"Uhm, Pristine, i-ito daw yung photocopy ng exercise na ipe-present natin ngayon."Napatingin ako sa kaklase ko nang lumapit ito sa akin. We're at the comfort room. Naghihintay ako sa may gilid para magpalit ng P.E uniform. Nang kunin ko 'yon ay ngumiti ako at nagpasalamat.
"Thank you, Jennica."
Pero bago pa niya 'yon marinig ay tumalikod na siya. Napayuko ako at napalabi. I actually remember her, kaklase ko na siya nung senior high school ako, and she's a shy girl. Natandaan ko rin na nagkaroon na kami dati ng interaksyon dahil magkagrupo kami sa values ed na subject. Alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi rin siya naglalalapit sa akin, narinig ko kasi na pinagbawalan siya ng ama niya dahil isa ang dad niya sa bumangga noon kay lolo.
Same reason...
Nang makita ko na ako na ang susunod ay pumasok na ako sa cubicle. Ilang minuto na lang rin at magsisimula na ang P.E class. Kailangan ko pa na isaulo itong basic exercise dahil ngayon ko lang nakuha. Ang alam ko ay dapat last week pa 'to binigay.
Napabuntong hininga ako dahil sanay na rin naman ako na maghabol dahil nga hindi ako masyadong kinakausap ng mga kaklase ko. Kung sana pwede lang rin na mag-isa ko na gawin ang mga 'to kaso hindi.
"Narinig mo ba yun? Engage daw si Sebastian at Pristine!"
I was removing my vest when I heard that.
"Oo. Kalat na nga. Kaya rin pala nakikita ko nang nakikipag-usap si Sebastian. Nakakainis naman. Crush ko pa naman siya matagal na. Pero bakit kaya naging silang dalawa naman?"
"Sabi-sabi rin na may gusto talaga si Seb kay Pristine, eh. Hindi rin niya ikinaila 'yon nang marinig daw kay Hiro.
Sebastian and I never talk about the engagement. Hindi ko sineseryoso, at ewan ko, hindi ko masyadong pinoproblema siguro dahil nga naging tapat naman ako sa kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya at alam naman niya na may iba na akong gusto.
Kilala rin niya kung sino.
Nagpatuloy ako sa paghuhubad at inignora na lang ang usapan ng mga kaklase ko tungkol sa amin ni Sebastian. Mauubos na ang oras at kailangan ko nang bilisan.
"Let's go. Nasa gym na daw si Sir Herne!"
Oh gosh.
Masyado kasi silang marami kanina lahat dito kaya nahuli na ako. Tapos kapag ako naman na ang nasa pila ay uunahan ako ng ibang kadarating lang. Nagpahuli na lang rin ako para wala silang masabi pa.
After I removed the buttons of my long sleeve polo ay dali-dali ko naman na isinampay yon sa gilid. And while I was changing my clothes, I smelled something. Masakit sa ilong...it was like a smell of a gasoline. Nangunot ang noo ko at nagtaka ako dahil wala naman ang amoy na 'yon kanina. Para rin may amoy ng wire ng kuryente na sunog.
I also heard footsteps. Pero hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy ako sa pagpapalit. I hate being late. Isa pa, magkakabisa pa ako kaya mas lalong kailangan ko na bilisan. Nang mahubad ko na ang skirt ko at maalis ang medyas ko ay saka ko naman isinuot ang jogging pants. I even tied my hair.
Naalala ko naman bigla si Elijah. Sinabihan ko siya na maghintay na lang ulit sa cafeteria. Isang oras lang naman kako ang P.E at minsan ay maaga na nagdi-dismiss ang professor namin. He agreed. Actually masama pa rin ang mood niya dahil nga akala niya ay mas pinipili ko na si Kio kaysa sa kaniya.
He's really overthinking about it. Nagtapat na nga ako sa kaniya at lahat-lahat pero sumasama pa ang loob niya ng ganon. Gusto niya ata na ipaalala ko na naman sa kaniya kung ano ang mga dahilan kung bakit naiinis pa rin ako sa kaniya.
"Hindi ko naman siya pinipili kaysa sa 'yo, Eli."
"Really? Because that's what you are doing."
"Pagtatalunan ba natin 'to? Sa 'yo na nga ako sumakay, eh."
I was actually stunned when he told me that he will carry me. At sa kandungan niya iuupo! Kahit nang makaalis ang sasakyan kanina sa apartment ni Esther hanggang makarating kami ng univiersity ay ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya.
And he didn't take it back! Pagkasakay ko sa harapan ay seryoso siya na nagmaneho at nagsimula nang magsalita ng mga saloobin niya tungkol kay Kio.
"So, he's your bestfriend now? That's why you want him always by your side."
"Oo."
"Then, what about me?"
Napalingon ako sa kaniya sa naging tanong niya na 'yon.
"Bakit? Gusto mo rin ba na maging bestfriend ko?"
I smiled when I saw his reaction at that time. Ang bilis rin niya na umiling ng sunod-sunod. Mukhang kahit sabihin ko rin sa kaniya ng ilang beses na kaibigan ko lang si Kio ay hindi basta-basta maaalis ang inis niya. Parang pag napag-uusapan ay lalong lumalala.
Siya naman ang nagbubukas lagi ng topic. Siya ang gumagawa ng ikaiinis niya.
But I actually decided to talk to him tonight. Pagkauwi namin. Gusto ko rin kasi malaman kung ano ang desisyon ng securtiy company at pinayagan siya ng mga ito na bumalik bilang bodyguard ko.
Nang makayari na ako sa pagpapalit ay maayos ko naman na inilagay ang unifrom ko sa loob ng paperbag. Nang magsasapatos na lang ako ay nagsalubong ang mga kilay ko dahil mas tumapang ang naaamoy ko sa paligid. I even covered my nose because the smell was so strong. Amoy gas...
"What's that?" I asked.
But when I saw a smoke coming in from the cubicle that's when I started to panic. Nakarinig rin ako ng malakas na tunog kaya agad-agad akong lumabas. But the smoke welcomed me.
"W-What the..."
There's a fire... i-inside.
At hind lamang 'yon basta maliit na apoy. Kumakalat na 'yon papunta sa kisame.
"O-Oh ghad..." mabilis ako na naglakad at tinungo ang pinto pero nagulat ako nang nakasara na 'yon.
The foor in the comfort rooms are not usally locked. Nakaramdam ako ng kaba lalo na nang hindi ko mabuksan ang pinto.
"Help! I'm still here! May sunog dito sa loob!" napatingin ako sa likod ko nang makita ko na mas lumalakad ang apoy papunta dito mismo sa akin. And when I saw the wet floor--na nakuha ko na gasolina ay mas kinalampag ko ang pinto.
"Please! H-Help me! I am still here!"
I started to cough when the smoke are already invading the whole comfort room. Nabitawan ko na rin ang hawak ko na paperbag. Nagsunod-sunod ang pag-ubo ko habang takip ko ang aking bibig. Hindi na rin ako makadilat pa dahil sa sakit na nararamdaman ng mga mata ko dahil sa usok. Nararamdaman ko na rin ang init dahil malapit na akong maabot ng lumalakad na apoy.
"T-Tulong!" pahina ng pahina ang boses ko habang kinakalampag ang pinto. I was coughing while still trying to ask for help. Pero wala akong narinig sa labas.
"N-No..."
W-Wala akong cellphone na dala. I-I can't call Elijah.
But I didn't stop shouting. I didn't stop hitting the door kahit nanghihina na ako at nahihirapan. Pero nang halos mapuno na ng usok ang buong comfort room ay umalis ako sa tapat ng pinto at naghanap ng bintana na maaaring malabasan.
"Eli..." I whispered, feeling myself losing consciousness.
"Elijah..."
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...