"What did this asshole do, princess?" pagkalapit ay hinawakan ako ni Eli sa braso, sandali lang siya na nakatingin sa akin pagkatanong non dahil nilingon niya agad si Gael at masamang tiningnan."I-I'm alright, Elijah."
Nang lumapit sa amin si Gael ay nakangiti ito sa 'kin.
"Next time let's have lunch in my house, Pristine. Iyong hindi na lalamig ang mga pagkain," sabi niya at ibinigay kay Elijah ang cellphone ko.
"You came inside fast, bodyguard. That's good. You are your doing job right. Let's drink when we meet again next time and please..." tinapik niya pa si Eli sa balikat. Pero ako ay kinakabahan na dahil pakiramdam ko ay iigkas na ang kamay ni Elijah aa mukha ni Gael.
"Protect my fiancee for me while I am not here. I heard about the threats."
Napatanga ako doon. Hindi dahil sa mga banta sa buhay namin dahil sanay na ako, kung hindi dahil sa sinabi niyang 'fiancee'
He was so confident when he said that!
Wala pa ngang usapan sa kasal!
"We're not even close so why would I drink with you?" masungit na sagot ni Elijah na ikinangisi naman ni Gael. Nang tumingin ang huli sa akin ay iniangat niya ang kamay at hahawakan sana ako nang palisin 'yon ni Eli.
Humarang na rin siya, pumagitna at sa laki ng katawan niya ay hindi ko na halos makita pa si Gael.
"You did something to her, didn't you?" his voice was full of danger.
"Why don't you ask her? Isa pa, kung may gawin man ako, I have the right. Pristine is my fiancee."
Nang makita ko ang pagtatagis ng bagang ni Elijah at nang umangat ang mga kamay niya ay nilukob ako ng kaba.
"Eli--" at ang bilis ng pangyayari dahil sa isang iglap lang ay hawak-hawak na niya ngayon si Gael sa kuwelyo nito.
"E-Elijah! S-Stop!"
"Not yet your fiancee," after he said that he pushed Gael and held my hand.
Napailing na lang ang huli at inayos ang nagusot nitong suit. At nang maglakad na palabas ay muli siyang tumingin pa sa amin ng isang beses.
"I'll tell your grandfather that I had a great time with you, Pristine. Also... sasabihin ko rin sa kaniya na magaling ang bodyguard mo. There's nothing to worry about when it comes to your safety."
Pagkasabi niya ng mga salita na 'yon ay lumabas na siya ng dining room. Napabuntong hininga ako at napasapo sa aking noo. Hindi naman niya siguro sisiraan si Elijah, hindi ba? Even so, ang papa naman ang may huling salita kung mananatili si Elijah na bodyguard ko.
No one can fire him, except me and papa.
"Princess, are you okay?" nang iharap ako ni Elijah sa kaniya ay nakatingin siya kaagad sa kabuuan ko. Hawak niya ang mga kamay ko, tinitingnan ang aking mga braso, ang leeg at nang tumuon ang tingin niya sa aking mukha at hawakan niya ang kaliwang pisngi ko ay nagulat ako na ikinatigil niya.
His jaw clenched and removed his hand.
"He touched your face," pagkasabi niya non ay tumingin siya sa labas. At nang humakbang siya ay nakuha ko agad ang gagawin niya.
Susundan niya si Gael!
"E-Eli. It's fine. Humawak lang siya sa pisngi ko," sabi ko naman habang hawak ng mahigpit ang kamay niya. Bumalik siya sa akin, masama pa rin ang mukha at inilapat niya ulit ang palad sa pisngi ko.
"Wala na siyang ibang ginawa sa 'yo?" he asked. Umiling ako.
"Wala na. Pero, p-paano mo nalaman na hinawakan niya ako?" tanong ko naman na nabigla pa rin.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...