Chapter 72

139 2 0
                                    

I couldn't contain my happiness. Even when we weren't talking about my papa's gift for me anymore, my mind was still on it. Ang nag-uusap na kasi ngayon ay siya at si Eli. And even though there are almost two months left to wait, I already want to start making a list of things I want to do with Elijah.

I am so happy and I didn't expect that papa would still let Elijah to go with me. Pero sabi nga niya, pinagkakatiwalaan pa rin niya ito.

We both know that Eli did a great job in guarding me, kaya kahit sobra na ang pagpapakita ng lolo ng pagkadisgusto dito ay alam ko naman na hindi basta-basta aalisin ni papa ito na bodyguard ko.

"I already talk to Kamila. Nagkausap kami ng personal at siya rin mismo ang nagsabi sa akin ng iba pang detalye kung ano ang nangyari sa may gawa ng sunog. Wala tayong magagawa kung tinapos nito ang sarili. Siguro nga ay alam rin nito na kung makatakas man, o ikulong ninyo ay patatahimikin pa rin ng kung sino man ang nag-utos dito."

Tahimik lamang si Elijah habang nagsasalita ang aking ama. Ngayon ay nakaupo naman siya sa tabi ko, pero mayroon naman distansya.

At alam ko na hanggang ngayon, nasa isip pa rin niya ang nangyaring sunog sa university.

"Wala naman may gusto na maiwan ang anak ko kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo. I heard from Kamila that you are blaming yourself. Huwag ka rin mag-alala, hindi ako magdedesisyon basta-basta para alisin ka dahil nakita ko naman kung gaano mo rin pinanatili ang kaligtasan ng anak ko."

I looked at my father. Nakangiti siya. Bawat salita ay ipinaparamdam niya kay Elijah na wala itong dapat na ikapag-alala. Siguro sa isip ng ama ko ay ang reputasyon ni Eli bilang bodyguard ang maaapektuhan lalo at ito ang pinakanangunguna sa listahan ng magagaling na bodyguards ng Regaloonte's security company.

Saka bukod doon, alam ako na alam ng papa na napalapit na sa akin si Elijah kaya tinutulungan niya ako na ipaliwanag rin dito. He told me before that he was happy for me, na nag-oopen ako kay Eli, na may nakakausap ako sa katauhan nito. At kahit kailan hindi ko naramdaman na binigyan ng papa ng ibang kahulugan ang closeness namin noon ni Elijah. Unlike other housemaids. Pero wala na ang mga kasambahay na 'yon mismo na pinagchichismisan kami.

I mean, totoo naman nga na may namamagitan na sa amin ni Eli pero noon na pinag-uusapan kami ay wala. I was very careful too when I noticed the way they look at us, may malisya eh kaya dumistansya rin ako noon.

Ngayon ay sinabi ni Kio na lahat ng tauhan dito sa mansion pati mga kasambahay ay galing sa company nila. Kaya huwag daw akong mag-alala.

Iyon rin kaya ang dahilan kung bakit parang hindi nag-aalala si Elijah na sobrang lapit namin minsan? Pero, kahit na! Ganoon ba siya kataas sa mga narito? Feeling ko tuloy kung paano siya galangin ni Kio at ng ibang mga tao nila ay parang siya naman ang may-ari ng Regalonte's Security Company.

"Thank you, Mr. Vera Esperanza," tipid na sagot lang ni Eli.

I am honestly nervous, and as someone who's never kept secrets from my father, it feels different now sitting in front of him with Elijah. Kasi siyempre, hindi niya alam kung ano ang mayroon kami. Kung ano ang... mga nangyari na sa likod niya.

I am sorry, papa. Hindi ko pa po pwedeng sabihin talaga.

Being in a secret relationship with my bodyguard gave me a mix of excitement and guilt. Pero kapag talaga okay na ang sitwasyon ay ipapaalam ko rin sa kaniya. Saka, gusto ko rin makuha ang opinyon ni Eli, dahil sa relasyon, hindi lang iisa ang dapat magdedesisyon.

You sound so mature saying that, Pristine!

Sinupil ko ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi ko.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon