Chapter 16

222 5 0
                                    




"Are you done eating your breakfast?"

"Why are you not replying, princess?

Napasimangot ako nang mabasa ang mensahe ni Elijah. Nasa back garden ako sa paborito niyang pwesto. Naiinis habang nagtatanggal ng petal ng mga bulaklak. Dapat ay magbabasa ako ng libro pero ito at ang mga inosenteng bulaklak ang napagbuntunan ng inis ko.

He loves me... he loves me not... he loves me...

Nang isang petal na lang ay napabuga ako ng hangin.

He loves me not.

Napatingin ako sa cellphone ko ulit nang may mensahe na naman akong marinig.

"Pristine. Why are you so stubborn?"

Paanong hindi? Akala ko talaga ay hindi na siya aalis. Napangiti na ako ng malawak kahapon pero hindi pa rin siya napigilan.

"I just need to check the place with my men, princess."

"Bakit ang tagal? Dalawang linggo?"

"We need to install cameras around the whole place for the family's security--"

"Hindi ba pwede na iba na lang? Saka, hindi naman mukhang vacation iyan. Trabaho pa rin."

It's still work. Parang naubusan na nga si Eli ng dahilan sa akin pero naramdaman ko na hindi ko pa rin siya mapapapayag na manatili.

Ang sabi niya ay ako ang mas mahalaga pero tumuloy pa rin talaga siya. Ayoko naman na papiliin rin siya kaya naman sinabi ko na magtext na lang siya madalas para mapanatag ako. Eli knows that I am afraid he will never come back, nauunawaan niya kasi na siya lang ang kakampo ko kaya ako takot.

And now, he's been texting me. Three messages in one minute because I haven't replied yet.

Ikaw ang nagsabi na magtext pero ngayon na nagtext na ay hindi ka nagrereply!

Nakakainis kasi.

Ibinaba ko ang hawak ko na libro pagkaipit doon ng mga petal ng mga bulaklak pagkatapos ay bahagya ko na iniangat ang aking ulo at tiningnan naman ang bodyguard na kapalit ni Elijah pansamantala.

Like him, this bodyguard is young. Mukhang kasing edaran rin ni Eli. Mamaya ay iinterviewhin ko, kaso swerte kung sasagot siguro sa akin. Hindi naman mukhang masungit.

But I felt like he'll only answer my question if it's only related to work.

"What was his name again?"

"Lio? Rio?"

Hindi kasi ako nakinig nang sinabi ni Elijah ang pangalan nito. Nakatingin lang ako sa malayo dahil naiinis ako sa kaniya. Nang ibalik ko ang pansin sa libro ay binuklat ko 'yon sa ibang pahina at nagsimulang iipit ang mga bagong petals ng mga bulaklak na isa-isa kong pinitas.

Umabot ako ulit ng isang bulaklak. I did it again and when I felt the presence of my bodyguard now walking towards me. Napalingon ako dito.

"Ma'am, breakfast time na po."

Umiling ako bilang sagot.

"Ma'am, mapapagalitan po ako ng--"

"Papa never force me to eat if I don't want to," pagpuputol ko sa kaniya.

"E-Eh, hindi naman po ang papa ninyo, eh. Kabilin-bilinan po sa akin ni--"

Sinamaan ko ito ng tingin dahil nakukulitan na ako.

"I'm not hungry. Is that clear?"

Hindi ito sumagot kung hindi ngumiwi lang. Napakamot pa sa likod ng tainga. I even heard him let out a deep sigh. Tinitigian ko ito.

He's wearing a suit. Matangkad siya, maputi, singkit ang mga mata maayos ang gupit ng dark brown hair niya. May earpiece siya sa tainga. He's not that intimidating, his aura--

"Spoiled brat ata ito? Pero ang sabi ni Elijah ay hindi daw at mabait naman."

Napatigil ako sa pagsusuri dito at napakunot ang noo ko.

I heard that!

"What?"

His intrusive thoughts won and I think he just realized it now.

"K-Kain na po kasi, ma'am."

Sinamaan ko ng tingin ang bodyguard at ibinaba ko ang mga paa ko ng sabay. Pagkatapos ay tumayo ako at humarap dito. I fixed my dress as well as my hair.

"Hindi ako kumakain pag hindi ako nagugutom. Isa 'yon sa ilista mo sa notebook mo dahil dalawang linggo ka na magbabantay sa akin."

Since when did I talk to a person like this? Sa mood lang siguro at naiinis pa rin ako sa pag-alis ni Elijah kaya nagsusungit ako ngayon.

"Ahh. Sige po. Pero hindi naman po dalawang linggo, Ma'am Pristine. Tatlong araw lang po mawawala si Elijah."

At nang marinig ko 'yon ay napalapit ako sa kaniya, bigla akong nangiti.

"W-What? Really? Tatlo lang and not two weeks?" paniniguro ko kasi baka namali ako ng dinig.

Ngunit ang bodyguard ay biglang nagulat sa naging reaksyon ko at paglapit. Mabilis itong lumayo na muntikan pa itong mabuwal.

"A-Ay, opo. Ma'am. Ma'am Pristine, pakiusap lang po huwag kayong masyadong lumalapit sa akin ng ganoon at ayoko pa ho ma-deads."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko nang marinig ang sinabi nito. Humalukipkip ako at pinakatitigan ito ng mariin. Pero nang maalala ko ang naging usapan namin ni Elijah nang tanungin ko siya kung may gusto siya sa akin ay naalala ko ang usapan tungkol sa mga lalake--that no man is allowed to be near me. Utos rin ng papa.

Napatango ako sa bodyguard ko na bago.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Kio."

Aahh. Kio pala.

"How long are you in service?"

"5 years, ma'am."

"Si Eli ay ilang taon?"

Kumunot naman ang noo niya. Mukhang hindi ata naintindihan ang tanong ko.

"Ma'am?"

"Si Eli ilang taon na sa trabaho?"

Napatango naman siya. Napagdikit pa niya ang mga palad nang mapagtanto ang tanong ko. What's wrong with this bodyguard? But he looked friendly though. He has a light aura. Si Elijah kasi ay nakakatakot. Nung una ay hindi ko ito kinakausap kasi ang sungit tumingin.

"2 years? 3? Hindi ko sure, Ma'am."

What? Akala ko ay nasa mga 5 years na kasi ang sabi ng papa ay matagal na rin daw. Pero siguro, he's a navy seal before. Baka iyon ang naintindihan na tanong ng papa.

"Mas matagal ka pala sa kaniya. Hindi ba at kung ikaw ang pinakamatagal ay mas mataas ang posisyon mo sa kaniya?" tanong ko pa.

Parang nag-iisip pa ito kung sasagutin ako dahil iniiwas ang tingin. Pero habang kausap ko siya ay napapanatag ang loob ko sa kaniya. Mukhang magkakasundo naman kami.

"I hate repeating myself, Kio."

Napangiwi na naman siya at muling napakamot sa likod ng kaniyang tainga.

"Eh, ma'am. Too personal? O mas mabuti si Elijah na lang po ang tanungin ninyo para mas mabuti."

Ohh-kay?

"I don't think sasagot rin siya sa akin," sabi ko naman at inilayo ang tingin.

I rested my chin on the back of my hand and thought about Eli.

Why is it so hard to know things about him? Ilang mga bagay lang ang alam ko.

"Ayon nga po. Malalagot ako kung hindi niya sinasabi sa inyo tapos ako ay sasabihin ko. Baka ibaon po ako non ng buhay. Mahirap po magsalita tungkol sa buhay niya, eh."

Really?

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon