"You see that man outside earlier wearing a suit? Ang cute. The snake tattoo on his neck caught my attention.""Napansin ko rin 'yon! I love man with inks. But by the way, he was talking to Pristine. Is he her new bodyguard?"
"Mukha ngang bagong bodyguard. Nakita ko na lumabas sila sa kotse ng magkasama, eh."
"Oh. Bad. I like the cold one."
Each whisper was accomapnied by glances. Pansin ko 'yon sa gilid ng mga mata ko habang nagte-take down ako ng notes sa magiging discussion ngayon sa financial accounting.
"I like the other one too. Baka natapos na kasi ang contract?"
"Maybe?"
Ma'am Melendez hasn't arrived yet. Kaya naman may oras pa na mag-usap ang mga kaklase ko. And they're not quiet about their topic. Nahulaan ko naman nang mapag-uusapan ako at si Kio na bago sa paningin nila, pero ayos lang sa akin. As if they skip a day talking about my life.
"Baka marinig kayo."
Alam nila sigurado na naririnig ko rin sila. Their voices were a little loud enough for me and the people at the back to hear their conversation.
Ang sa akin lang, are they still afraid of me? Kasi kung takot sila talaga hindi naman nila ako pag-uusapan ng ganito palagi. Mag-iisang buwan na ako pero hindi pa rin ako nagkakaroon kahit isang kaibigan. Wala pa rin kumakausap sa akin na kaklase ko na tumatagal kahit isang minuto lang.
But they're still curious about my life. Iyon nga lang, ayaw talaga nila akong maging kaibigan.
"May nangyari kasi ata. Baka iyon ang reason bakit wala na yung isang bodyguard?"
"I think so. I heard something bad happened. May nakaaway naman ngayon na politician ang lolo ni Pristine."
That caught my attention. Naihinto ko ang pagsusulat at bumaling ako sa mga nag-uusap. Hindi naman sila huminto dahil hindi rin nila napansin na napatingin na ako sa kanila.
"Narinig ko rin! It's Mayor Flordero from Nueva Ecija. I heard from my father that it's about buying thousands of hectares of land. Ang plano ng lolo ni Pristine ay gawin itong quarry."
"Nag-agawan sa lupa?"
"Tinriple ni Halyago Vera Esperanza ang presyo. Eh, Mayor Flordero's purpose for buying the land in Gabaldon was for the people there kasi nagkalandslide at nawalan ng mga tirahan ang mga tao, so he was looking for a safer place at nakakita naman nga. May usapan na nga daw ito at ang may-ari ng lupa, pero bigla itong nasulot ng matandang Vera Esperanza dahil of course, nothing cannot be solved by money. And now, the old man was targeted by a gunman just yesterday, and Mayor Flordero is being accused."
I didn't know about that! Wala rin sinabi si Dad na may nangyari sa lolo! Or hindi niya rin alam ang tungkol doon?
"What? Eh, sa kwento mo mukhang mabait yung mayor. Sa dami naman kasi ng kaaway ng matandang 'yon hindi na niya alam kung sino na ang nagpapapatay sa kaniya."
"Exactly! Now the mayor's life was in danger. Alam naman natin na hindi basta-basta nagpapalapampas ng ganoong pangyayari ang isang Vera Esperanza."
My ears are actively listening to my classmates.
"At kung ayaw ninyong mawalan kayo ng mga tainga ay tigilan ninyo na ang pag-uusap sa kanila."
Napalingon ako kaagad nang marinig 'yon. My lips parted, my heart clenched while trying to speak to them. Nang mapatingin naman sila sa akin ay nakita ko pa ang pagsinghap at pagyuko ng dalawa.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...