Ako ang kusang lumayo sa aking ama pagkatapos ko na marinig lang ang paghingi niya ng sorry."Can w-we just get out of here and live a simple life, papa?"
Alam ko na ayaw niyang iwan ang Lolo Yago, na mahal na mahal niya ito pero sana rin naman nakikita niya kung paano na minamanipula nito ang buhay namin na dalawa--lalong-lalo na ang sa akin.
Dati, wala akong boses dahil takot ako pero ngayon... n-ngayon na may mas dahilan ako para sumuway sa lolo ay hindi na lang ako basta susunod at tatango sa mga gusto nito. Lalo pa ang usaping pagpapakasal.
I-I am ready to run away if he will really insist that I should marry Sebastian.
Hindi ako natatakot lalo pa at alam ko rin naman na gagawin ni Elijah ang lahat para sa akin. And I don't care if it's too early to say all of this, pero n-napapagod na rin talaga ako. I am still young... young to experience all of this. Hindi ako ang dapat nakaharap sa mga taong gusto siyang balikan dahil sa mga kasamaang ginawa niya. H-Hindi kami ng papa.
"Pristine, alam mo kung ano ang isasagot ko sa 'yo, 'di ba?"
I let go. Naglakad ako palayo sa kaniya. Ngayon ay kaharap ko na sila ni Elijah. And I know Eli was just holding himself to speak because my father is here.
"Na mas magiging delikado ang buhay natin kung iiwan natin ang lolo at lalayo tayo? Papa, kung sana una pa lang natin 'yon ginawa, n-na lumayo tayo ay sana... s-sana hindi tayo nadadamay ng ganito sa mga gulong sangkot ang Lolo Yago. He's u-using us, parang tayo ang ginagawa niyang--"
"Pristine," mas sumeryoso ang tono ng boses ng aking ama sa akin. Alam ko na hindi niya nagugustuhan ang mga binibitawan ko na salita.
"And what do you want? Ngayon natin iiwanan ang lolo mo? Kahit na ganoon siya kasama, ama ko pa rin siya at lolo mo siya. Pamilya pa rin tayo."
My lips parted because of what I heard. Muling tumulo ang luha sa mga mata ko nang bawat salita ay parang punyal na tumarak 'yon sa dibdib ko. E-Even him... my father wants to stay here with lolo. Alam na niya na ayokong sumunod sa mga utos ng Lolo Yago, sa pagpapakasal pero ganito pa rin ang desisyon niya.
"Y-You don't care about me..." sagot ko habang umiiling.
"Anak, what... of course I care--"
"No!" I shouted, my eyes welling with tears as I shook my head. Then, Elijah walk over to me. Nang hawakan niya ako sa braso ay hindi ako nagpapigil sa mga gusto kong sabihin kahit na umiiyak na ako sa kanilang harapan.
"Kung n-nagmamalasakit ka po sa akin, pa, k-kung totoong mahal mo ako sana... s-sana you are standing up for me against lolo. But you always s-say that you are... a-and you will never l-let anyone hurts me."
"I am, anak... n-nakikita mo naman 'yon, 'di ba? Ayoko lang rin na magkagalit kami ng lolo mo. Tayo-tayo na lang ang pamilya, anak. Huwag mo naman sanang pag-isipan na hindi ako nagmamalasakit sa 'yo kapag sinusunod ko ang gusto ng lolo mo."
Napahikbi ako at patuloy na umiling sa kaniya. I didn't even bother to wipe the tears that keep falling on my face.
"You tried... b-but not hard enough to save me... hindi po porke tahimik ako at walang sinasabi o-okay na sa akin ang lahat ng 'to. Pa, A-Alam mo kung gaano ako katakot sa Lolo Yago kaya wala rin akong magawa, that whenever he's here I'm shaking in fear. At kahit ganoon... kahit g-ganoon I am still trying to do everything that he wants, kahit ayaw ko. Kahit labag sa loob ko dahil sa sinasabi mo po na p-pamilya tayo dito. But..."
I was crying so hard that I was struggling to speak. And Elijah, who was holding me in his arms, pulled me closer, even in front of my father.
"L-Lolo never... ever treated me like a family..."
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...