Chapter 13

234 6 0
                                    




Elijah is back. Napatingin ako sandali sa cellphone ko sa ibabaw ng kama. Nagpadala kaya siya ng mensahe? Hindi ko na nabasa dahil malalim rin ang iniisip ko kanina.

  "Ayan may makakasama ka na pala ulit," sabi ng ate.

  "Kumain ka ng marami, ha? Sexy ka naman, mas sumeksi ka nga lalo nang mabawasan ng timbang pero hindi pa rin mainam."

  Tumango ako at nagpasalamat. Nang makaalis na ang Ate Lena ay napatingin ako kay Elijah. Siya na ang nagsara ng pinto.

  "You left early," iyon lang ang sinabi ko.

  "Umuwi ako. An emergency happened at home."

  Nang marinig ko naman ang sinabi niya ay napahakbang ako palapit. Saka ko lang rin napansin ang panga niya na namumula. There was also a scratch near his neck.

  "W-What happened?" tanong ko. May kinalaman kaya 'yon sa kausap niya sa cellphone nitong nakaraan?

  Mas lumapit ako kay Eli. Iniangat ko rin ang kamay ko at hinawakan ang panga niya. He didn't move away. Nanatili lang siya sa harapan ko at nakatingin sa akin.

  "Nothing serious, princess. Mom was home and she looked for my father."

  "It is an emergency that your mother arrived home?" nagtatakang tanong ko. Tumango naman siya na ikinaisip ko kung bakit.

  "My parents just had a small argument. Tuwing uuwi naman ang mom. Nothing new."

  Ha? Maliit na argument lang pero ganito siya? He was bruised! Nadamay siya!

  Napabuntong hininga ako ng marahas at tumalikod kay Elijah. Pero hindi pa ako nakakalayo nang hawakan niya ako ng maingat sa braso ko kaya napalingon akong muli sa kaniya.

  "Kukuhanin ko ang firs aid kit. Baka ma-infect iyan, Eli," sagot ko sa kaniya.

  Napahawak naman siya sa pisngi niya at dinama ang sugat.

  "It's just a small scratch, princess. There's no need to—"

  Nang samaan ko siya ng tingin ay napatigil siya sa pagsasalita. He let go of my arm and raised both of his hands in the air, surrendering.

  "Sit and wait for me, Elijah," seryoso at puno ng awtoridad na sagot ko sa kaniya.

  I noticed his upper lips curled up. Sinunod naman niya ang sinabi ko.

  "Alright, princess."

  At nakukuha niya pa na ngumiti. Napailing ako. Nang bumalik ako sa kaniya ay hawak ko na ang first aid kit. Naupo ako sa tabi niya sa mahabang sofa at sinimulan na gamutin ang sugat niya. And while I was damping the cotton in his bruise, I felt he's gazing at me. Ikinalunok ko 'yon ng ilang beses.

  Elijah was so close. His breath was touching my face at ngayon ko lang naramdaman ang pagkailang lalo sa tingin niya.

  I cleared my throat and looked for something inside my head to talk about.

  "A-Ah, palagi ba na nag-aaway ang mga magulang mo?" tanong ko na lang. Pinagtuunan ko ng pansin ang dahilan ng pagkakaroon niya ng sugat.

  "Always. Pag umuuwi si mom."

  Bigla akong na-curious, sa paraan ng pagkakasabi niya ay parang ang dalang umuwi ng kaniyang ina.

  "Hindi siya nakatira sa bahay ninyo kasama ng dad mo?" tanong ko pa. Umiling si Eli. Pinalitan ko naman ang bulak. Kumuha na rin ako ng bandaid na mako-coveran ang sugat niya.

  "No. My mom was always outside the country. Sa ibang bansa siya nakatira for now."

  Napatango naman ako. Muli na may nabuo na tanong sa isipan ko.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon