Araw-araw ay umaasa ako na magkakaroon ako ng interaction sa mga kaklase ko. Iyong kahit normal na pag-uusap tungkol sa subject. At habang nakatingin ako sa kanila ngayon at pinapanood sila dahil may thirty minutes break time kami ay hindi ko talaga maiwasan na hindi mainggit.Usually, kapag ganito na may libreng oras o wala pa ang professor ay nagbabasa-basa ako ng mga notes pero sila ay nagkukwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay. Kung saan silang bansa nagbakasyon, o kung ano ang mga bagong gamit na mayroon sila at saan nabili.
I also want to experience that with them. Sharing a few things about myself. At nakakalungkot lang, na ang mga ganoon kasimple at kaliit na bagay ang hangad ko sa araw-araw pero hindi ko pa nakukuha.
"Male-late daw si Ma'am Jaz. May meeting sila pero may ipinapagawa nang activity sa book, sa page 12."
Narinig ko ang pag-angal ulit ng mga kaklase ko. Parang kanina lang nang may surprise quiz kami.
Bumalik sila sa kani-kanilang mga upuan.
"Wala pa akong book. Paano daw yung mga wala pang libro ng Principle of Accounting?"
Nakikinig ako habang nakatingin sa libro ko na kakukuha ko lang sa ilalim ng aking desk. Binuklat ko agad 'yon sa page 12. At nang maglalagay na ako ng pangalan at magsasagot na ay napatigil ako nang marinig ko naman ang isang kaklase ko.
"Photocopy na lang daw sabi ni Ma'am. Pero ngayon lang daw at sa susunod ay bawal na."
"Kakasabi lang kasi ng libro na kailangan bilhin nitong nakaraan, eh. Hindi ko alam na gagamitin na ngayon."
"Ako may pambili naman na kaso malayo ang bookstore dito sa kabilang building pa."
"Iyon nga."
I press my lips together. Sa mga narinig ko at reklamo nila at sa nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ay mukhang ako pa lang ang may libro sa aming lahat.
Napahinga ako ng malalim at isinarado ang libro ko. My female classmate who was not far from my position immediately looked when I closed my book.
Nagkatinginan sila ng katabi niya at may ibinulong siya na sigurado kong sinabi niya na may libro ako.
"Paano? Sabihin natin kay Ma'am Jaz na walang may libro?"
"Eh, ganoon na nga lang."
Nanatili silang tahimik, at nang lalabas na ang isang kaklase ko para sabihin sa prof namin na wala pang may libro ay tumayo naman ako na ikinatingin ng lahat sa akin.
"Y-You can borrow mine..."
"May l-libro na ako at hindi ko pa naman nasusulatan ng pangalan ang ipinapagawa."
And I thought it was a friendly move, that they would be happy with what I said. But I was wrong.
"Just tell Prof Jaz na wala pang nakakabili ng libro, Mika. Para wala rin tayong gawin habang naghihintay sa kaniya," sabi naman ng nasa likod ko na lalake. Halatang nawalan ng gana sa pago-offer ko.
Napaupo ako ng dahan-dahan. Pakiramdam ko ay napahiya ako. I felt my hands started to become cold.
"S-Sige. Iyon na lang ang sasabihin ko," sagot ng kaklase namin at lumabas na.
When I felt their eyes on me, I know what they want me to do.
I took my book and brought it back to my bag. Now, it wasn't just my hands that were getting cold, but my whole body. I aslo feel like I was about to cry too, but I stopped myself because I didn't want them to see me cry over something so small.
Pero sana... maramdaman naman nila na hindi ako masamang tao. I am trying to reach them. I-I was trying to be friend with them.
Aasa pa ba talaga ako?
Tahimik lang ako at halos nakayuko sa buong klase nang dumating ang prof namin. Hindi rin nakaligtas ang mga kaklase ko sa activity dahil pagkadating nito ay ipinaphotocopy ang ipinapagawa at ibinigay sa amin para sagutan.
Nang dimissal na at maiwan ako na mag-isa pati na si Ma'am Jaz ay nabigla ako nang tinawag ako nito. She's smiling at me, but still I am nervous.
"Pristine, hija, I know you have a book. Nakita kita na nag-claim ng mga libro mo. Alam ko na kumpleto ka na so why didn't you let your classmate borrow yours?"
My heart ached because of the question. I did. I asked them but they chose to lie that no one has a book. Pero ang lumabas lang sa mga labi ko ay paghingi ng pasensiya.
"I apologize, ma'am."
Kapag sinabi ko ang totoo, maaaring makarating 'yon sa mga kaklase ko. Mas lalala pa dahil baka mapagsabihan sila ng Ma'am Jaz. Ayoko naman na ganoon ang mangyari. Mas lalong wala nang gugustuhin na maging kaibigan ako.
Tipid na ngiti ang ibinigay nito sa akin at pagkatapos ay iniharap sa akin ang mga papel na sinagutan kanina.
"You got a perfect score. Can you help me with these? Pakibigay bukas sa mga kaklase mo."
"P-Po?"
It's a simple task but a hard one for me.
"I- I mean. Sige po."
Pero sa kabila ng kaba at pag-iisip ng magiging reaksyon ng mga kaklase ko ay tinanggap ko pa rin 'yon. It's not good to decline a professor's request. Maliit na bagay lamang ito.
Pagkakuha ko ng mga activity papers ay maingat ko 'yon na inilagay sa loob ng bag ko. I was so careful para hindi malukot.
Nagpaalam na rin ako kay Ma'am Jaz at pumunta sa cafeteria. At nasa pinto pa nga lang ako ay natanaw ko na agad si Elijah. I smiled after seeing him.
Ang dami ng mga estudyante pero nakita ko siya agad.
He's not that hard to find in the midst of the crowd. Kahit nasa gitna siya ng maraming tao ay nangingibabaw siya. Maybe because he's also tall? and he's not wearing our unifrom? Napangiti ako sa isipan ko. I suddenly imagine Eli wearing the boy's uniform.
I walked closer to him. Nang makalapit ako ay napatingin naman siya sa likod ko at mabilis ako na iginilid when a group of men was about to walk behind me. Medyo malayo naman.
"Kanina ka pa?" tanong ko nang makaupo na kami.
Still in the same table.
"Naghintay ka ng matagal?" Dagdag tanong ko pa.
I noticed the paperbag of a famous restaurant. Nang buksan 'yon ni Elijah ay naamoy ko agad ang laman. Bigla akong nagutom.
"Ten minutes before you arrived, princess."
Sabi niya sa mensahe ay pupuntahan niya ako sa room, pero ang sagot ko ay huwag na dahil malapit naman na rin siya sa cafeteria.
"You can go home after eating lunch with me, Eli. Baka rin pala abutin ako ng 6:00 pm dahil may kakailanganin akong mga libro. Hahanapin ko pa sa library."
Tumingin siya sa akin sandali habang inaayos niya ang pagkain namin na dalawa. Nang mailabas na niya ang mga 'yon lahat ay iniabot niya sa akin ang kutsara at tinidor. I noticed some students looking at us. Especially girls. Nagbubulungan ang iba at ang iba naman ay nakangiti, kinikilig habang nakatingin kay Elijah.
Napasimangot ako.
"I'll wait for you."
And I frowned even more because of what I heard. I really don't want Elijah around anymore not because I can't have friends but because girls in this university are ogling at him. Last week, I even witnessed a 4th-year college student confessing to him.
"Sa labas ulit?"
"No. I'll come with you--"
"H-Huwag na. Kung hindi ka babalik sa mansion ay doon na lang sa labas."
Dahil tiyak na darami ang tao sa library kapag naroon siya. Hindi naman sa hindi ko gusto na maraming naroon, kung hindi sa ideya na they're at the library because of Elijah.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...