Napatingin ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nasa amin ang atensyon."H-Hello..." sagot ko agad.
She talked to me! And she's smiling! Her eyes even sparkle while looking at me.
"Seatmate tayo. Ano ang pangalan mo? Ang ganda mo naman. Artista ka ba? O anak ng artista? Ang puti-puti mo. Angel siguro pangalan mo?" Angel again. Naalala ko ang bata kanina.
But w-what... wait. A-Ano ang una kong sasagutin sa mga tanong niya?
Nang marinig ko naman ang pagtawa ni Ma'am Melendez ay sabay kami na napatingin dito ng bagong kaklase namin.
"Esther, nagugulat rin sa 'yo si Pristine, look at her facial expression. Take it easy. Mamaya ka na rin magtanong ng magtanong dahil magsisimula na ang klase natin."
"Ay, opo, Ma'am! Sorry po!" she said and did a peace sign.
The discussion started. Pero wala sa topic namin ang atensyon ko kung hindi nasa bagong namin na kaklase. She's looking at me! Nang lingunin ko ito ay nakangiti pa rin sa akin.
"May... kailangan ka ba?
"Anong name mo?"
Ohh. Nabanggit na ni Ma'am ang pangalan ko, hindi niya kaya narinig?
"Pristine Fe--"
Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita nang ilahad niya ang kamay niya sa akin. Inabot ko rin 'yon agad at siya na ang nagkilos sa mga kamay namin. Nang bitawan niya ako ay inilabas niya ang ID niya at ipinakita sa akin.
"Pristine. Hello. Ang ganda ng pangalan mo. Bagay sa 'yo! Ako, Esther. Esther Lee," she said.
Gusto ko sanang sabihin na narinig ko na 'yon nang magpakilala siya kanina pero hindi ko na tinuloy dahil baka mahiya siya.
"She's talking to her."
"Because she didn't know her. It's given, Dana. Ang mga hindi nakakakilala kay Pristine ang mga magkakaroon lang ng lakas ng loob maging kaibigan siya. Nakakaawa dahil hindi nila alam ang maaaring mangyari sa kanila."
When I was about to feel happy that someone was finally talking to me and smiling dearly, nawala ang saya na 'yon dahil sa mga narinig ko.
Tama. Hindi nga naman ako tatangkain na maging kaibigan ng isang tao na kilala kung sino ako.
When the class ended and it's lunch already, I sent a message to Kio. Sinabi ko na papunta na ako sa cafeteria. Nakatanggap naman ako agad sa kaniya ng sagot at sinabi na naroon na nga daw siya. He asked me what food I'd like to eat since ang pagkain ko nga dapat ngayong lunch ay ibinigay ko sa bata na nagtitinda ng sampaguita.
Nakita ko rin na may mga mensahe at tawag si Elijah. He knows by this time na nasa class pa ako. Mukhang mainit na ang ulo niya sa hindi ko pagre-reply dahil sa ilang missed calls na ito.
"Pristine, saan ka magla-lunch?"
Nang marinig ko naman ang boses na 'yon pati ang pangalan ko ay halos mahulog ang cellphone ko sa gulat. It was unexpected! And again, all of my classmates looked at us. Kahit iilan na lang ang natitira sa kwarto dahil nakalabas na ang iba ay ngayon nasa amin ang atensyon ng mga ito.
"Sa cafeteria."
Hindi niya ako kilala. Pero sa oras na malaman niya kung sino ako at anong klase ng pamilya mayroon ay lalayuan rin niya ako.
"Oh. Sabay na tayo?" malawak ang ngiti na tanong niya.
But, it is not bad... to eat lunch with her, right?
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...