Chapter 64

110 1 0
                                    

I don't want him to think that Sebastian did something to me that's why I cried, pero mukhang iyon na ang nasa isip ngayon ni Elijah dahil sa galit na ekspresyon sa mukha niya. Umangat ang kamay ko sa pisngi niya at ngumiti ako para hindi na siya mag-alala pa.

"May pinag-usapan lang kami ng papa, Eli."

Lumuwag naman ang hawak niya sa akin at pagkatapos ay tumango. Nang tumayo siya ng tuwid ay nilingon niya kung nasaana ng papa.

"I saw Sebastian Ynare's car that's why I knew he was here."

I nod. "Sumandali lang. Sila ang matagal na magkausap ng papa, Eli. Kinumusta lang ako dahil sa nangyari kanina sa university. Wala siya dahil abala siya sa negosyo ng pamilya nila."

He turned to look at me again. May talim ang mga mata niya, I wonder what happened? Pakiramdam ko ay galing siya sa matinding galit. Iyon ang nakikita ko sa kaniya. Nang abutin ko ang kamay niya na nakakuyom ay napababa ang tingin niya nang pagsalikupin ko ang mga 'yon.

"May problema ba, Eli?" tanong ko, nag-aalala. Umalis siya dahil kailangan nilang iinterrogate ang may gawa ng sunog sa university. Mukhang mag-isa rin siya dahil wala si Kio. Kung kasama niya na bumalik ay siguradong nariyan lang ito sa  labas sa may pinto.

"Nothing, princess. I'm just worried because that boy came here."

Nakatitig lang ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

Why does it feel like he means Sebastian is going to do something bad?

Hindi naman na ako nagsalita para ikwento ang nangyari kanina dahil ayokong mas pagmukhain na masama si Sebastian, hindi na rin kakayanin ng konsensiya ko lalo pa at kanina hindi agad nawala sa isipan ko ang binitawan nitong salita sa akin.

It's not my intention to hurt his feelings, pero sana maisip rin nito na hindi madali para sa akin na pakisamahan siya ng maayos at isipin na purong kabutihan lang ang intensyon niya sa akin. It's hard because even though he already knew my feelings about Elijah, he hasn't done anything to back out of the engagement.

Nang makita ko nang pabalik ang papa ay binitawan ko agad ang kamay ni Eli. Napalingon naman siya ulit. Nang makalapit na ang aking ama sa amin ay nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya.

"Pa..."

"I need to go to the hospital, anak."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko. "Po? Bakit po?"

"Tinawagan ako ng doctor ng lolo mo, tumaas daw ang dugo nito at dinala sa ospital."

Napatayo naman ako sa narinig ko.

W-What? Hindi kaya dahil sa nangyari kanina sa ospital. Galit na galit ang Lolo Yago sa akin, sa amin ng papa dahil sa mga sinabi ko tungkol sa pananatili ni Elijah. Nailapat ko ang palad ko sa dibdib ko at nakonsensiya ako.

"I-Is lolo fine, papa?"

"He's sleeping by now, anak. Pupunta ako at kapag nakausap ko ng personal ang doctor ay tatawagan kita at babalitaan, ha?"

"Sige po, papa."

Gusto ko sanang sumama pero mukhang hindi 'yon makabubuti kung dahil sa akin kaya rin nangyari 'yon sa lolo. Napabuntong hininga ako at napatingin kay Eli nang balingan ito ng aking ama.

"Elijah, mag-uusap tayo pagbalik ko. Kailangan ko ng report mo tungkol sa nahuli ninyong tao. We need to know kung sino ang nag-utos dito para pagbayarin sa ginawa nila sa anak ko."

Pagkasabi non ng papa ay tumango lang si Eli. And when my father left  the dining room, umangat naman ang tingin ko kay Elijah at hinawakan siya sa braso.

"N-Nakausap ninyo ba ang may gawa ng sunog? Sinabi ba kung sino ang nag-utos?" tanong ko.

HIndi naman siya sumagot at hinawakan lang ako sa magkabilang balikat at iniupo sa upuan ko.

"You need to eat first," Eli said and he started to get me food. Siya ang naglagay ng kanin sa pinggan ko at ulam. Nang makatapos ay tumabi siya sa akin at tinitigan ako.

Bakit parang ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol sa taong may kagagawan ng sunog? Kami lang naman ang narito sa dining room. Walang ibang maids. Nakasarado rin ang pinto.

Hindi ko ginalaw ang pagkain ko kahit nang alam kong hinihintay ni Elijah na kumain na ako. Seryoso ko siyang tiningnan at inulit ang tanong ko.

"Sinabi ba ng may gawa kung sino ang nag-utos sa kaniya para i-ipapatay ako?"

Dati, bago ko siya maging bodyguard ay parang wala lang sa akin pagtangkaan ang buhay ko ng mga kaaway ng lolo  lalo na sa dalas na palaging may nangyayari na hindi maganda. Maliban pa ang pagmamalupit mismo ng Lolo Yago. Pero ngayon, bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko. I am scared to die and that's because I want to live  longer... with him.

"He's dead."

He doesn't even blink when he said that. Parang wala lang rin nang sabihin niya 'yon. Ako naman ay nagulat at napaawang ang mga labi. D-Dead? Bakit? Nagpumilit kayang makatakas?

Nang kuhanin ni Elijah ang kutsara ko ay inilapit niya ng kaunti sa kaniya ang aking pinggan na may pagkain at kumuha siya doon. I thought he was going to eat, pero iniumang niya sa akin ang pagkain.

"Let's t-talk about what happened, Eli. Mamaya na ako kakain. P-Paanong patay na?" tanong ko.

Pero hindi niya ibinaba ang hawak, napabuga ako ng hangin at ibinuka ko na lang ang bibig ko, nagbabakasakali na baka sagutin niya ang tanong ko. Pero pagkanguya ko at lunok ng unang kutsara na isinubo niya ay may kasunod agad.

"A-Ayaw mo ba akong pagsalitain? O ayaw mo akong magtanong tungkol sa may gawa ng sunog sa university?"

At sa sinabi ko na 'yon ay naibaba ni Eli ang kutsara na may laman at napangiti. I knew it. He doesn't want to talk about it. Pero bakit? Sa papa lang ba niya dapat sabihin 'yon? Napasimangot naman ako.

"Finish your food first, baby. Then we'll talk later."

Medyo nagulat naman ako sa biglaan niyang pagtawag sa akin ng baby. At kahit walang tao sa dining room ay napalinga ako.

"Pero bakit parang hindi ako naniniwala na sasabihin mo sa akin? P-Parang gusto mo lang akong kumain."

Mas lumawak ang ngiti niya at muling kinuha ang kutsara at saka ako sinubuan. Nang aagawin ko naman 'yon ay inilayo niya.

"Ako na. Kaya ko naman kumain mag-isa," salubong ang kilay na sabi ko sa kaniya. Nagsalumbaba naman siya sa harapan ko at muling kumuha ng pagkain. Hindi ko 'yon sinubo at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako na sabi," pilit ko pero umiling lang siya.

"I'll feed you until you finish everything on your plate, baby."

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon