"Boss! Tama na ang bebe time! Ipinapatawag na tayo sa headquarters! Kailangan ng report natin tungkol sa nangyari sa univeristy!"Ang bilis ng naging paglingon ko sa pinto nang marinig ang boses na 'yon ni Kio. I even covered my mouth because of what I heard from him. Nang bumalik ang tingin ko kay Elijah ay para naman walang siyang narinig. He's just looking at me. Hindi na nga siya kumukurap na parang pag ginawa niya 'yon ay mawawala ako sa paningin niya!
"S-Si Kio... aalis pala kayo, Eli," sabi ko sa kaniya. Nang hihiwalay na ako ay pinigilan naman niya ako sa baywang ko at niyakap lang ako ulit. I even heard him groaned. Napalingon naman ako muli sa pinto nang makarinig na ng pagkatok doon.
"Kinukulit na rin ako ni Ma'am Kamila. Pakiramdam ko nga alam niya ang pagkasira ng CCTV diyan sa kwarto ni Pristine. Akala ko ba pinutol mo na access niya? Hays. Bakit naman kasi binaril mo hindi mo na lang pina-off sa akin?"
Namilog ang mga mata ko. I felt my whole face burned. Naitakip kong muli ang mga kamay ko sa mukha ko. Nakakahiya! I-Ibig sabihin alam ni Kio kung ano ang ginawa namin ni Elijah. Because h-he was watching earlier! Or maybe that's the reason why Eli shot the CCTV?
"Pristine," tawag ni Elijah sa akin at sinubukan na alisin ang mga kamay ko sa mukha ko. Nang magawa niya 'yon ay napanguso ako sa kaniya.
"Sumama ka na muna kay Kio, ayoko rin naman na magduda sa atin ang boss ninyo. Baka mas lalo ka niyang alisin bilang bodyguard ko. We shouldn't waste the chance she gave to you."
Mukhang ang Ma'am Kamila ang pinakapinuno nila base na rin sa sinabi ni Kio.
"We'll go there later," tipid na sagot niya. Hinawi niya ang buhok ko. Wala pa rin siyang balak na bitawan ako dahil ang higpit pa rin ng kapit ng kamay niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala sa itsura niya na may balak na siyang umalis.
"Paano si Kio?" lingon ko sa pinto. At saka naman namin ulit narinig na nagsalita ito.
"Hay! Kahirap ba! Sinabi nang mamaya na ang bebe time at trabaho muna, eh!"
Napangiti na ako doon dahil nakikita ko sa isipan ko ang mukha ni Kio. Nang harapin ko ulit si Elijah ay salubong na ang mga kilay niya at iritado na ang mukha habang nakatingin sa pinto.
"Eli--"
At nang makita ko na itaas niya ang baril at itutok 'yon sa tapat ng pinto--kung nasaan si Kio ay napaawang ang mga labi ko.
"E-Elijah!" But it was too late because he already shot my door. O-Oh my gosh! Napatampal ako sa dibdib niya nang marinig ko ang mura ni Kio sa labas. Pero ikinabigla ko rin ang sigaw nito.
"Holy fckng sht! Buti nakaiwas ako! Pota!"
He knows Eli was going to shot him?
"W-Why did you do that? Eli, naman!" kinakabahan naman na tanong ko. He looked at me, nasa mukha niya pa rin ang pagkainis. He lifted me, iniupo na niya ako sa tabi niya. Inayos rin niya ang blouse ko na medyo bumaba sa balikat ko.
"He's loud. Naiinis ako sa kaniya at--"
"Nagseselos ka!"
Nagtiim bagang si Eli nang mapatigil siya sa pagsasalita dahil sa sigaw na 'yon ni Kio. Ako naman ay napagdikit ng mariin ang mga labi ko. At ilang segundo lang ay hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na hindi mapangisi. Because Kio was right.
"Nagseselos ka na naman, boss! Hays. Bahala ka nga diyan! Nagtatampo na ako sa 'yo!"
"That idiot," at nang itaas ulit niya ang baril na hawak ay mahigpit ko na siyang pinigilan sa braso at sinamaan ng tingin. Narinig naman namin dalawa na sinabi ni Kio na sa labas na lang daw siya maghihintay baka daw matuluyan pa siya kung sa labas ng silid ko.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...