nakita ko na si Eli 'yon.
I'll be back after three days, princess.
Napangiti ako. Kapag sinabi ni Elijah, hindi pweedeng hindi 'yon masusunod.
Pero dahil inis pa ako sa kaniya ay hindi ko sinagot. May isa pa siyang mensahe na ipinadala at mas ikinangiti ko 'yon.
"Are you mad at me? Ayokong nagagalit ka sa akin, Pristine."
"Nakausap ko na si Sancho. He is my friend. May iba nang in-charge dito sa Karmona para sa pamilya niya kaya babalik na ako. But after three days, princess."
Now he's telling me his business. Binanggit pa ang pangalan ng kaibigan niya.
"Pristine."
Sinupil ko ang malawak na ngiti na kumakawala sa mga labi ko.
Bakit pakiramdam ko ay hindi siya mapakali ngayon kaya sunod-sunod ang pagpapadala niya ng message?
At dahil nagugustuhan ko ang ginagawa ni Eli ay hindi pa rin ako nag-reply. Ibinalik ko sa loob ng bag ang cellphone at nang mapansin na malapit na kami sa classroom ay huminto ako.
"I'll message you if my classes are done. Pero mamayang 12:00-1:30 pm ay nasa cafeteria ako at maglalunch. Pwede ka na pumunta doon pero okay lang kahit hindi."
"Ahh, pupunta, ma'am. Basta po andon na ako ng 11:50 am. Kabilin-bilinan rin kasi ni Elijah na kung hindi ka kakakain ay pilitin daw kita--"
"As if naman na mapipilit mo ako," pagpuputol ko sa kaniya. Napakamot ulit siya sa batok--mannerism?
"Iyon nga po, hehe."
Tumingin ako sa dulong bahagi ng hallway nang makita na may mga kaklase na akong parating. Tumingin akong muli kay Kio.
"I'll ask questions again later."
"Ay akala ko tapos na," sabi naman niya. Umiling ako at ngumiti. I'll try to ask about Eli again. Baka mapilit ko siya mamaya.
"Just so I can be comfortable with you."
Iyon rin naman ang totoo. Pero magaan ang loob ko kay Kio, he's also talkative. Pakiramdam ko nga ay kung mag-usap na kami ay parang ilang araw na siyang nagbabantay sa akin.
"Hindi ka pa ba kumportable, ma'am? Grabe na yung pang-aasar mo kanina. Paran sadya mo nga 'yon, eh."
"No," naiiling na sagot ko.
Anong sadya? Iyong paghahanap ko sa kaniya? Nakakatuwa siya sa parte na 'yon. Ang bilis talaga. Bigla siyang nawala, eh.
"No daw. Alam ko naman kasi ma'am na cute ako pero sana hindi mo na sinabi. Sa isip-isip na lang ba. Narinig pa tuloy ni Elijah tiyak magseselos 'yon."
Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Kahit pa mahina ay rinig na rinig ko.
"M-Magseselos? No. Why would he."
"Ah, kasi, close na tayo agad? Sinabihan mo na ba siya kasi ng cute?"
Umiling ako. Pero in my mind, I always praise him. How handsome he is, how smart, at hindi bagay kay Elijah ang salitang cute.
Kio snap his fingers in the air.
"Oh, 'yon!"
"But why magselos?" nagtataka ko pa rin na tanong.
"Ah, mali pala ako ng term. Maiinggit pala hindi magseselos. Baka mainggit siya kasi ako sinabihan mo ng cute siya ay hindi pa. Pero nauunawaan kita, Ma'am Pristine. Cute talaga ako. Marami nga ang nagsasabi na baby face raw ako. Parang nasa twenty lang ang age ko."
I shook my head and just went inside without Kio noticing. He was still outside, talking while looking up.
Nang makapasok ako sa loob ng classroom ay naupo ako at napatingin sa labas ng bintana.
Siguro nga pwede na baka nainggit lang si Eli kaya ganoon rin ang mga sinabi niya kanina at gusto niya pa na umalis si Kio.
Pero ang magselos? Imposible.
I am just a little sister. Nothing more.
Nakatatak na 'yon sa isipan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...