Hindi ako nanatili sa ospital nang maghapon na 'yon dahil nakiusap rin ako kay papa na gusto ko nang umuwi. I told him I'd feel better at home. Sumang-ayon naman siya at hindi ako tinutulan kahit pa sinabi ng isang nurse kanina na hihintayin pa daw ang request para sa CT-Scan kasi nagrequest ang papa na ipa CT-Scan ako. Nag-alala kasi siya nang sabihin ko na muntik na akong mawalan ng malay pero nilinaw ko naman na hindi tumama ang ulo ko sa kahit anong matigas na bagay.And now we're back in the mansion, nakaalalay ang papa sa akin hanggang sa makarating kami ng silid ko. Nakakalakad naman ako. Wala rin akong paso dahil hindi naman ako inabot ng apoy kanina. Ang usok lang talaga ang nagpahirap sa akin dahil napuno na non halos ang comfort room.
"Papa, may jetlag ka pa po. Magpahinga ka po muna," sabi ko.
While we were at the car earlier, he fell asleep. Kita ko sa mukha niya at ramdam ko ang pagod na nararamdaman niya sa malayuan na byahe. I felt bad that this happened to me. Physically my father is tired, at nakaramdam pa siya ng sobrang pag-aalala nang malaman ang nangyari sa akin.
"I'm fine, anak. Ikaw? Kumusta ang nararamdaman mo? Sigurado ka na okay ka lang, ha? Hindi ka nahihilo? Wala kang ibang nararamdaman?"
Ngumiti ako ng malawak para makumbinsi siya. Nang lumapit ako ay inilapat ng papa ang palad niya sa ibabaw ng ulo ko at nang makita ko na nangingislap ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang mga luha ay napaawang ang mga labi ko.
"Pa..." I called him.
"I-It's just hard, Pristine. Parang ang gusto ko na lang ngayon mangyari ay manatili ka dito sa bahay, ako mismo ang magbantay sa 'yo para masiguro na ligtas ka. Para rin mapanatag ang kalooban ko."
I understand my father. Siguro ay napapagod na rin siya sa ganitong klase ng buhay namin. It's not even our fault why we're living in fear na baka isang araw, pinaglalamayan na lang kami pareho. Lolo Yago's enemies are targetting us, hindi naman talaga ang lolo, madalang. Kami ng papa--partikular ako dahil ipinapakita ni lolo sa mga tao na napakahalaga ko sa kaniya.
And that lie saved his life multiple times. His enemies thought that losing me would lead to his downfall. Na hindi kakayanin ng Lolo Yago.
Iyon ang isang malaking pagkakamali ng mga ito.
Ako at si papa, ramdam ko na mga kagamitan lang sa lolo para mapanatili ang yaman niya, ang kaligtasan niya. At kung maaari lang nga kaming tumakas... iwan siya ay sinuggest ko na 'yon sa papa pero alam ko...
"I'm sorry, anak."
Alam ko na hindi rin gustong iwan ng papa ang Lolo Yago. Kaya ganito na lang rin siya humingi ng tawad sa akin dahil alam niyang wala siyang magawa para mailayo ako dahil nakaluhod rin siya sa kaniyang ama. That no matter how cruel lolo is, papa still cares for him. Dahil ama niyya pa rin ito. Minamahal.
Itong pagpapanatili kay Elijah at Kio ang hinihiling ko na sana maging matigas siya hanggang dulo.
Kasi kahit na nakita ko sa mukha kanina ng Lolo Yago na ayaw na niyang makipagtalo sa amin, pakiramdam ko ay hindi pa rin siya titigil.
"Tawagan mo ako kung may maramdaman ka na kakaiba, anak. Papupuntahin ko rin dito ang isang kasambahay para ipagdala ka ng makakain kasi alam ko na hindi ka pa kumakain."
Tumango ako sa papa at yumakap muli sa kaniya. I caressed his back. Nang humiwalay siya sa akin ay hinaplos naman niya ang mukha ko.
"I miss your mother so much, Pristine. Until now, I am still thinking about her."
And what he said made my lips trembled. May parte ko ang natuwa. Hindi pa rin pala ng aking ama nakakalimutan k-kahit ilang taon nang wala ang mama sa piling namin. Hindi ko rin inaasahan dahil akala ko ay okay na siya dahil nga lumalabas sila ni Hallina. That woman was the first woman he brought into this house. At mukhang... ito na rin ang huli. Dahil hindi magsasalita ng ganito ang papa kung may relasyon pa rin sila ng babaeng 'yon.
Nang makaalis na ang papa ay isinarado ko na ang pinto ng silid ko. Then I hurriedly went to the sofa where my bag is. Kinuha ko agad doon ang cellphone ko at tiningnan kung may sagot ba si Elijah sa mga mensahe na ipinadala ko kanina.
I messaged him while we're on the way home. Hindi siya nagreply kaya si Kio ang minensahe ko at sumagot ito kaagad. Sabi ni Kio ay abala pa si Eli at may kausap na mga pulis. I bit my lower lip and type another message.
Me: Nasa bahay na ako. Kio said you're busy. Busy ka pa rin ba, Eli? Please reply.
Pagkasend ko non ay hindi ko inalisan ng tingin ang screen ng cellphone ko. I want to know how is he. Hindi ako mapanatag dahil sa nakita ko na galit sa kaniya kanina. But looking back to what happened, sa kung paano siya nakakasiguro na may gumawa non ay saka ko lang rin naalala na hindi nga bastang aksidente na sunog ang nangyari.
I heard footsteps inside before the fire started, and the smell of gas was overwhelming because it was poured all over the room. I should tell t his to him--
Bago ako muling makapagtipa ng mensahe ay napaangat ang tingin ko sa pinto nang biglang bumukas 'yon at ganoon na lang ang pagbaba ko ng cellphone sa gilid ko nang makita ko na si Elijah sa harapan ko.
"Princess..." his eyes went straight to me. Nang magtagpo ang mga mata namin ay nahuli ko ang paglunok niya at pagkuyom ng mga kamay. Na para bang pinipigilan niya pa ang sarili na lapita.
Does he still think that I don't want him to be near me? Even after what happened earlier?
I stood and walk toward him. Magkatinginan kami habang lumalapit ako sa kaniya. At nang matawid ko ang distansya namin na dalawa ay yumakap kaagad ako sa kaniya at ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya.
"Are you... okay?" he whispered. He's breathing heavily. Naghahabol pa rin siya ng paghinga tanda na nagmadali siya para makarating kaagad sa akin.
Pero imbis na sagutin ang tanong niya ay may ibang nasa isipan ko. Na hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kaniya.
"Eli..." I whispered his name after calling him, feeling his hands move from my back down to my waist.
"Yes, baby..." sagot niya na ikinangiti ko. I felt my stomach twisted when I heard that. Lalo na nang maramdaman ko ang muling pag-angat ng mga kamay niya at pagganti niya ng mahipit na yakap sa akin.
I felt like he already knew that I'm ready to hear his side...
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at mas ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya n. At nang umangat ang tingin ko at magsalubong muli ang mga mata namin ay saka ako muling nagsalita.
"Let's t-talk about us now... pag-usapan natin lahat."
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...